Nagmahal ka ng tapat
Ngunit sa kanya ay hindi
sapat
Ang nakaraan ay kalimutan
Sa mga tulad niyang
lumisan
Lumisan ng walang paalam
Sayo ay walang pakialam
Huwag panghinayangan
Kung ika’y kanyang
pinabayaan
Ang tulad niya ay hindi karapatdapat
Sa pagmamahal mo na tapat
Huwag ka nang mag-alala
At sayangin ang abala
Nandito lang kami
Sa iyong tabi
Hindi ka iiwan
At lagi kang gagabayan
Mga kaibigan
Na hindi ka iiwan
-MGB
09/23/17
No comments:
Post a Comment