Wednesday, May 4, 2016

KAHANGA-HANGANG DIOS


Ako lamang ang Dios at maliban sa Akin ay wala nang iba.
-Isaias 46:9

Kami ng aking kakambal ay hindi laging naiintindihan ang isa’t isa. Halimbawa, hindi maintindihan ng aking kambal kung bakit napakahilig kong magbasa at magsulat. Hindi ko naman maintindihan kung bakit napakahilig niyang magluto.

Hindi kailangang lubusang naiintindihan ang isang tao para mahalin siya. Maganda iyang halimbawa dahil minsan hindi natin lubusang naiintindihan ang mga bagay tungkol sa Dios, pero maaari natin Siyang mahalin.

Hindi natin naiintindihan ang mga ginagawa ng Dios minsan dahil limitado ang ating kaalaman. Makasarili din ang ating pananaw. Kapag may mga trahedyang nangyayari, lumalayo ang iba sa Dios at sinisisi nila ang Dios. Inaakala nila na mas marunong pa sila sa Dios.

Kung nauunawaan natin nang lubusan ang Dios at kung hindi Siya nakahihigit o naiiba sa mga tao, paano pa natin Siya hahangaan? Ang isang dahilan kung bakit alam natin na kahanga-hanga ang Dios ay dahil sa hindi natin kayang abutin ang Kanyang pag-iisip.

Itinanong ni Pablo, “Sino ang nakakaalam ng pag-iisip ng Panginoon? (1 Corinto 2:16). Wala hindi ba? Purihin ang Dios, dahil kahit hindi natin Siya lubusang naiintindihan, maaari tayong magtiwala sa Kanya.

“Napakadakila Panginoon ng Inyong patakaran;
Napakalawak naman ng Inyong kaalaman;
Kung buhay nami’y tila walang kabuluhan,
Tulungan Niyo po kami na Ika’y pagtiwalaan.”

HINDI NATIN LUBUSANG NAIINTINDIHAN ANG DIOS, PERO DAPAT PA RIN NATIN SIYANG SAMBAHIN.


By: Twin Yna

No comments:

Post a Comment