Tuesday, January 14, 2025

ANXIETY AND DEPRESSION

 Alam niyo ba na hindi lang sa NGAYON nangyayare ang DEPRESSION and ANXIETY?


Narito ang mga biblical figures na nakaranas ng depression o anxiety:


1. Elijah – Si Elijah ay nakaranas ng Situational Depression o Adjustment Disorder with Depressed Mood. Dahil sa pagod at takot sa banta ni Queen Jezebel, halos sumuko na siya sa buhay. Pero nagpadala si God ng angel para alagaan at palakasin siya (1 Kings 19).


2. David – Si David ay dumaan sa Major Depressive Disorder (MDD). Ang kanyang matinding kalungkutan, guilt, at pagsisisi ay makikita sa mga Psalms, lalo na pagkatapos ng kanyang mga pagkakamali at pagsubok sa buhay (Psalm 51). Ang kanyang openness kay God ay nagpapakita ng kahalagahan ng pag-amin ng ating nararamdaman.


3. Jesus – Sa Garden of Gethsemane, nakaramdam si Jesus ng matinding Acute Stress Reaction. Dahil sa takot at bigat ng pasanin na Kanyang haharapin, humingi siya ng lakas kay God at pinagpawisan pa nga ng dugo, isang kondisyon na tinatawag na Hematidrosis (Luke 22:44).


4. Job – Si Job ay dumaan sa Reactive Depression o Grief-Related Depression, dahil sa matinding pagkawala ng kanyang mga mahal sa buhay, ari-arian, at kalusugan. Dito, ipinapakita ang tindi ng kanyang sakit at ang kanyang paglapit kay God para sa pag-asa (Job 3:11).


5. Jeremiah – Si Jeremiah, ang “Weeping Prophet,” ay nakaranas ng Chronic Sorrow o Persistent Depressive Disorder (PDD), dahil sa patuloy na rejection mula sa kanyang mga kababayan at ang kanilang pagtalikod sa Diyos. Ipinakita ni Jeremiah ang kanyang emosyonal na pagkabalisa sa kanyang writings (Jeremiah 20:14-18, Lamentations).


6. Hannah – Si Hannah ay dumaan sa Situational Anxiety and Depression o Adjustment Disorder with Mixed Anxiety and Depressed Mood. Dahil sa pangungutya sa kanya sa kawalan ng anak, siya ay nakaramdam ng matinding lungkot at stress, kaya't siya ay umiyak at nag-pray kay God (1 Samuel 1:10-16).


Ang kanilang mga kwento ay paalala na maging sa pinakamatinding emotional na pagsubok, ang paglapit sa Diyos ang nagbibigay ng pag-asa, kalakasan, at kaginhawaan sa ating mental health struggles. Na kahit malakas na tayo o pinaka matatag na tao ay makakaranas nito NGUNIT walang impossible sa Dios. Sumandal at lumapit ka sa kanya ikay kanyang tutulungan.❤️

No comments:

Post a Comment