Mas dumadami ang sakit na pagtatae,
suka at kahit hand foot mouth disease lalo na kung tag-ulan.
Isa sa mga rason ay dahil pinapasok
natin sa bahay ang ating sapatos o tsinelas na ginamit sa labas.
Ganito yun, ang mga sakit gaya ng
amoeba at hand foot mouth disease ay galing sa dumi ng mga tao.
Kunwari ang isang tao ay may sakit,
ang dumi niya at may mga mikrobyo.
Kung hindi maganda ang pamaraan ng
pagtapon ng dumi, madaling napupunta ito sa ating mga kanal. Kaya ang mga kanal
ay puno ng iba’t ibang mga bacteria at mga virus.
Sa panahon ng tag-ulan, may malaking
tsansa na bumaha at lumabas ang tubig sa kanal.
At kahit na nag-subside na ang baha,
ang mga putik sa kapaligiran ay meron na rin mga mikrobyo na galing sa kanal.
Kaya natural na ang mga sapatos natin
ay mayroon na rin.
Kapag ipinasok sa loob ng bahay ang
sapatos, ang ating mga sahig ay magkakaroon na ng mikrobyo kahit hindi natin
nakikita.
Kawawa naman si bunso kapag naglalaro
sa sahig. Ang kamay niya ay madali nilang sinusubo. Kaya ayun nagtaka ka bakit
nagka-diarhea o nagka-hand foot mouth eh malinis naman yung tubig niyong
pang-inum.
Dapat iba rin ang tsinelas sa banyo
at sa loob ng bahay sa ganoon pa rin na rason.
At siyempre ang paghuhugas parati ng
kamay na may sabon ay masyadong importantel.
Hindi ko pa na-mention na ang
Hepatitis A ay iyong nagye-yellow ang mata, typhoid fever at kahit mga sepsis o
yung grabe na impeksyon sa dugo na nakakamatay ay puwede rin galing lang sa
ilalim ng ating mga sapatos. Sa katunayan, sabi ng mga dalubhasa ay mayroong
mga 400, 000 mahigit na mikrobyo sa ilalim ng sapatos.
Kunting pagbabago lang at malaki na
ang maitutulong sa kalusugan ng pamilya. At siyempre mas nakaka-ipon tayo kapag
walang mga maysakit sa bahay.
Isinulat ni: Dr.Richard Mata –
Pediatrician
God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com
No comments:
Post a Comment