Kagabi naghain si nanay sa lamesa ng aming hapunan. Napansin kong sunog ang ipinirito nyang manok..
Hinihintay namin si tatay na dumating para sumabay sa pagkain..
Maya-maya pa'y dumating na si tatay galing sa trabaho at umupo sa upuan ng hapagkainan, nagdasal at nagsimulang kumain..
Hinihintay ko ang reaksyon ni tatay sa sunog na prito ni nanay..
Ngunit ni wala akong narinig na salita mula kay tatay..
Nagsorry si nanay dahil nasunog ang kanyang prito..
Mahal gustong-gusto ko ang sunog na pritong manok.. Ang wika ni tatay..
Nagsimula na rin akong kumain at iniisip ko kung bakit sarap na sarap si tatay sa ulam namin pero ako naman ay nalalasahan ko ang pait ng sunog na pritong manok..
Pagkatapos kumain hinugasan na ni nanay ang aming pinagkainan habang nilalaro ko ang bunso kong kapatid..
Nang inaantok na si bunso binuhat siya ni tatay para dalhin sa kwarto..
Sumunod ako at nakita kong pinapatulog na ni tatay si bunso sa kanyang dibdib..
Tinanong ko si tatay tungkol sa ulam namin kanina.
Tay gusto mo po ba talaga ng sunog na prito ni nanay?
Nakita kong ngumiti si tatay at sinabi sakin, "Anak hindi ko gusto ang sunog na prito. Hindi ako nagreklamo sa nanay mo dahil pagod na pagod na siya sa buong araw nyang pagtatrabaho sa bahay at inaalagaan pa kayong magkapatid.
Ang sunog na ulam ay hindi nakakasakit ng damdamin, subalit ang masakit na mga salita ay nakakasakit ng damdamin."
Habaan sana natin ang pasensiya at pagintindi sa mga Nanay. Dahil kung kayo pagod sa pagtratrabaho para mag provide sa pamilya. Pagod din Ang mga Nanay para mapaganda at maging maayos Ang pamilya nyo. 🙂
Source and photo credit to: Makatang Ina
#KapamilyaUnited
No comments:
Post a Comment