STAFF MEETING
23 JUNE 2011
TITLE- A LIFE THAT PLEASES GOD
Prayer:
Ama,
maraming salamat sa pinagpala, matagumpay, puno ng kapayapaan, sakdal na
kalusugan at kagalakang walang sukat paglagyan na iyong ibinigay sa amin. Maraming salamat sa iyong pagkakahirang sa
amin. maraming salamat sa katotohanan ng
iyong mga pangako, propesiya at sa bawat buhay na inalay, isinuko, ipinagkaloob
sa iyo. Maraming salamat sa iyong
dakilang katapatan at pag- iingat sa amin.
Maraming salamat sa espiritu ng pananalangin at kagalakan sa pag-
aayuno. Kami ay nananabik na makita ang
iyong gagawing pagdalaw sa bawat bayan at bansa upang dalhin ang iyong iglesya
sa paghahanda sa nalalapit mong pagbabalik.
Maraming salamat sa pagpapamalas mo ng iyong kaluwalhatian at
kapangyarihan. Maraming salamat sa mga kaluluwang
walang sawa mong inaabot at nililigtas. Ama,
napa- kadakila mo.
Preaching:
14for it is light that
makes everything visible. This is why it is said:
"Wake up, O sleeper,
rise from the dead,
and Christ will shine on you."
15Be
very careful, then, how you live--not as unwise but as wise, 16making the
most of every opportunity, because the days are evil. 17Therefore do not be foolish,
but understand what the Lord's will is.
Ephesians 5:14-17
Maging maingat tayo kung paano tayo
mabuhay. Mabuhay tayo na matalino hindi
ng walang naunawaan. Gumamit tayo ng
common sense, i- apply natin ang God- given wisdom. Isa sa pamumuhay natin ng may karunungan ay
ang pagpapahalaga sa oras at sa bawat oportunidad na ibinigay sa atin ng
Diyos. Ang ibig sabihin ng “The days are
evil” ay malapit na ang reign ng anti- Christ.
Bago mangyari iyan ay mauuna
munang bumaba ang Panginoong Jesus. Samantalahin
natin ang oras at oportunidad na binigay sa atin ng Diyos sapagkat ang
Panginoong Jesus ay bababa na.
Maging
maingat tayo sa ating pamumuhay. Ibig sabihin, maging kagaya
tayo ng Panginoong Jesus, mabuhay tayo ng tama, kaaya- aya, ehemplo, kalugud-
lugod sa Diyos at mabuhay tayo na ang ating pananampalataya ay humahamon sa
lahat, kagaya ng buhay ng Panginoong Jesus na nag- iiwan ng malakas na impact
sa lahat ng nakakasalamuha at nakakaniig niya kaya naging pagpapala siya sa
lahat. Ang oras at oportunidad na
binigay ng Diyos sa atin ay dapat mayroong pinatutunguhan, hindi nasasayang,
hindi nababalewala, hindi nauubos sa wala, na bawat pintig ng orasan, dapat ang
lahat ng ito ay mayroong kaaya- ayang bunga, mayroong pinatutunguhan at mayroong
destinasyon. Ang destinasyon na iyon ay
ang pinagagawa ng Diyos sa atin. Hindi
lamang ito nauubos sa mga bagay na walang kabuluhan, walang halaga at mga bagay
na patungkol sa ating sariling kaligayahan. Dapat lahat ng oras at oportunidad
na binigay ng Diyos sa atin ay may kapalit na kaganapan ng kalooban ng Diyos,
may kapalit na pagtatapos ng tungkuling naiatang sa atin, may kapalit na kaaya-
ayang pangyayari at may kapalit na bagay na lumuluwalhati sa Kanya. Iyan dapat
ang maging buhay natin.
Hindi tayo dapat nabubuhay ng
mangmang. Dapat sa bawat oras na
binibigay ng Diyos sa atin, ito ay ating inuunawa na napakahalaga nito upang
magamit sa kaganapan ng kanyang kalooban.
Lalung- lalo na sa panahong ito na alam na alam nating maraming
nangangailangan ng kaligtasan at kalayaan, ang takbo ng mundo ay abnormal na at
walang tiyak na patutunguhan at alam din nating ang panahong nalalabi sa atin
ay maiksi na, na anumang oras at araw, ang Panginoong Jesus ay bababa na. Kaya dapat ang mga panahong iyan ay nabibigyan
natin ng pagpapahalaga kagaya ng pagpapahalaga sa isang kayamanan na ayaw
nating mawala, masayang at ayaw nating mapunta sa wala. Isang dahilan iyan kung
bakit sinasabi ng Bibliya na mabuhay tayo sa pananalangin at huwag tumigil sa
pananalangin.
12Be
joyful in hope, patient in affliction, faithful in prayer.
Romans 12:12
17pray
continually;
1 Thessalonians 5:17
18And pray in the
Spirit on all occasions with all kinds of prayers and requests. With this in
mind, be alert and always keep on praying for all the saints.
