Saturday, March 29, 2025

MATUTUNAN MO SANA

 Sa lahat nang naramdaman mong sakit, hirap, at mga natamong sugat. Magdulot man ito ng pagkawala at pagkaligaw. Matutunan mo sanang hilumin ang sarili mo.


At sa mga ganitong pagkakataon, matutunan mo sanang ituring na tahanan ang sarili mo — tanan na palagi mong gustong uwian. Dahil kong maituturing na tahanan ang ibang tao, ganoon din dapat ang sarili mo.


Matutunan mo sanang huwag iasa sa ibang tao ang mga bagay na kaya mong namang maibigay sa sarili mo. Dahil mahirap umasa sa ibang tao, walang kasiguraduhan na palaging maibibigay nila ang mga bagay na nagdududulot ng kapatanagan at gaan sa ating mga puso.


Kadalasan sa mga hindi inaasahang pagbabago, maaaring maidulot nito ay pasakit at pagkabigo. Kung sakaling ito ang natanggap mo, matunton mo nawa pabalik sa sarili mo ang paghilom na nararapat para sa'yo.


—Ginoong P

No comments:

Post a Comment