𝐆𝐎𝐃 𝐑𝐄𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑𝐒.
_____
Minsan gumagamit ang Bible ng mga expressions para mas maunawaan natin ang pagkilos ng Diyos. At times, nilalarawan ng writers ang Diyos na parang mayroon Siyang qualities na tulad sa atin. We call it anthropomorphism. When God said that He will forgive people, it was said that He will forget their sins (Isa 43:25; Jer 31:34; Heb 8:12). When God shows His favor to people after seemingly withholding it for quite some time, it is said that God remembers them. Nakakalimot ba ang Diyos? Obviously, hindi. Pero sa ganitong mga ideya natin mas nakikita ang karakter Niya.
I like the way the biblical authors use the phrase “God remembers” in their narratives. Kapag binanggit na ng may-akda na naalala ng Diyos ang biblical characters, expected na natin na magkakaroon na ng twist sa story. Magbabago na ang takbo ng kwento!
Pagkatapos ng malakas na bagyo, naalala Niya si Noah at mga kasama niya kaya pinababa Niya ang baha (Gen 8:1). Pagkatapos na mawasak ang masasamang lungsod, naalala ng Diyos si Abraham kaya iniligtas Niya si Lot (Gen 19:29). Pagkatapos ng matagal na paghihintay, naalala Niya si Rachel at binigay Niya si Joseph (Gen 30:22). Pagkatapos ng maraming taon ng kahihiyan, naalala ng Diyos si Hannah at binigay Niya si Samuel (1 Sam 11:19). Pagkatapos ng mahabang panahon ng pagkakaalipin, naalala Niya ang mga Israelites kaya binigay Niya si Moses para iligtas sila (Ex 2:24). Perhaps because of uncertainties, hardships, unanswered prayers, and a long time of waiting, these people thought that maybe God had already forgotten them. At biglang pumasok ang Diyos sa eksena para baguhin ang takbo ng kwento.
He remembers them.
Sa totoo lang, hindi naman sila nawaglit ni minsan sa isipan Niya. God hid the names of His people in His heart. “Can a mother forget the baby at her breast and have no compassion on the child she has borne? Though she may forget, I will not forget you!” (Isa 49:15). Sa maraming pagkakataon, pinapakita ng Diyos na tapat Siya sa pangako Niya na hindi Niya iiwan o pababayaan ang Kanyang mga minamahal (Heb 13:5-6; Deut 31:6). Even in His suffering, Christ assures the dying thief that He will not forget him (Lk 23:42–43). Naaalala ng Diyos ang mga mahalaga sa Kanya. Madalas, hindi lang talaga nagtatagpo ang oras natin sa oras Niya.
Maaring tayo ngayon ay nasa gitna ng paghihintay o walang kasiguraduhan at pakiramdam natin na nakakulong tayo sa sitwasyon na hindi natin matakasan. Disappointments. Broken relationships. Financial struggles. Health issues. Hindi man natin maunawaan ang timing kung kailan Siya papasok sa eksena para baguhin ang takbo ng kwento o kung may babaguhin ba talaga Siya, makakaasa tayong hindi tayo nalilimutan ng Diyos.
Hindi ka nalilimutan ng Diyos.
Though at times He seems silent and distant and things don’t go as planned, we can trust the God who never forgets to have our best interests in His mind.
Lord, remember us.
#thecuriousbelievers
No comments:
Post a Comment