Saturday, April 1, 2017

MY BIRTHDAY 1ST DIARY 2017

MY JOURNAL – MY BESTFRIEND
Suppose you are one of the blessed few who are not able to express emotion in a verbal manner and your pain is eating you up inside, I have a tool that helped me a lot. It’s called a journal.

My favorite definition of a journal is that, essentially, it is a record of your dealings with God and life. Some use it as a diary. Some write down their prayers on it. Some pour out their feelings into it. My experience is that there is something therapeutic when you express your pain on paper. The venom seems to be siphoned off your system. It relieves the pressure. The journal serves as an outlet.

A journal is not just to record your grief before God, God can also teach you through your journals. As you review your journals written ten years ago, you may wonder, “Was I really that shallow? This was me ten years ago? Lord, thank You for helping me mature. I learned a lot.”

I am so thankful that I learned how to keep a journal. I would have gone the deep end without it. How do you cope with the temptation to lash out your emotion? Do it in private. Do it before God. Do it through a journal. You’ll find that it’s a two-way street. We pour out our hurts to God. God lets His comfort stream in. Before you know it, you don’t need to lash out at the people who care for you. Let the journal be your best friend : )

Love,
Yhang.

cabreraflorina.blogspot.com/ios.florinac@gmail.com

MY BIRTHDAY TRUTH ABOUT THE REAL ME 2017

THIS GIRL WILL ALWAYS FIND HER WAY

I used to think I had the answers to everything..
But now I know life doesn’t always go my way.
Feels like I’m caught in the middle,
That’s when I realize..

I’m not a girl, not yet a woman..
All I need is time, a moment that is mine
While I’m in between.

I’m not a girl there is no need to protect me..
It’s time that I learn to face up to this on my own.
I’ve seen so much more than you know now,
So don’t tell me to shut my eyes..

I’m not a girl..
But if you look at me closely you will see it in my eyes,
This girl will always find her way.

I’m not a girl don’t tell me what to believe..
I’m just trying to find the woman in me.
All I need is time that’s mine,
While I’m in between.


cabreraflorina.blogspot.com/ios.florinac@gmail.com

MY BIRTHDAY ENCOURAGEMENT FOR YOU 2017

You must be brave to walk the beach alone. After all, you are only human. You may be simply looking for heart-shaped rocks or orange jungle shells, when in a blink, three giants – air, water, and earth – might converge upon to form fire. Fired, inspired, sea-inspired, your heart speaks a language only you can hear.

Suddenly, your problem is solved, your path is clear, you have a wonderful idea! Lighter now, happier, your pace quickens as you turn home. The footprints you made only minutes ago are now part of the infinite sea. A new you makes new prints in the sand, new marks upon the planet, dinosaur size next to the bird – the seagulls, terns and plovers.

The beach is never the same beach twice. Blink and it changes. Blink and you are changed.

“Tis the good reader that makes the good book;
In every book he finds passages which seem confidences or asides,
Hidden from all else and unmistakably meant for his ear..”

“Everything white page looked like a garden,
In which anything might grow;
I sat down at the table with the pen and ink,
I spend out the clean, white pages;
Then and there, I began to tell my story..”

“I wish to write such rhymes as shall not suggest a restraint, but contrawise the wildest freedom..”

TO ME, READING AND WRITING ARE INSEPERABLY CONNECTED

A day will come when
The story inside you
Will want to breath
On its own.
That’s when you’ll start writing..

Love,

Yhang/cabreraflorina.blogspot.com/ios.florinac@gmail.com

MY BIRTHDAY ENCOURAGEMENT FROM THE LORD 2017

TOUCH NOT THE SERVANTS OF GOD

God is not blind that He could not see.
He is not deaf that He could not hear.
He sees, He hears and He knows everything.
HE KNOWS WHO WE ARE WHEN WE ARE IN HIS PRESENCE.
So, no one is in the position to judge according to what they see or hear from others.
His chosen servants are still His chosen servant.

God said: I will bless those who blessed you and curse those who cursed you..

Written by: Rechell Carillo-Bacsafra



cabreraflorina.blogspot.com/ios.florinac@gmail.com

MY BIRTHDAY 3RD JOURNAL 2017

SA DIOS IPAUBAYA

Pinili ni Lot…ang buong kapatagan ng Jordan.
-Genesis 13:11

Maaaring may mga pangarap tayo na nais talaga nating kamtin. Maaaring hindi natin ito ipinapaalam sa iba. Posibleng may hinahangad tayong trabaho o pagkakataong maglingkod sa Dios. Posibleng gusto talaga nating mag-asawa. Ano man ang ating pangarap, ipagkatiwala natin ito sa Dios. Hayaan natin Siya ang magdesisyon kung ano ang mangyayari.

Sa Genesis 13:10-11 ay may mababasa tayo tungkol kay Lot. Makikita natin dito na si Lot ay nagdesisyon batay sa kanyang sariling kagustuhan. Nagdesisyon siyang tumira sa kapatagan ng Jordan dahil mataba ang lupa doon at sa tingin niya ay maganda ito.

Ngunit sa kapatagan ng Jordan ay marami palang masasamang tao (tal.13). Isinulat ni Ray Stedman, isang Pastor, “Akala ni Lot na kaya niyang hawakan ang sarili niyang buhay. Ngunit nang nagdesisyon siya batay sa kanyang nakikita at nalalaman, lungkot at paghatol ang kinalabasan nito. Iba naman ang ginawa ni Abraham. Hinayaan niya na ang Dios ang magdesisyon kung paano ang mangyayari sa kanya.” Dahil dito, tama ang pinili ni Abraham. Mali naman ang napili ni Lot, kaya nawala sa kanya ang lahat.

