Nakapag date kami ulit! Sabi nga ay huwag itigil ang ligawan stage π
Madalas bitbit namin ang mga kids kapag nalabas kami. Wala kaming helper o kamag-anak na kasama kaya buong pamilya kami palagi (relate? π )
Pero iba pa din kapag lalabas kayong mag-asawa ng kayo lang π€
Malakas sya maka recharge ng relationship.
Pero gets namin ang mga couples na nasa season na walang mapag iwanan ng mga anak..
Pag laki-laki nila ay maiiwan din natin mga momsh at daddies.
Pero reminder lang itong post na ito, kelan kayo huling nag date? π
Pwedeng mag-date sa sala kapag tulog na ang mga chikitings ❤️
✔️kamustahin nyo ang isa’t isa?
✔️may pinag dadaanan ba kayo individually?
✔️saan area ng buhay mo ngayon at season mo ngayon kailangan mo ng help ng asawa mo?
✔️kamusta ang growth ninyo sa spiritual, physical at iba pa?
Masarap makipag kwentuhan sa mga asawa natin di ba?
Totoo na ang mga asawa natin ang BEST FRIEND natin.. ka-kwentuhan, ka-ramay sa lahat ng season, ka-bonding sa araw-araw, kasama mangarap sa buhay, kasama idiscover ang purpose ni Lord sa isa’t isa at sa buong pamilya.
Kapag may pagkakataon, mag-date ulit na kayong dalawa lang.
huwag manghinayang gumastos sa asawa natin π sabi nga ng isa sa mentors namin kapag nga ceo ang ka-date mo special ang pinapakain mo, lalo na dapat sa asawa mo π€
No comments:
Post a Comment