Thursday, June 2, 2016

MABUTI ANG DIOS

Ang muog para sa naaapi ay ang Panginoon, isang muog sa magugulong panahon.
-Awit 9:9

Noong misyonero pa sa Aprika ang aking bayaw, nakaaksidente siya. Nakasakay siya noon sa kanyang motorsiklo nang tumawid ang isang lalaki.  Nabangga niya ito at dumulas siyang kasama ng motorsiklo. Sa ospital masuwerte siya’t hindi siya namatay. Sabi ng aking bayaw, “Mabuti ang Dios.”

Nang araw na iyon, pinag-isipan ng aking bayaw ang nangyari. Walang masyadong pinsala ang nabangga niya at gagaling naman ang aking bayaw. Naisip ng bayaw ko na kahit namatay ang isa sa kanila, hindi naman ibig sabihin na hindi mabuti ang Dios.

Kapag may nararanasan tayong trahedya, maaaring isipin natin kung mabuti ba talaga ang Dios. Itinuturo ng Biblia na anuman ang mangyari sa atin, mabuti pa rin ang Dios. Hindi Siya nangakong walang masamang ,mangyayari sa atin, pero ipinangako Niya na Siya ang ating magiging “kanlungan at kalakasan” (Awit 46:1). Hindi Niya ipinangako na wala tayong mararanasang mga malulungkot na mangyayari sa ating buhay, pero ipinangako Niya na sasamahan Niya tayo (Awit 23:4).

Mahirap man intindihin, masasabi rin natin ang sinabi sa Habakkuk 3:18 na masaya pa rin tayo dahil ang Dios ang nagligtas sa atin.

By: Cindy Hess Kasper

“Sa mga taong mukha ng Dios ay nais masilayan,
Masdan at damhin ang kanyang kabutihan;
Nagtitiwala sa Kanya’y iniingatan Niya,
Umaasa sila sa Kanyang biyaya.”


SINUBOK NG DIOS ANG ATING PANANAMPALATAYA PARA MAGTIWALA TAYO SA KANYANG KATAPATAN.

PATULOY NA NAGTITIWALA

Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Kayo lang ang may mensaheng nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
-Juan 6:68

Ang isa sa mga pinakamahirap na nagawa ko bilang isang Pastor ay nang aking ipaalam sa aming kasamahan na nalunod ang kanyang asawa, anak at biyenan. Alam kong guguho ang mundo niya dahil sa nangyari.

Nang mga sumunod na araw pagkatapos ng malagim na trahedya, humanga ako sa pagharap o pagtugon ng babae at ng kanyang pamilya sa Dios. Siguradong nasaktan sila, pero kahit hindi nila naiintindihan kung bakit  ito nangyayari sa kanila, nagtitiwala pa din sila kay Jesus.

Nagpapaalala ito sa akin ng naging damdamin ng mga sumusunod sa Panginoong Jesus noon. Nang hindi nila maintindihan ang mga sinasabi ni Jesus, iniwan Siya ng ilan sa mga ito. Tinanong ni Jesus ang kanyang mga alagad, “Ibig din ba ninyong umalis?” Maganda ang isinagot ni Pedro, “Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Kayo lang ang may mensaheng nagbibigay ng buhay na walang hanggan” (Juan 6:66-68).

Anuman ang problema mo ngayon, alalahanin ang kasamahan naming namatayan at ang sinabi ni Pedro para lumakas ang iyong loob. Sa pagtitiwala natin sa Panginoong Jesus, matatagpuan natin ang biyaya’t kalakasan na ating kailangan.

By: Joe Stowell

“Si Jesus ang nararapat nating lapitan,
Kapag nalulungkot at nasasaktan;
Gabay at lakas, ikaw ay bibigyan;
Mayroon pang dagdag na kapayapaan.”


KAPAG NAWAWALAN NG PAG-ASA, LUMAPIT KAY JESUS AT BIBIGYAN KA NIYA.

BAWAL TAYO

BAWAL TAYO

Bawal tayo,
pero pwedeng umupo.
Pwedeng umupo, 
pero bawal tumabi.
Pwedeng tumabi, 
pero bawal sa gabi.
Pwedeng magpagabi, 
basta’t ‘wag dadampi.
Pwedeng dumampi, 
basta’t lampasan ang labi.
Pwede sa labi, 
‘wag lang sanggihin ang puso.
Pwede sa puso, 
pero batid kong ika’y susuko.
Pwedeng sumuko, 
pero ang pagsisisi ay ibaling sa mundo.
Pwedeng sisihin ang mundo,
dahil sila ang nagsabing bawal tayo.



Wednesday, May 4, 2016

INILIGTAS



Iniligtas Niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng Kanyang minamahal na Anak.
-Colosas 1:13

May siyam na magnanakaw na kasalakuyang nanloloob ng isang bahay. Nabigla sila sa pagsulpot ng may-ari ng bahay kaya nagtakbuhan sila. Dalawa sa magnanakaw ay itinulak ng may-ari ng bahay sa swimming pool. Napansin ng may-ari na hindi marunong lumangoy ang isa sa magnanakaw kaya sinagip niya ito. Nang makaahon na sila sa tubig, sumigaw ang magnanakaw sa kanyang kasamahan para bumalik. Naglabas pa ito ng patalim at iniamba sa taong mismong sumagip sa kanya. Kaya muli siyang itinulak sa tubig ng may-ari. Ngunit nang nalulunod na ito, muli itong iniligtas ng may-ari.