19Pray
also for me, that whenever I open my mouth, words may be given me so that I
will fearlessly make known the mystery of the gospel, 20for which I am an
ambassador in chains. Pray that I may declare it fearlessly, as I should.
Ephesians 6:18-20
Gamitin natin ang oportunidad na
ibinigay sa atin ng Diyos kagaya ng pag- aayuno, pag- eevangelize, pagce- cell
group, pagbibigay ng brochure, mapaganda ang mga tungkuling naiatang sa atin at
maging ehemplo sa pagta- trabaho, isang trabaho na beyond reproach. Kinakailangan na sa ginagawa nating tungkulin
para sa Diyos ay hindi lamang ito da- best kundi very best. Lumabas na ang talagang ginagawa natin ay
excellent na kapag nakita ng iba ay hindi lang sila hahanga at magagalak kundi
hindi ka mahihiyang ipagmalaki. Ang
trabaho mo ay talagang trabaho na hindi paulit- ulit kaya walang nasasayang na
pera ng Diyos, hindi mo lamang ito natatapos sa takdang panahon kundi ang mga
gastos na dapat ilagay dito na siya talagang nararapat na gastusin ay hindi
natin naubos. Ibig sabihin, mayroon pang
naiwan, iyan ang gawang kaaya- aya, natapos sa panahon at hindi nakagasta ng
malaki, kasama ang karunungan sa ating ginagawa, sa pagpapahalaga sa oras at
panahon. Upang iyan ay maganap, ito ay
nangangailangan ng 100% na commitment sa Diyos, sa pagganap ng kalooban ng
Diyos at tungkuling naiatang sa atin.
Kapag sinabing commitment, ang ating
puso at isip ay nakalagay doon, ang ating puso at isip ay isinama natin sa
tungkulin, hindi nagwa- wonder ang ating puso at isip, idagdag pa na ang
ginagawa natin ay talaga namang mula sa Diyos, utos ng Diyos, para sa Diyos at
dapat na maluwalhati ang Diyos. Na ang
mga bagay na ito ay nagpapa- abot na hindi lang tayo naging professional sa
ating ginagawa, hindi lang tayo naging commited sa ating ginagawa kundi tayo ay
nagma- mature sa ating ginagawa. Dahil
matagal na nating ginagawa ang tungkuling ginagawa natin ay nagkakaroon tayo ng
bagong idea, nagiging creative tayo, ang dating hindi natin alam ay nalalaman
natin, ang dating ginagawa nating maganda ay lalo pa nating napapaganda, ang
dati nating ginagawang nasa oras ay napapaiksi pa natin, lalo nagiging
excellent, productive, fruitful at commendable. Ibig sabihin niyan, tayo ay
nagma- mature sa ating ginagawa. Halimbawa,
ang dati nating ginagawa ay ginagawa natin ng dalawang oras, dahil tayo ay
nagmature na, ang ginagawa natin ay ginagawa na lang natin ng isang oras at mas
maganda pa ang kinalabasan kaysa noong ginagawa natin ito ng dalawang oras. Tayo ay nag- mature dahil palagi na nating
ginagawa, nagkaron na tayo ng maraming
insight at idea sa ating ginagawa, nagkaroon na tayo ng self- learning at
natuto tayo personally. Ang ginagawa natin ay hindi lang natin ginagawa kundi
nagiging daan upang mag- aral pa tayo at ang naituro sa atin ay ating ginagawa. Either ang tungkulin natin ay pagkanta,
pagtugtog, pananalangin, pag- aayuno, pagfa- follow up, audio- video, TV-
radio, print media, pag- aayos ng pera, pag- aasist kay tatay, pagda- drive,
pagluluto, paglilinis, ano mang tungkulin na naiatang sa atin ay talagang nag-
mature na tayo. Hindi siya palaging the
same as usual, hindi umuusad at hindi nadagdagan.
Dahil matagal na nating ginagawa ang
ating tungkulin ay nagma- mature na tayo. Doon mismo sa ating ginagawa ay
tinuturuan tayo nitong mag- mature, matuto, ma- develop. Habang ginagawa natin ito, tayo ay natututo
at lumalawak ang ating pananaw. Kapag
naging ganito tayo ay mapapabilis ang pagganap natin sa kalooban ng Diyos at
hindi lang mapapabilis kundi marami tayong maaabot at magagawa.
Ang
salitang “I will” ay dapat mapalitan
ng “I must.” We must be an “I must” people.” ibig
sabihin, “Hindi ko lang ito gagawin kundi kailangang magawa ko ito. Hindi ko lang ito tatapusin kundi kailangang
tapusin ko ito. Hindi lang ako
maglilingkod kundi kailangang maglingkod ako ng totoo. Hindi lang ako kakanta kundi kailangang
kumanta ako ng maganda. Hindi lang ako
dapat mag- drive kundi magda- drive ako ng buong puso, hindi lang ako
mananalangin kundi kailangang manalangin ako ng buong pag- iisip.”
