Saturday, September 3, 2016

PAG – IBIG



Hindi nito ipinipilit ang sariling kagustuhan.
-1 Corinto 13:5

May isang kabataang gustong mag-asawa. Sinabi niya sa kanyang ama, “Tay, mag-aasawa na po ako.” Sabi ng ama, “Handa ka na bang mag-asawa?” Sagot ng anak, “Handang-handa na po.” Sabi ng ama, “Talaga bang tinamaan ka na ni kupido?” Sagot ng kabataan, “Sapul po talaga, Tay.”

Pakiramdam ng kabataang iyon na talagang tinamaan siya ni kupido, pero sa kabila nito, marami pa siyang kailangang malaman tungkol sa pag-ibig. Nagmungkahi ang isang dating manunulat ng Our Daily Bread ng mga magandang gawin para lalong tumamis ang pag-iibigan. Pitumpung taon na siyang kasal. Sinabi niya:

Isipin ang pag-ibig ng Dios. Maglaan ng panahon para pag-isipan ang pag-aalay ni Jesus ng buhay para sa iyo. Basahin ang tungkol kay Jesus sa Mateo, Marcos, Lucas at Juan at pasalamatan Siya.

Manalangin para matutong umibig tulad ng Dios. Idalangin na maunawaan mo ang pag-ibig Niya at turuan kang ipadama ito sa iyong asawa at sa kapwa (1 Cor.13.)

Magmahal tulad ng Dios. Sinabi sa akin ng isang bagong kasal na dahil sa pag-ibig, tungkulin niyang pagaanin ang buhay ng kanyang asawa. Pero hindi lang puro pagbibigay ng ginhawa ang pag-ibig. May kasama din itong hamon at pagtutuwid.

Isinulat ni: Anne Cetas

“Aking Ama sa langit, ito po ang dalangin ko,
Nawa ang  patnubay ko’y manggagaling sa Inyo,
At maipakita sa iba ang pag-ibig ni Cristo.”

KUNG ANG PAG-IBIG NI CRISTO AY MANANAIG SA ATIN, MAIPAPADAMA DIN NATIN ANG KANYANG PAG-IBIG.



No comments:

Post a Comment