Nang nagta-trabaho pa ako bilang
isang real state agent, minsan ay sa food court ko sinusulatan ng aking contact
information ang mga flyers na pinapamigay ko. Isang araw, nasagi ko ang baso ng
softdrinks. Natapon ang lahat ng laman nito sa aking bukas na flyer case. Kaya
nasabi ng isang lalaki, “Naku! Iyan ang pinakaayaw kong mangyari!”
Ang totoo, hindi naman iyon ang
pinakaayaw nating mangyari sa buhay natin. Pero bawat isa ay mayroong mga kinakaayawan sa buhay na
kinakatakutang mangyari tulad ng aksidente, malalang sakit o panlalamig sa
pananampalataya.
Dumating sa punto ng buhay ni Job na
bagsak na bagsak siya sa buhay lalo na sa pagtitiwala sa Dios. Ngunit dumating
din sa punto ng buhay niya ang paniniwala na pagkatapos ng pagsubok na ito ay
lalabas siyang parang ginto (Job 23.)
May matututunan tayo sa sinabi ni
Job. Una, ang hindi magagandang pangyayari ay pagsubok sa ating ugali at para
sa ating ikakatatag. Ikalawa, ibibigay ng Dios ang lakas at kagalakan upang
makaya natin ang mga problema.
Madulas ka man, madapa o matalisod
habang naglalakad, mabuhusan man ng kape ang uniporme mo, nadarama mo man na
parang hindi ka na ganoon kaapoy sa paglilingkod sa Dios, ipinangako Niya na
tutulungan Niya tayo kahit sa pinakaayaw nating mangyari sa buhay natin.
#LordPleaseHelpUs
#WeFallShortDaily
#ThisIsOurPrayer
cabreraflorina.blogspot.com
No comments:
Post a Comment