4As
long as it is day, we must do the work of him who sent me. Night is coming,
when no one can work. 5While I am in the world, I am the light of the world."
John 9:4-5
Kapag bumaba na ang Panginoong
Jesus, ang mga taong dapat nating abutin ay hindi na natin maaabot at ang mga
dapat nating gawin ay hindi na natin magagawa.
So, we must do His work habang may panahon pa. Ibig sabihin, kahit anong mangyari, dapat ay
maganap siya, kapag may humarang na mga bagay ay hindi tayo naaakay nito. Ang puso at isip natin ay nailagay natin sa
tungkuling naiatang sa atin. Hindi natin
pinapayagang mayroong nag- iinsert ng ibang bagay upang ang ginagawa natin sa
Panginoon na naka- schedule at naitoka sa atin ay mabalewala kapalit ng bagay
na ito.
Nang nagsisimula ako sa ministry ay
iniwan ko ang aking negosyo kahit maraming pangangailangan sa pamilya. Dahil
alam kong may tungkulin ako sa Panginoon, kahit nauusig ako ng pamilya ko ay
inuuna ko pa rin ang kalooban ng Diyos ng kanyang pinagagawa sa akin. May mga
kaibigan ako noon na inaya akong mamasyal dahil hindi nila alam na ito ang
aking kalagayan ngunit wala na akong panahon sa kanila. Ang puso at isip ko ay nakatuon sa pagliligtas
ng kaluluwa at pagtuturo sa mga kongregasyon.
Bagong dating man sila galing abroad ay hindi nila ako naakay sa nais nilang
mangyari dahil may tungkulin akong dapat gawin. Hindi ko tine- take lightly ang
nakaatang sa akin at kahit gaano kaganda ang ino- offer sa akin ng mga kaibigan
ko ay opinion lang iyon para sa akin. Hindi
ako maaaring mag- side step ng thought ko kapalit ng inaalok nila sa akin. Hindi na mahalaga kung sampung taon kami bago
nagkita o bago pa lang. Ang importante
ay commited ako sa tungkuling naiatang sa akin.
Hindi na mahalaga kung naunawaan nila ako o hindi, ang mahalaga ay
mayroon akong tungkulin na dapat tapusin sa Diyos. Hindi ako papayag na makansela ang tungkuling
iyon at palitan iyon ng ibang bagay.
Minsan, ang kaibigan kong seaman for
20 years ay binisita ako sa ating church.
Nais niya akong kausapin ng mahaba ngunit wala akong option kundi iwanan
siya dahil tatayo ako upang magturo. Nang
ako ay bumaba ng pulpito ay wala na siya.
Hindi ko alam kung nag- tampo siya sa akin o nakaunawa siya. Anuman ang reaksiyon niya sa ginawa kong pag-
iwan sa kanya dahil may tungkulin akong magturo ay wala akong magagawa dahil
hindi ko maaaring iwanan ang tungkulin ko sa Diyos. Wala pa sila ay nauna na ang Diyos sa akin
kaya hindi ko maaaring ipagpalit ang Diyos sa sinuman.
Noong early years ko sa ministry,
ang sabi ko sa aking maybahay, “Mahal na mahal kita ngunit hindi ko maaaring
ipagpalit ang kalooban ng Diyos na pinagagawa sa akin sa mga nais mong mangyari. Hindi ko maaaring piliin ang mga panukala mo
sa buhay dahil mayroong layunin ang Diyos sa akin na dapat tapusin. Mayroon siyang pinagagawa sa akin na dapat ay
sumama ka roon.” Hanggang ngayon ay
paninindigan ko iyon dahil hindi ako maaaring maglingkod sa dalawang
Panginoon. Kung tao ang pipiliin ko ay
mao- offend ko ang Diyos. Hindi baleng
sila ang ma- offend, huwag lang ang Diyos.
Dahil tayo ay hinirang ng Diyos ay
mas mahalaga sa atin ang sinumpaan natin sa Diyos kaysa sa sinumang tao, kaibigan,
pamilya at kamag- anak. Wala akong alam
na tungkulin na pinabayaan ko at tungkuling binago dahil sa sinumang tao. Kapag ginawa ko iyan, para sa akin ay
pinagtaksilan ko ang Diyos. Ganyan ang
nangyari sa maraming Kristiyano kaya hindi nila namalayan na ang kanilang
backsliding ay dumating na.
Kung haharapin ko ang mga kaibigan
ko ay hindi naman ako nagkakasala kundi ang ibig sabihin, wala akong dahilan
upang gawin iyon dahil ang mahalaga sa akin ay hindi ko mapighati ang Diyos
dahil may trabaho akong dapat tapusin.