May pagliligtas ding binabanggit sa Biblia. Sinabi ni Pablo sa Colosas 1:12 at 13 na iniligtas ng Dios ang mga mananampalataya sa Colosas sa kapangyarihan ng kadiliman. Nangyari ito noong namatay si Jesus sa Krus at noong sumampalataya sila kay Jesus. Ipinapakita nito na ang mga mananampalataya ay iniligtas ng Dios mula sa pagkontrol ni Satanas sa pamamagitan ng paglilipat sa kanila sa Kanyang kaharian.

Hindi katulad ng magnanakaw na sinagip, dapat nating pasalamatan ang Dios na nagligtas sa atin. Nararapat na “sambahin natin Siya sa paraang kalugod-lugod, na may takot at paggalang sa Kanya,” (Hebreo 12:28.)

By: M. Williams

“Ang pag-ibig mo O Dios ay walang hanggan,
Ikaw ay namatay para sa aming kasalanan,
Hindi inalintana ang Hirap ng katawan,
Iniligtas Mo kami sa kapahamakan.”


SA PAMAMAGITAN NG PAGKAMATAY SA KRUS NI JESUS, INILIGTAS NIYA ANG MGA MAKASALANAN.

KAHANGA-HANGANG DIOS


Ako lamang ang Dios at maliban sa Akin ay wala nang iba.
-Isaias 46:9

Kami ng aking kakambal ay hindi laging naiintindihan ang isa’t isa. Halimbawa, hindi maintindihan ng aking kambal kung bakit napakahilig kong magbasa at magsulat. Hindi ko naman maintindihan kung bakit napakahilig niyang magluto.

Hindi kailangang lubusang naiintindihan ang isang tao para mahalin siya. Maganda iyang halimbawa dahil minsan hindi natin lubusang naiintindihan ang mga bagay tungkol sa Dios, pero maaari natin Siyang mahalin.

Hindi natin naiintindihan ang mga ginagawa ng Dios minsan dahil limitado ang ating kaalaman. Makasarili din ang ating pananaw. Kapag may mga trahedyang nangyayari, lumalayo ang iba sa Dios at sinisisi nila ang Dios. Inaakala nila na mas marunong pa sila sa Dios.

Kung nauunawaan natin nang lubusan ang Dios at kung hindi Siya nakahihigit o naiiba sa mga tao, paano pa natin Siya hahangaan? Ang isang dahilan kung bakit alam natin na kahanga-hanga ang Dios ay dahil sa hindi natin kayang abutin ang Kanyang pag-iisip.

Itinanong ni Pablo, “Sino ang nakakaalam ng pag-iisip ng Panginoon? (1 Corinto 2:16). Wala hindi ba? Purihin ang Dios, dahil kahit hindi natin Siya lubusang naiintindihan, maaari tayong magtiwala sa Kanya.

“Napakadakila Panginoon ng Inyong patakaran;
Napakalawak naman ng Inyong kaalaman;
Kung buhay nami’y tila walang kabuluhan,
Tulungan Niyo po kami na Ika’y pagtiwalaan.”

HINDI NATIN LUBUSANG NAIINTINDIHAN ANG DIOS, PERO DAPAT PA RIN NATIN SIYANG SAMBAHIN.


By: Twin Yna

FROM ADING ABE



First of all, HAPY HAPPY HAPPY kami na nakilala ka. HAPPY HAPPY HAPPY kami na nakasama ka. HAPPY HAPPY HAPPY kami na naging isa po kayo sa mga nagbigay lalim sa pananampalataya namin, at naging hamon sa aming mga kabataan. At HAPPY HAPPY HAPPY glorious, victorious, triumphant and blessed birthday po sa inyo, ate Yhang.

More birthdays and blessings to come. Ang masasabi ko lang po sa inyo is to enjoy this year because this is one of our best years. Enjoy the coming and remaining  best best best year to your life with Jesus for rapture is near.

Nakakatuwang isipin na may mga tao po talagang magpapakilala ng sarili mo, at ang lahat talaga ng bagay at kontrolado at hawak ng Dios.

Ate Yhang, kayo po ang isa sa mga nag encourage sa akin na mas magkaroon ng malalim na relationship sa Dios (hindi kay Queeny at Becca ha). Salamat sa bawat bagay na nagawa ninyo para sa akin. Salamat sa bawat paalala sa buhay ko at salamat sa Dios na nakilala po kita.


HAPPY HAPPY HAPPY BIRTHDAY : )

FROM ADING BECA



Happy Birthday to our Beloved Ate Yhang!!! Pasensiya na po sa late na pagbati. Kahit silent lang po kami at hindi lagi nakakapag-message, we truly miss you po. Your life that has been an inspiration to us will always be an inspiration and nothing will ever change. We believe and hold on God’s Word that “What He started in us, He will bring it to completion.” Forever praise to our Forever Faithful God. I thank the Lord that I met a person like you, whose life seems to be simple but I discovered to be truly amazing. We miss you so much TeYhang!!! May God’s plan overrule in your life : )