Kung hindi lang darating si Jesus,
magpapagawa ako ng pinakamalaki at pinakamagandang bahay, bibili ako ng
pinakamahal at pinakamagarang sasakyan, magtatayo ako ng maraming negosyo na
aabot sa buong mundo, mag-iipon ako ng maraming pera sa bangko para kapag may
humingi ng tulong ay mayroon akong ibibigay, ipapakilala ko ang sarili ko sa
bayan kung saan ako nakatira at kailangang makilala kami at ang aking pamilya,
pag-aaralin ko ang aking anak sa pinakamahal at pinakasikat ng paaralan upang
kapag natapos siya ay magandang trabaho ang naghihintay sa kanya.
KASO ANG LAHAT NG ITO AY WALANG
KABULUHAN. OO ANG PAKINABANG NIYA AY SA LUPA SUBALIT ANG BUHAY NATIN SA LUPA AY
PANSAMANTALA LANG. ANG TALAGANG BUHAY NATIN AY SA LANGIT, SA IMPIYERNO. ANG
TUNGKULIN NATIN SA MUNDO AY (1) MAKILALA SI HESUS, (2) SUMUNOD SA UTOS NG
DIYOS, (3) MAGLINGKOD SA DIYOS.
LAHAT NG BUHAY NA TALIWAS DITO AY DI
SA DIYOS AT ITO AY MAY KAPALIT NA PARUSA.
Wag mong sayangin ang oras mo, unahin
mong maranasan ang Diyos at kahit ayaw mo, lahat ng pangarap mo at nais na
kasaganaan at kayamanan ay kusang ibibigay ng Diyos ng di mo pagpapaguran at
paghihirapan.
Isang karanasan ng isang hangal ng
tao, nag-aral ng trabaho, nag-ipon ng pera, bumili ng bukirin at buong buhay
niya naubos sa trabaho at pag-iipon. Hanggang sa tumanda at nag-retiro. Isang
araw, nag-desisyon siyang bumili ng malawak na bukid. Matapos ng mahabang
pag-iipon, tinamnan niya ito at bumili at umupa ng maraming tao para marami
siyang kita at ani. Malapit ng maani ang mga tanim niya. Biglang bumagyo at
bumaha ng malakas. Sa isang kisap-mata, ang lahat ng pinagpaguran niya sa buong
buhay niya ay nawasak.
Kay saklap na buhay, kung sinama lang
niya ang Diyos sa ginagawa niya ay maganda sana ang dulo ng kanyang buhay.
Masaya ba ang Diyos sa naganap sa kanya? Paano tutulong ang Diyos sa kanya kung
wala siyang panahon sa Diyos?
Ikaw anong plano mo sa buhay,
maligtas o mapahamak? Mag-ipon ka ng kayamanan sa langit habang nasa mundo ka
pa. Haharap tayong lahat sa Diyos at kapag haharap ka na sa Kanya, yayakapin ka
ba Niya at pararangalan o itataboy ka Niya at parurusahan?
“Ang parusa ay habang-buhay sa
dagat-dagatang apoy. Kung saan ang uod at kaluluwa ng tao ay hindi namamatay
magpakailanman” (Matthew 6:33).
“But seek ye first the kingdom of
God, and His righteousness; and all these things shall be added unto you”
(Matthew 6:19-20).
“Do not lay up for yourselves
treasures on earth, where moth and rust destroy and where thieves break in and
steal, but lay up for yourselves treasures in heaven, where neither moth nor
rust destroys and where thieves, do not break in and steal”
By: Johnlee Briones
God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com
No comments:
Post a Comment