Monday, December 4, 2017

WALA MAN LANG PAALAM

Mga salitang hindi kita sasaktan
Mga salitang hindi kita iiwan
Mga salitang ikaw at ako lang
Mga salitang akala ko’y walang hanggan.

Ikaw mahal ko na gumising sa natutulog kong puso
Ikaw na muling nagturo kung papaanong umibig ng totoo
Ikaw na ang akala ko ay panghabangbuhay ko
Ang iyong mga pangako mahal ko bakit naglaho?

Puso ay nagsumamo dahil ang puso’y ayaw muling mabigo
Bakit ang damot mo at ang mga salita’y bakit ipinagdamot mo?

Ako ay iyong iniwan
Iniwan na wala man lang paalam
Ngayon ang puso’y nagtatanong
Tunay nga ba ang iyong naging pagsuyo?

Bakit ikaw ay nagbago?
May mali ba ako mahal ko?
O sadyang pagsuyo mo’y naglaho?
Mga tanong na iniwan mo sa aking puso.

Ako man ay sinaktan hindi ko ito pinagsisisihan
Tapat na pagsuyo’y sa iyo inilaan
At patuloy na magmamahal sa ating nakaraan.

Labis man kitang mahal
Nangangarap na sana ikaw na lang
Paano ba malimot ang tulad mo?
Paano mahal? Paano nga ba?

Mahal, kung maisip mo ako
Magandang alaala sana ang maalala mo
Ikaw at ako ay isang nakaraan
Nakaraang ituturing na kayamanan.

Kung ika’y magbabalik sana wag na lang mahal
Kahit labis pa kitang mahal
Dahil ang ikaw at ako ay tinapos mo
Nung ako’y iwan mo ng walang paalam..

-HCG
9/23/17

No comments:

Post a Comment