USAPANG PAG-IBIG
Hahaha!
Nakakatawa
at nakakatuwa talagang pag-usapan paminsan-minsan ang usapang pag-ibig.
Kasi ang
totoo, habang nagkaka-edad ang isang tao, ang pananaw niya tungkol sa pag-ibig
ay nagkaka-edad na rin.
Noong bata
ka pa, kapag nabigo ka sa pag-ibig, iniiyak mo to ng iniiyak hanggang mabasa
ang unan mo (base on my experience, haha)
Pag
nagka-edad ka na (este nagka-edad na si pag-ibig) di ka na ganoon kaemotero-ra.
Makakayanan mo na itong ngitian o tawanan. Di ba?
Pero isa sa
da-best na katangian ng pag- ibig ay MATIYAGA. Kahit ang pinakamamahal mong
kaibigan ay parang ayaw na sayo, aminin mo na kasi – maghihintay ka pa ding
bumalik siya kahit umabot pa siguro ng forever.
Ganyan ang
Diyos magmahal. Punung-puno ng pagtatiyaga. Ang sweet no? aye!
Siya nga
pala, may SWEET LETTER ang BEST FRIEND ko PARA SAYO. Oo PARA SAYO. Ito o,
basahin mo… ang sweet.
NAMI-MISS NA KITA
I
Natatandaan
mo pa ba
Sana
natatandaan mo pa
Noong unang
araw na ako ay kinatagpo mo
Malaking
tulong kasi ito
Para maalala
mo ang pinagsamahan natin.
II
Noong araw
na ‘yan
Hindi ako
nahiyang ipagtapat sa’yo
Ang tunay
kong nararamdaman
Minahal na
kita noon pa
Kahit hindi
mo pa ako nakikilala.
III
Sa sobrang
pag-ibig ko sa’yo
Iniwan ko
ang langit
Para
makasama kita sa lupa
Ang totoo pa
nga pumayag akong mapako sa Krus
Para mabuhay
ka.
IV
Nang sinabi
ko ‘yan sa’yo ay natulala ka
At unti-unting
pumatak ang masagana mong luha
Sa
pagkakataong ‘yan ay niyakap kita
At sinabing
‘wag mo akong kakalimutan
Sana maalala
mo ako saan ka man magpunta.
V
Ilang beses
rin tayong nagtagpo
Ilang beses
ko ring na-enjoy ang mga ngiti mo
Ilang beses
ka ring kumuha ng selfie sating tagpuan
Napakasaya
ko talaga kapag kasama kita
At alam kong
ganoon ka din kapag kasama ako.
VI
Lumipas ang
ilang mga buwan
Di na kita
nakita sating tagpuan
Di ko alam
kung may nasabi ako
Na
ikinasugat ng puso mo
Pero ang
alam ko naging perpekto ang pag-ibig ko.
VII
Sa sobrang
pagka-miss ko sa’yo gumamit ako ng tao
Para i-post
to sa social sites at baka sakaling makita mo
Gusto kitang
lapitan at yakapin
Para malaman
mong hanggang ngayon
Mahal na
mahal pa rin kita.
VIII
Hindi ko ito
nasabi sa’yo noon
Kaya ngayon
sasabihin ko na
Hindi lang
kita tinuring na kaibigan
Itinuring pa
kitang isang tunay na kapatid
At isang
tunay na anak.
IX
Sana magawa
pa nating ibalik ang lahat-lahat sa dati.
Kaya natin
ito. Magtiwala ka sa’kin, nagtitiwala ako sa’yo.
Nandito lang
ako, naghihintay sa’yo.
Nagmamahal,
Panginoong
Hesu-Cristo.
“When
somebody I love hurts me, or when I realize I hurt someone who loves me, I just
imagine how God feels each time we hurt him.”
cabreraflorina.blogspot.com
No comments:
Post a Comment