Dahil kayo ay mahal na mahal ng
inyong mga magulang, kapag tinatawagan nila kayo na umuwi at mag- bakasyon
dahil malaki ang attachment nila sa inyo ay wala akong against, kaya lang,
minsan ay hindi niyo sila maaaring mapagbigyan dahil nataon na marami kayong
tungkulin sa Diyos na dapat gawin, at higit niyong pinahahalagahan at minamahal
ang Diyos kaysa sa sinumang tao. Bagamat
hindi naman magagalit ang Diyos sa atin kung pauunlakan natin ang ating mga
pamilya ngunit ayaw rin naman nating bigyan ng kalungkutan ang Diyos dahil
hindi tayo maaaring mabuhay sa ganoong bagay sapagkat iyan ang simula ng
pagbaba ng ating commitment. Once na
nagawa natin iyan kahit minsan ay hindi natin maaaring sabihin na “Hindi ko na
ito uulitin.”
Mayrong kamelyo at arabyano. Ang
arabyano ay namahinga sa disyerto. Kinagabihan
ay lumamig ang panahon. Nang natulog na
ang arabyano, maya- maya ay ginugulo na siya ng kamelyo at sinabing, “Maginaw
sa labas, maaari bang maipasok ang aking ilong at nguso upang kahit paano ay
mainitan ako dahil kinabukasan ay ba- biyahe pa tayo.” Pumayag ang arabyano. Maya- maya ay ginugulo na naman siya ng
kamelyo at sinabing, “Maaari bang ipasok na ang kalahati ng aking leeg dahil
malamig sa labas upang kahit paano ay mainitan ako dahil sasakyan mo pa ako
bukas.” Pumayag ang arabyano. Maya- maya ay ay ginulo na naman siya ng
kamelyo at sinabing, “Sobra na ang lamig sa labas, maaari bang ipasok ko ang
kalahating bahagi ng aking katawan upang kahit paano ay mainitan ako ng lubos
dahil baka mag- collapse ako bukas sa biyahe natin.” Pumayag ang arabyano. Napansin na lang ng arabyano na siya na ang
nasa labas at ang kamelyo na ang nasa loob ng tent.
Lahat ng backsliding ay nagsisimula
sa maliit. Maliit na compromise kapalit
ng Diyos. Isa na natutuhan ko sa Diyos
ay huwag pabayaan ang maliit na tungkulin.
Kahit maliit na tungkulin sa Diyos ay hindi ko kayang ipagpalit sa
tao. Lalo na kung ang tungkuling
naiatang sa akin ay nakatakda. Kahit may kapalit na pera iyan ay hindi ko Siya
maaaring ipagpalit.
Dapat ang ating first love sa
paglilingkod ay hindi natin hinahayaang mawala at maging second love na lang. Dapat
tayo ang mga taong hindi kayang pigilin ng sinuman dahil hindi naman natin
hangad na i- please ang sinuman.
Ang ating chairman sa intercessor
ngayo ay nagta- trabaho noon sa SM. Kahit
pagod iyan ay dumadalo pa rin siya sa overnight prayer meeting. Hanggang ngayon ay dala- dala niya ang
commitment na iyan kaya ang ating prayer ay hindi bumababa kundi pataas ng
pataas. Iniwan nga siya ng kanyang asawa
dahil sa matindi niyang commitment sa Diyos.
Ang ating radical commitment sa Diyos ay talagang may kapalit ngunit may
dakilang gantimpala.
Tayo ay dinadaan ng Diyos sa
maraming pagsubok upang hanapin ang katapatan natin. Either dalaga ka o binata ka, may asawa ka o
wala, may anak ka o wala ay hindi tayo dapat magbago sa Diyos. Oras, panahon, edad, kulay at anyo lang ang
nagbabago sa atin ngunit tayo ay hindi.
Ang isa nating intercessor, kahit
siya ay tumalikod sa paglilingkod sa Diyos ay nag- desisyon pa rin siyang
bumalik sa Diyos. Iniwan niya ang
kanyang naging asawa na naging persecutor niya at siya ay bumalik ngayon sa
paglilingkod. Ngayon ay muli siyang
lumigaya ng lubos. Nagkamali man siya
noong nakalipas ay muli siyang nag- desisyon ng tama na lumakad sa liwanag ng
paglilingkod sa Diyos.
Maraming naglilingkod sa Diyos
ngayon na hindi pa nakaka- usad sa paglilingkod sa Diyos, ang inaatupag na ay
pakikipag- relasyon. Hindi naman
masamang magmahal dahil ang Diyos ang nagbigay ng kakayahan na magmahal
tayo. Ang lagi ko lang ipinapaunawa ay
may panahon para sa pakikipag- relasyon. Dapat matalino tayo lalo na sa
panahong nag- desisyon tayong mag- lingkod sa Diyos. Hayaan muna nating
makarating tayo sa tugatog ng paglilingkod at mapantunaya ang katapatan sa
paglilingkod.
