SA DIOS IPAUBAYA
Pinili ni Lot…ang buong
kapatagan ng Jordan.
-Genesis 13:11
Maaaring may mga pangarap
tayo na nais talaga nating kamtin. Maaaring hindi natin ito ipinapaalam sa iba.
Posibleng may hinahangad tayong trabaho o pagkakataong maglingkod sa Dios.
Posibleng gusto talaga nating mag-asawa. Ano man ang ating pangarap,
ipagkatiwala natin ito sa Dios. Hayaan natin Siya ang magdesisyon kung ano ang mangyayari.
Sa Genesis 13:10-11 ay may
mababasa tayo tungkol kay Lot. Makikita natin dito na si Lot ay nagdesisyon
batay sa kanyang sariling kagustuhan. Nagdesisyon siyang tumira sa kapatagan ng
Jordan dahil mataba ang lupa doon at sa tingin niya ay maganda ito.
Ngunit sa kapatagan ng
Jordan ay marami palang masasamang tao (tal.13). Isinulat ni Ray Stedman, isang
Pastor, “Akala ni Lot na kaya niyang hawakan ang sarili niyang buhay. Ngunit
nang nagdesisyon siya batay sa kanyang nakikita at nalalaman, lungkot at
paghatol ang kinalabasan nito. Iba naman ang ginawa ni Abraham. Hinayaan niya
na ang Dios ang magdesisyon kung paano ang mangyayari sa kanya.” Dahil dito,
tama ang pinili ni Abraham. Mali naman ang napili ni Lot, kaya nawala sa kanya
ang lahat.
Tulad ni Abraham, ipaubaya
natin ang lahat sa Dios. Kung susundin natin ang mga desisyon ng ating Ama na
nakakaalam sa lahat, paano pa tayo magkakamali?
“Maraming
taon ang nakalipas, ako’y nagdesisyon;
Aking
ipinasyang sumunod sa Panginoon;
Mula
noon ay Siya na ang sumubaybay
Sa
daang tinatahak ko sa aking buhay.”
MAGIGING
MASAYA TAYO KUNG ANG KALOOBAN NG DIOS ANG ATING SUSUNDIN SA HALIP NA ANG
SARILING KAPASYAHAN.
cabreraflorina.blogspot.com/ios.florinac@gmail.com
No comments:
Post a Comment