Friday, February 9, 2018

HANGGANG KAILAN NATIN HINDI BABANTAYAN ANG ATING MGA PUSO

Lagi nalang ba sasabay sa agos ng mundo?
Gagawin kung ano man ang sabi nito?
Hindi na ba tayo marunong makinig?
Sa sabi ng Diyos bago magpadaig?

Hanggang kailan mo lolokohin ang sarili mo?
Na kaya mong kontrolin ang ginagawa sayo?
Na hindi ka mahuhulog kasi sabi mo ang lakas mo.
Na kahit anong gawin nila sayo,
Hindi sila makakapuntos kasi ayaw mo.

Hanggang kailan mo kami lolokohin?
Na walang mayroon sa inyo pero hulog ka na pala?
Na okay ka at wala kang problema pero lugmok ka na pala?

Hindi mo kayang mag-isa.
Kailangan mo ako, Siya at sila para tumatag ka.
Kailangan mong maging tapat sa akin, sayo, sa Kanya at sa kanila
Para matulungan at maiahon ka.

Hanggang kailan ka hindi magsasabi?
Kapag natabunan at walang-wala ka na?

Bangon na hanggat kaya pa.
Humingi na ng tulong hanggang mayroon pa.

Matauhan ka na.
Bago ka mapalo ng disiplina Niya.

By:Mitchelle Santiago

God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com

ios.florinac@gmail.com

No comments:

Post a Comment