HINDI KA NAMIN KAILANGAN
Anong kamalian ang
natagpuan sa Akin ng inyong mga magulang upang Ako’y kanilang layuan, at
sumunod sa kawalang kabuluhan, at naging walang kabuluhan?
-Jeremias 2:5
May kuwento tungkol sa
isang grupo ng siyentipiko na nagpasiyang puwedeng mabuhay ang tao na walang
Dios. Sabi nila, “Nagdesisyon kami na ‘di Ka namin kailangan. May karunungan na
kaming lumikha ng tao at iba pang mahimalang mga bagay.”
Mapasensiyang pinakinggan
sila ng Dios, pagkatapos sinabi, “O sige, magpaligsahan tayo sa paglikha ng
tao.” Pumayag sila at ang isa sa kanila ay dumampot ng isang dakot ng alikabok.
Tiningnan siya ng Dios at sinabihan, “Hindi ganyan. Dapat gumawa ka ng sarili
mong alikabok.”
Noong panahon ni Jeremias,
namumuhay ang mga Israelita na parang ‘di nila kailangan ang Dios.
Ipinagkakatiwala ang mga sarili sa ibang dios-diosan, kahit ang mga ito’y hindi
makapagbigay ng kanilang pangangailangan. Hinarap sila ni Jeremias tungkol sa
kanilang pagrerebelde, dahil itinakwil nila ang tunay at buhay na Dios, at wala
nang paggalang sa Kanya (Jeremias 2:13, 19).
Nagkakasala ba tayo sa
pamumuhay na parang ‘di na natin kailangan ang Dios? Maaaring kilala natin Siya
bilang Tagapagligtas, ngunit may mga iba tayong dini-dios – ang ating sariling
karunungan at animong pagkasapat ng sariling kakayahan. Mapagsasabihan ba tayo
ng Dios ng, “Ako’y inyong nilayuan” (2:5).
Ang pamumuhay nang malayo
sa Dios ay nagpapakita ng pagkawalang paggalang sa Kanya at hindi Niya
ikinalulugod, at hindi mapupunan ng dios-diosan ang ating pinakamalalim na
pangangailangan. Ngunit makakabalik tayo sa Kanya ngayon (3:7).
“Hanggang
ang Dios lamang ating sinasamba,
Ating
buhay ay hindi malayang talaga
Dahil
nilikha Niya tayo na tanging para sa Kanya
Sambahin
ang iba, ay dios-diosan na.”
ANG
PAGDI-DIOS SA SARILI AY WALANG KUWENTANG PAGHALILI SA DIOS.
cabreraflorina.blogspot.com/ios.florinac@gmail.com
No comments:
Post a Comment