Nang masumpungan kong naglilingkod
ang isa nating staff na si Ptra. Dulce ay kabataan pa siya. Bago siya nag- asawa ay mahabang panahon muna
ang pinatunayan niya sa Diyos at ang Diyos naman ang nagbigay ng mapapangasawa
niya.
Hindi iyong wala ka pang nagagawa sa
Diyos ay abala ka na kaagad sa pakikipag- relasyon. Dapat ay pinayagan niyo munang madala kayo ng
Diyos sa inyong mga tawag, mapakinabangan niya muna kayo ng malalim, ng lubos
at ganap. Kapag nagawa Niya iyan, Siya
rin mismo ang gagawa ng paraan upang mabigyang- katuparan ang mithiin ng puso
mo patungkol sa pag- aasawa.
Mayroon tayong staff na matagal na
panahong sigaw ng sigaw sa radio at nag- eedit para sa programa ng Oras ng
Himala. Dumating ang panahon na Diyos na
rin ang nagtakda na makapag- asawa siya.
Hindi masamang magmahal, magpaligaw
at manligaw ngunit dapat ay may pinatunayan muna tayo sa Diyos. Dapat ay hinatak muna na ng panahon ang buhay
natin dahil kapag nais ng Diyos na gamitin ka mightily ay hindi na niya
magagawa dahil alam ng Panginoon na mahal mo siya ngunit ang iyong puso ay hati
na. Hindi mo naman sinasabing hindi ka
na maglilingkod dahil nandoon pa rin ang puso mo ngunit hindi mo maiiwasan ang
kaguluhan ng puso at isip. Kapag may ka-
relasyon ka ay lagi ng may magte- text sa iyo at tatawag kaya hindi ka na
makakapag- concentrate.
Ang sabi ko nga sa aking anak na
bunso, “Mag- asawa ka na, tutal lalaki ka naman at nasa edad ka na upang
magkaroon tayo ng apostle Renato Carillo III.”
Ngunit ang sagot niya sa akin, “Pa, wala pa po sa puso ko iyan. Mayroon pa akong dapat tapusin sa Diyos.”
Dapat ay prayoridad muna natin ang
tungkuling inatang ng Diyos sa atin. Iyan
ang balance. Hindi masamang magmahal at
mag- asawa ngunit kinakailangan muna nating ipakita sa Diyos ang ating
pagpapahalaga sa tawag niya, mayroon muna tayong dapat patunayan, hayaan muna
natin na makapaglingkod tayo ng walang sagabal at abala. Kung mayroon man kayong ka- engaged ay dapat
mag- usap kayo na hanggang diyan lang muna iyan dahil kapag dumating ang
panahon na itinakda ng Diyos ay wala ring makakapigil niyan at sa altar din ang
tuloy niyo. Iyan ang Christian
principle.
Ang isa nating intercessor, wala
naman siyang balak mag- asawa ngunit hindi rin napigilan dahil kalooban ng
Diyos sa kanya si Ptr. Dong. Hanggang
ngayon ay commited pa rin sila sa Diyos.
Maaaring marami tayong kakulangan, hindi
tayo marunong mag- English at marami tayong kahinaan ngunit hindi iyan ang
hinahanap ng Diyos sa atin kundi commitment.
Wala namang naglingkod sa kanya na perpekto. Noong maglingkod ako sa Diyos ay marami akong
imperfection. Noong una akong tumayo ay
hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko basta salita lang ako ng salita, bahala
ka na sa buhay mo kung napapagpala ka sa sinasabi ko o nasasaktan ka. Wala akong pakealam kung ayaw mo ng sinasabi
ko o gusto mo dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ako perpekto ng magsimula akong
mangaral. Walang direksiyon ang sinasabi ko ngunit nakita ng Diyos ang puso ko
na may mithiing sumunod kaya ngayon, inayos ng Diyos ang lahat ng pagkukulang
ko.
Kung mayroon akong ipagpapasalamat
sa Diyos ngayon, una sa lahat ay dahil nagbigay ako ng buhay sa Kanya. Kahit
tinawag ako ng Diyos, kung hindi naman ako sumuko ng Diyos sa totoo ay hindi
niya rin ako magagamit ng lubos. Kahit
wala akong kaalaman at karunungan ngunit dahil binigay ko ng totoo ang aking buhay
sa Diyos ay nagawa niya ako. Iyan ang dapat nating ipagpasalamat sa Diyos,
hindi iyong natamo nating worldwide ministry, may TV at radio na, grabe na ang
glory ng Diyos sa kanyang lingkod, ngunit ang dahilan dapat ay ipagpasalamat
natin na “Panginoon, salamat po dahil ang iyong lingkod ay nagbigay ng buhay sa
Iyo. Hindi siya umatras sa tawag niya”
dahil may will tayo. Hindi ibig sabihin na hinirang niya tayo ay okay na kundi
dapat sumang- ayon tayo dahil may will tayo.
