Tuesday, January 14, 2025

SCATTER

 KWENTONG SCATTER


Hello 27 Female, Married. Soon to be mommy, and sobrang stress ko ngayon dahil sa mga pangyayari dahil sa sùgãl.


Kakakasal lang namin ng husband ko last 2022, matagal kaming magkarelasyon simula nung college pa lang kami. Magkaiba kami ng course, akala ko hindi kami tatagal kasi madami pang distraction nung college.


2022 after 7 years namin mag BF and GF nagpakasal na kami. Maayos na yung career naming dalawa, nasa IT Field sya sumasahod ng 150k per month, ako naman Medical yung course pero nasa IT Field din, nasa 90k monthly salary ko.


Nagstart yung problema ko nung nabuntis ako, nung nagpacheck up kami sinabi na maselan daw yung pagbubuntis ko dahil madami ako na experience na spotting, kaya ang advice ng doctor rest muna para mawala stress at hindi masyado mapagod. Napilitan ako magresign para sa baby namin.


Nung nasa bahay lang ako nacurious ako kung ano yung scatter na yan. Sobrang daming nagbabangit ng scatter na yan at nung una naman talaga wala akong pakealam. Pero siguro dahil bored na pa try na rin ako. Nung una cash in lang ako ng 1k per day, hindi ko pa alam kung ano ginagawa ko, spin lang ng spin. 


Sobrang corny nung una kasi spin lang ng spin tapos hindi ko alam nangyayari. Ang panget pa ng graphics nung mga nilalaro kong games. Kaya parang hindi rin ako na hook ng matagal.


Fast forward after 2 - 3 weeks ata, nakita ko yung ibang streamer na magaganda na yung graphics na nilalaro, nalaman ko na iba iba pala yung provider ng games. Nahook ako sa isang provider kasi sobrang madali intindihin yung games tapos maganda na yung graphics.


Nanalo din ako nung una, first max win ko parang 3 pesos bet lang, naging 45k. Ibang klase talaga yung feeling, sobrang saya. Naalala ko nung magBF/GF pa kami ng husband ko pag naglalaro kami sa mga (amusement park) sa mall, lagi kami masaya kapag napapalago namin yung mga token namin. 


Naalala ko pa dati, budget namin sa token nasa 50 to 100 pesos lang, then papalaguin namin magiging 50 to 100, then magbabastketball, videoke, at claw machines na kami. Ganun na ganun yung feeling, sobrang na miss ko din siguro..


Dati spin spin lang ginagawa ko nasa 3-5 pesos bet lang, max cash in ko nasa 1k lang per day, talagang libangan lang kasi hindi ko rin naman need ng money.


Hanggang sa nalibang na ako sa mga sl0ts games, yung dating spin spin lang naging buy bonus na, kasi nandun naman talaga yung pinaka exciting part. Yung dating 300 to 500 buy b0nus napalitan ng 3k hanggang sa umabot na ng up to 30k per buy bonus kakahabol ng talo.


Grabe yung sa buy bonus, minsan bibili ka worth 10k, kadalasan ang balik sayo 10% lang nung pera. Laging talo sa buy bonus pero hindi ko alam pero ganun pa rin ng ganun yung ginagawa ko.


Hindi ko namalayan na max na pala yung mga card ko kaka cash in almost 1.2m yung natalo sakin sa almost 3 months pa lang na paglalaro. Naubos lahat ng savings ko na sana budget namin mag asawa sa hospital panganganak at pagpapacheck up ko at ng baby ko.


Nagkautang pa ako sa banks. Sumabay pa na wala akong trabaho ngayon, kaya walang way para mabayaran yung CC ko. Yung dating laging fully paid yung credit card, ngayon minimum amount due na lang ang kaya kong bayaran. Ang hirap kasi dapat hindi ako stress kaya nga nagresign ako, pero mas sobra sobrang stress pa yung nararamdaman ko ngayon.


Nalulong na pala ako sa 0nl!ne, sobrang t@nga ko hindi ko alam gagawin ko. Halos araw araw gusto ko maglaro, kahit alam kong matatalo ako talagang gusto ko pa rin maglaro. Sobrang hirap sa mental health pala yung ganito.


First week ng December nagsend sakin ng 120k yung asawa ko sa online bank ko, 13th month pay daw nya para pangbudget ngayong pasko at pambili ng gifts sa mga pamangkin.


Nacashin ko yung 20k nagbabakasali na makabawi at madagdagan yung budget at makabayad ng onti sa utang, ang malala naubos yung 120k, ngayon tulala ako at nasusuka hindi ko alam kung ano gagawin.


Hindi ko masabi sa husband ko kung ano yung nangyari sakin, sobrang nahihiya ako sa kanya. Hindi ko na alam gagawin. Kung saan ako pupulot ng pera, gusto ko sana magwork para makabayad kahit papaano, pero iniisip ko si baby. 


Gusto ko umiyak at sabihin sa asawa ko pero natatakot ako. Hindi ko na alam gagawin ko. Masasabi ko na ito talaga yung rock bottom ko, sana malapamsan ko lahat ng ito 🙏

No comments:

Post a Comment