Tulad ni Abraham, ipaubaya natin ang lahat sa Dios. Kung susundin natin ang mga desisyon ng ating Ama na nakakaalam sa lahat, paano pa tayo magkakamali?

“Maraming taon ang nakalipas, ako’y nagdesisyon;
Aking ipinasyang sumunod sa Panginoon;
Mula noon ay Siya na ang sumubaybay
Sa daang tinatahak ko sa aking buhay.”

MAGIGING MASAYA TAYO KUNG ANG KALOOBAN NG DIOS ANG ATING SUSUNDIN SA HALIP NA ANG SARILING KAPASYAHAN.


cabreraflorina.blogspot.com/ios.florinac@gmail.com

MY BIRTHDAY 2ND JOURNAL 2017

HINDI KA NAMIN KAILANGAN

Anong kamalian ang natagpuan sa Akin ng inyong mga magulang upang Ako’y kanilang layuan, at sumunod sa kawalang kabuluhan, at naging walang kabuluhan?
-Jeremias 2:5

May kuwento tungkol sa isang grupo ng siyentipiko na nagpasiyang puwedeng mabuhay ang tao na walang Dios. Sabi nila, “Nagdesisyon kami na ‘di Ka namin kailangan. May karunungan na kaming lumikha ng tao at iba pang mahimalang mga bagay.”

Mapasensiyang pinakinggan sila ng Dios, pagkatapos sinabi, “O sige, magpaligsahan tayo sa paglikha ng tao.” Pumayag sila at ang isa sa kanila ay dumampot ng isang dakot ng alikabok. Tiningnan siya ng Dios at sinabihan, “Hindi ganyan. Dapat gumawa ka ng sarili mong alikabok.”

Noong panahon ni Jeremias, namumuhay ang mga Israelita na parang ‘di nila kailangan ang Dios. Ipinagkakatiwala ang mga sarili sa ibang dios-diosan, kahit ang mga ito’y hindi makapagbigay ng kanilang pangangailangan. Hinarap sila ni Jeremias tungkol sa kanilang pagrerebelde, dahil itinakwil nila ang tunay at buhay na Dios, at wala nang paggalang sa Kanya (Jeremias 2:13, 19).

Nagkakasala ba tayo sa pamumuhay na parang ‘di na natin kailangan ang Dios? Maaaring kilala natin Siya bilang Tagapagligtas, ngunit may mga iba tayong dini-dios – ang ating sariling karunungan at animong pagkasapat ng sariling kakayahan. Mapagsasabihan ba tayo ng Dios ng, “Ako’y inyong nilayuan” (2:5).

Ang pamumuhay nang malayo sa Dios ay nagpapakita ng pagkawalang paggalang sa Kanya at hindi Niya ikinalulugod, at hindi mapupunan ng dios-diosan ang ating pinakamalalim na pangangailangan. Ngunit makakabalik tayo sa Kanya ngayon (3:7).

“Hanggang ang Dios lamang ating sinasamba,
Ating buhay ay hindi malayang talaga
Dahil nilikha Niya tayo na tanging para sa Kanya
Sambahin ang iba, ay dios-diosan na.”

ANG PAGDI-DIOS SA SARILI AY WALANG KUWENTANG PAGHALILI SA DIOS.


cabreraflorina.blogspot.com/ios.florinac@gmail.com

MY BIRTHDAY 1ST JOURNAL 2017

PINANGGAGALINGAN NG PAG-ASA

Ang Kanyang mga habag ay hindi natatapos.
-Panaghoy 3:22

Anong kabuluhan ng pananampalataya kung lahat ay nawala sa akin? Natanong ko ang masidhing tanong na iyan sa aking buhay, at ‘di pa natatagalan ay nakatanggap ako ng sulat mula sa isang ina na ganyan din ang itinanong.

Sinimulan nilang mag-asawa na hanapin ang kalooban ng Dios at ipagkatiwala sa Kanya ang kanilang hinaharap. Nang isilang niya ang pangalawang anak, mayroon itong Down Syndrome. Hindi sila makapaniwala at sumakit ang loob nila. Ngunit sa araw ring iyon, ginamit ng Dios ang Filipos 4:6-7 para magbigay ng kapayapaan sa kanilang puso at walang hanggang pag-ibig sa kanilang anak. Sabi ng talata, “Ipaalam ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios at ang kapayapaan ng Dios, na hindi maabot ng pag-iisip, ang mag-iingat sa inyong mga puso.”

Ngunit ang araw nila sa disyerto ay hindi pa tapos. Pagkaraan ng siyam na taon, ang ika-apat nilang anak na lalaki ay nagka-cancer. Bago pa siya magtatlong-taon, siya’y namatay. Laking kabiglaanan, sakit at lungkot ang muling nagwasak ng kanilang mundo. At muli, nakatagpo sila ng tulong mula sa Salita ng Dios, “Tuwing aapaw sa puso namin ang pighati, tatakbo kami sa Salita ng Dios at pangako Niyang walang hanggang buhay sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.”

Kapag mga problema sa buhay ay para nang tsunami, alalahanin na ang kahabagan ng Panginoon ay hindi magmamaliw kailanman (Panaghoy 3:22). Siya lang ang magbibigay ng pag-asang ating kailangan.

“God said: Kilala ko ang Aking tupa, sila ay Akin
Sa gitna ng pagsubok ‘di sila iiwan
Hanggang sa wakas sila’y sasamahan
Ako pag-asa nila, kagalakan at kaibigan.”

ANG KAWALANG PAG-ASA AY NAGPAPAALALA SA ATING WALA TAYONG MAGAGAWA KUNG WALA ANG DIOS.


cabreraflorina.blogspot.com/ios.florinac@gmail.com