Ang sabi ni Pablo, “Araw- araw ay
namamatay ako” ibig sabihin, ang kanyang sariling desisyon ay kanyang
isinasantabi. Ang pagbibigay ng buhay ay
minsanan lang na kapag nag- clast ang will natin at will ng Diyos, ang pinipili
natin ay ang nais Niya. Na kapag nag- clast ang feeling ng Diyos at feeling
natin, ang pinipili natin ay ang nais Niya. Na kapag nag- clast ang plano ng
Diyos at plano natin, ang pinipili natin ay ang plano Niya.
Kung hindi ako nagbigay ng buhay sa
Diyos o ang pagbibigay ko ng buhay sa kanya ay 50% lang ay hindi Niya ako
magagawa. Maraming naglilingkod sa Diyos
ngayon ngunit hindi Niya magamit mightily.
Kaya nga ng iniwan ni Pedro, Juan, Santiago, Pablo, Mateo ang kanilang
propesyon ay hindi naman sila inawat ni Jesus dahil bahagi iyan ng pagsusuko ng
buhay. Sa gitna nga ng persecution ay
nais nilang magbalak lumayo ngunit kinausap sila ni Jesus ng puso sa puso.
Ang isa nating intercessor noon na
kinuha na ng Panginoon ay nag- ayuno ng 40 days. Mahal niya ang Diyos ngunit may mithiin
siyang tumakas sa kanyang tawag. Sinabi
sa akin ng Diyos na ituro ko ang pag- ibig sa Diyos. Ibinigay niya sa akin ang
scripture patungkol sa mga alagad na tumakbo.
Kinagabihan ay tinuruan ko sila at sinabing, “Iniwanan na nga ng mga
alagad ang Panginoon, pati ba tayo ay iiwanan Siya? Tayo ang mga hinirang niyang alagad ngayon,
tutulad ba tayo sa mga nauna sa atin? Hindi ba minahal natin ang Diyos, bakit
hindi natin siya mahalin habang panahon? Ano ang ikinakatakot natin sa buhay? Kung
pinatunayan niya na sa atin ang kanyang pag- ibig at ang pangako niya ay
pinapatotohanan na niya sa atin araw- araw, bakit aalis pa tayo sa kanya?” Nang
marinig ng intercessor natin iyan ay na- convict siya kaya iyak siya ng iyak,
at siya ay muling sumuko sa Panginoon. Kaya
ang kanyang pag- uwi sa langit ay remarkable dahil pagkatapos niyang mag- ayuno
ay kinuha na siya ng Diyos.
Si Jonas ay pinapapunta ng Diyos sa
Ninive ngunit sa Tarsis siya nagpunta kaya nagdusa siya. Hindi maaaring ang opinion ng Diyos ay
palitan ng opinion ng sinuman dahil pagdurusa at bigat ng kalooban ang dulot sa
atin niyon lalo na alam natin ang istorya ni Jonas. Maraming Jonas sa panahon natin ngayon na
mahal ang Diyos ngunit bigat ang nararamdaman nila dahil alam nilang mali ang
kanilang ginagawa. Si Jonas ay may
will.
Ako ay hinirang at pinili ng Diyos,
binigyan ako ng mandate ngunit kinakailangan kong sumuko sa Diyos,
kinakailangang ang will ko ay i- surrender ko sa kanya araw at gabi,
kinakailangang lakaran ko ang pagkakahirang ko, dapat ay hindi ako pumayag sa
nais ng aking pamilya, kamag- anak at mga kaibigan ko na palitan ang nais ng
Diyos sa buhay ko, at ang will ng sinuman ang gawin ko imbis na gawin ang will
niya na nagpahalaga sa akin.
Kung hindi nagbigay ng buhay si
Pablo ng totoo sa Diyos ay hindi naligtas ang mga hentil at hindi nakarinig ng
ebanghelyo ang mga emperador at hari. Tayo
ay na- qualified maglingkod dahil nagbigay tayo ng buhay sa Diyos. Dapat ang
ipagpasalamat natin sa Diyos ay ang biyaya Niya na tayo ay nag- desisyon na
anuman ang mangyari ay maglilingkod tayo sa Kanya, hindi aayaw at hindi
titigil.
