Wednesday, July 22, 2015

ALAM KONG ALAM MO RIN

DEAR ATE MINS
I
Minsan ang hirap pakibagayan ang damdamin
Minsan ang hirap nitong pagtagumpayanan
Minsan ang hirap nitong unawain
At minsan ang hirap nitong ipagkatiwala sa Diyos.
II
Ang damdamin ng tao ay talagang emosyonal
Kaya minsan mahirap sumunod sa Diyos
Mahirap magtiwala sa Diyos
At mahirap ganapin ang kalooban Niya.
III
Kapag perpektong kalooban ng Diyos ang isyu
Minsan makakadama ka ng kabog ng dibdib
Minsan gagawa ka ng paraan para takasan ito
At minsan matatakot kang harapin ang bukas.
IV
Ate Mins, ano man ang kalooban ng Diyos para sa’yo
At para sa pamilya mo
Andito lang kami nananalangin para sa’yo
Isa lang ang alam namin at alam naming alam mo rin –
Ikaw, kami at sampu ng buo nating pamilya
Tayong lahat ay naisilang upang ganapin ang kalooban Niya.

“In due time, our faith in Him will be made perfect.
And that day will be really great & exciting!”

Love & Prayers,

ateyhang

No comments:

Post a Comment