Friday, March 7, 2025

BAKA NAGKAKAMALI KA NG INIISIP

 I am speaking on behalf of every struggling individuals.


Pag may trabaho ang isang tao, iniisip agad natin na:


1.Siguro marami lage syang pera.


2.Siguro may malaki na syang ipon.


3.Siguro marami syang mga mamahaling gamit.


4.Siguro nakakain nya lahat ng gusto nyang pagkain.


5.Siguro madali lang para sakanya ang buhay.


6.At napakarami pang SIGURO


—Pero sana maisip din natin na hindi lahat ng may trabaho ay maraming pera o may malaking savings:


1.Baka kasi yung sinasahod nya ay sapat lang para sa kanyang mga obligasyon sakanyang pamilya.


2.Baka meron pala syang binabayarang mga utang kaya wala syang ipon.


3.Baka yung nakita nating pinost nyang mamahaling gamit ay pinag ipunan nya ng ilang buwan o taon para lang mabili nya.


4.Baka nakakain nya lang ang gusto nya pag nagtipid sya sa loob ng ilang buwan.


5.At sana isipin din natin na baka nahihirapan na pala sya sa trabaho nya pero kailangan nyang magtiis para sa pamilya nya. 


Paalala din po sa lahat ng mga humihingi ng tulong sa mga taong may trabaho, nawa'y hindi po sana tayo magtatampo kung hindi man po tayo agad matulungan sapagkat katotohanan kung makikita mo lamang ang laman ng puso nya sa kagustuhan na matulungan ka at kung mayroon lang talagang maibibigay ang taong iyon ay siguradong hindi magdadalawang isip na ikaw ay matulungan sapagkat ang pagtulong nya ay hindi lamang para sa taong tinulungan nya, bagkus para din sa kanyang sarili. 


Kaya naman paalala unang una saaking sarili, ugalin po natin ang pag iisip ng mabuti sa ating kapwa at iwasan po natin ang maging mapanghusga at mainggitin sapagkat di natin alam kung ilang luha at anong hirap ang kanyang pinagdaan bago makuha ang biyayang iyon. 


We are all struggling to survive in this life, the least we can do is to spread Kindness and Goodness.

No comments:

Post a Comment