Nakita niyo ang desisyon kong
paglingkuran ang Diyos. Hindi ako ang
mangangaral na basta makapagturo lang, na kahit meeting lang iyan ay talagang
binibigay ko ang aking puso. Kapag
nagsulat ako ay hindi lang basta makasulat lang kundi iniisa- isa ko talaga ang
revelation. Sabihin man nila na
perfectionist ako ay wala namang masama dahil kung gagawa ka rin lang naman ng
isang bagay kagaya ng arts and design sa stage at website, dapat ay pinakada-
best. Sayang lang naman na gagawa ka ng
isang bagay ngunit 90% lang ang ganda, pagkatapos late pa ng ipasa mo. Hindi
makapasa ang marami sa Panginoon dahil kapag tinanong mo ang marami kung bakit
hindi nila natapos ay kung sinu- sino ang sinisisi nila at kung anu- ano ang
ikinakatwiran kahit alam nilang hindi tinatanggap ng Diyos ang mga paliwanag na
iyan dahil hindi siya naluluwalhati. Ang
hindi pagsunod ang pumipigil sa katuparan ng kalooban ng Diyos. Ang kabagalan sa pagsunod ang harang upang
hindi umusad ang kaharian ng Diyos.
Sa totoo lang, mas masipag pa ang diyablo
kaysa sa maraming Kristiyano. Mas
maganda pang mag- trabaho ang diyablo kaysa sa maraming Kristiyano. Kapag nag- trabaho ang diyablo ay talagang
sisiguruhin niya na kapag pinatay ka niya ay talagang patay ka talaga. Kapag
nag- plano siya ay talagang plano talaga, hindi siya papayag na hindi
matuloy. Mas epektibo pang mag- plano
ang diyablo dahil siya ay hindi nagbaback- out sa kanyang masamang
tungkulin. Walang maaaring magbago ng
isip niya at walang maaaring pumigil sa nais niyang gawin. Iyan ang diyablo, ganyan siya ka- sama. Ang mga pinossess niyang mga rakista ay hindi
lang kumakanta ng basta lang kundi talagang binigyan sila ng diyablo
performance ability kaya kapag humatak sila ng mga taong itatapon sa impiyerno
lalo na kabataan ay hindi mabilang. Kapag
nagbalak ang diyablo na magwasak ng buhay ay talagang determinado siyang gawin
ito. Hindi nagta- trabaho ang diyablo ng
lawsy dahil naka- organize ang ginagawa niya.
Dapat higitan natin ang diyablo
dahil ng nabubuhay pa si Jesus sa lupa ay mas hinigitan niya ang diyablo sa
determinasyon at walang makakatalo kay Jesus pagdating sa determinasyon. Dumating si Jesus sa mundo para gawin ang
kalooban ng Ama hindi para sa ibang tao, ibang bagay at pangangailangan.
Ang ama ng una nating secretary noon
ay nais akong patayin dahil ilang ulit niya akong pinakiusapan na kumbinsihin
ang anak niya na tumigil sa ginagawa niyang paglilingkod sa Diyos. Pinadalhan niya ako ng maraming pastor at
inalok niya ako ng pera upang kumbinsihin ang anak niya na umuwi sa kanila
ngunit nanindigan ako. Ilang ulit niya
akong pinakitaan ng maraming threat hanggang gumamit siya ng lakas upang ako ay
saktan ngunit hindi pa rin ako nagbago ng desisyon. Ang sabi ko sa kanya, “Hindi ko po magagawa
na pauwiin ang anak ninyo kahit nais ko dahil wala akong karapatang gawin iyon
sapagkat hindi ako ang tumawag sa inyong anak.
Kung sasabihin ko sa kanya na huwag mahalin ang Diyos ay nagtaksil ako
sa Diyos. Kung sasabihin ko sa kanya na
maglingkod sa Diyos ng pakunti- kunti at higit na piliin ang tao kaysa sa Diyos
ay mas lalong hindi ko iyong magagawa. Nais ko po kayong pagbigyan dahil
maganda ang sinasabi niyo ngunit hindi ko magagawa sapagkat malaking kasalanan
sa Diyos. Ang pinaka- mabuti niyan,
kayong dalawa ang mag- usap. Siya ay
tinawag ng Diyos at nag- desisyon siya para sa Diyos kaya siya ang kausapin
niyo huwag ako. Kung ano ang desisyon
niya ay igagalang ko. Kung nais niyang umuwi
sa inyo ay walang problema sa akin at kung manindigan siya sa Diyos ay mas
lalong wala akong problema.” Lagi kong
ipinapanalangin sa Diyos na kung ano ang pinandigan ko noon ay mapanindigan ko
pa rin ngayon, walang magbago.
Noong early years natin sa ministry
ay napakaraming nag- fulltime kaya maraming magulang ang nagpupunta sa akin at pinapipirma
ako na kung ano ang mangyari sa kanilang mga anak ay ako ang mananagot. Pinirmahan ko ang lahat ng iyon.
Mayroon nga tayong fulltime noon na
binato ng ama niya ng upuan dahil talagang pinipigil siyang mag- lingkod ngunit
ayaw niya. Sa mata ng marami, ang
paglilingkod natin ay extreme ngunit iyan talaga ang paglilingkod na dine-
describe ng Bible.
37"Anyone who
loves his father or mother more than me is not worthy of me; anyone who loves
his son or daughter more than me is not worthy of me; 38and anyone who does not take
his cross and follow me is not worthy of me. 39Whoever finds his life will lose it,
and whoever loses his life for my sake will find it.
