Friday, February 9, 2018

TARA IYAK

Mahigit dalawang libong taon na ang nakakalipas
Mayroong Diyos na bumaba galing sa taas
Pangalan Niya ay Hesus
Ang ating nag-iisang Tagapagligtas.

Isang taong walang kasalanan
Ngunit naging kasalanan
Para tayong makasalanan
Ay maging matuwid at buhay na walang hangga’y makamtan.

Pinayagang masuntok at Madura
Ganda’y di na makita sa mukha
Alam mo bang habang ito’y Kanyang sinasapit
Ikaw ang nasa isip Niya?

Parang tupang kahit gupitan ng buhok ay di nagsasalita
Tila isang ugat na binunot sa tuyong lupa
Iniwan ang trono, sa lupa ay bumaba
Pinakamababang posisyon Kanyang kinuha.

Tatlumpo’t siyam na latay Kanyang tinamo
Mapatunayan lang ang pag-ibig Niya sa’yo
Pagtapos Niyang lagutan ng hininga
Siya’y tumuloy sa impiyerno.

Tatlong araw at tatlong gabi
Sa impiyerno Siya’y pinahirapan
Pinagbayaran lahat ng ginawa mong kasalanan
Kasalanan mo noon, ngayon at magpakailanman
Kinuha Niya pati ang susi ng kamatayan.

Sa kapangyarihan ng Dios Espiritu Santo
Siya ay nakaalis sa impiyerno
Inihayag sa alagad ang natamo
At muling umakyat sa Kanyang trono.

Kinoronahan ng koronang tinik
Dalawang palad ay nabutas
Tinungo ang impiyerno
Minahal ka at iniligtas.

Tandaan ang Bundok ng Golgota
Kung saan ipinako si Hesus na nagmahal sa’yo ng sobra
Ano pang hinihintay?
Lumapit at tumakbo sa Kanya.

Ipikit ang mata, Siya ay tanggapin
Buksan ang puso, Siya ay papasukin
Mga kasalanan mo’y Kanyang patatawarin
Dalawa Niyang bisig Ika’y yayakapin.

God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com

ios.florinac@gmail.com

No comments:

Post a Comment