40"He
who receives you receives me, and he who receives me receives the one who sent
me.
Matthew 10:37-40
Iba ang alagad sa attendee. Kapag tayo ay nag- fulltime, tanda iyan na
nag- alay tayo sa Diyos ng buhay bilang mga alagad. Dahil ang Diyos ang
pinaglingkuran natin, dapat ay binibigay natin ang ating pinakada- best sa
paglilingkod. Nang ako ay naglingkod sa
Diyos, hindi ako pumapayag na utusan pa ako ng sinuman bago maglingkod dahil
nais ko na kusa kong gagawin ang aking tungkulin. Bago ako naging tagapagturo ay dumaan muna
ako sa mga dinaanan niyo na mag- ayos at magpunas ng upuan. Hindi na ako inuutusan ng Pastor kundi kusa
kong ginagawa iyon. Hindi na rin ako
sinasabihan pa na dumalo ng prayer meeting dahil kusa akong pumupunta. Ang lungkot ko pa nga minsan ay una pa akong
dumarating kaysa sa Pastor at minsan ang Pastor ay absent, ako ay present. Kusa akong nagsasabit ng banner
invitation. Kung ano ang responsibilidad
ko ay hindi ko lang inaako kundi pinagaganda ko pa. Hindi ko interes na pansinin ako ng Pastor at
ng sino pa kundi nais ko na ang Diyos ay maluwalhati sa aking ginagawa. Dahil nakikita nila ang ginagawa ko, hindi
maiwasan na maipagmalaki nila ako.
1I commend to you our
sister Phoebe, a servant of the church in Cenchrea. 2I ask you to receive her in the Lord
in a way worthy of the saints and to give her any help she may need from you,
for she has been a great help to many people, including me.
3Greet Priscilla and
Aquila, my fellow workers in Christ Jesus. 4They risked their lives for me. Not
only I but all the churches of the Gentiles are grateful to them.
5Greet also the church
that meets at their house.
Greet my dear friend Epenetus, who was the first convert to
Christ in the province of Asia.
6Greet Mary, who
worked very hard for you.
7Greet Andronicus and
Junias, my relatives who have been in prison with me. They are outstanding
among the apostles, and they were in Christ before I was.
8Greet Ampliatus, whom
I love in the Lord.
9Greet Urbanus, our
fellow worker in Christ, and my dear friend Stachys.
10Greet Apelles, tested
and approved in Christ.
Greet those who belong to the household of Aristobulus.
11Greet Herodion, my
relative.
Greet those in the household of Narcissus who are in the
Lord.
12Greet Tryphena and
Tryphosa, those women who work hard in the Lord.
Greet my dear friend Persis, another woman who has worked
very hard in the Lord.
13Greet Rufus, chosen
in the Lord, and his mother, who has been a mother to me, too.
14Greet Asyncritus,
Phlegon, Hermes, Patrobas, Hermas and the brothers with them.
15Greet Philologus,
Julia, Nereus and his sister, and Olympas and all the saints with them.
Romans 16:1-15
Lahat ng pinarangalan ni Pablo ay mga
tao na ang buhay ay kaaya- aya dahil ang kanilang performance at paglilingkod
ay beyond question. Marami namang naglilingkod
ngunit kakaunti ang binanggit na pangalan dahil ang kanilang ginawa ay
excellent, ang kanilang commitment ay beyond question. Kagaya sa School, sa 365 school days ay nabuo
nila iyon. Hindi kagaya ng iba na
ngayong linggo ay present sila ngunit sa susunod na linggo ay absent. Hindi ka talaga maipagmamalaki ng Diyos kapag
ganyan ang iyong commitment. Napakaraming iglesya na itinayo si Pablo ngunit
ang pangalang binanggit niya upang maipagmalaki ay piling- pili at iilan
lang. Ibig sabihin, ang mga taong ito ay
mayroong excellent performance, ang trabaho ay talagang maipagmamalaki. Hindi magawa ni Pablo na maipagmalaki ang iba
niyang mga anak sa pananampalataya dahil hindi presentable ang mga trabaho, na
basta may magawa lang sila. Walang
naging Valedictorian sa school malibang consistent siya sa kanyang ginagawa. Kapag naipagmalaki tayo ng mga apostol ay
galing sa Diyos iyan. Ibig sabihin, ang
ating commitment at dedication ay beyond question at kamanghamangha, ang ating
pananampalataya at paglilingkod ay talagang angat sa marami at hindi ordinaryo. Bagamat lahat ay naglilingkod ngunit ang
ating performance, commitment at dedication ay mataas, at ang ating paglakad sa
Diyos ay hindi umaatras kundi tuluy- tuloy.
Hindi iyong noong nagsisimula ka pa lang maglingkod sa Diyos ay kagaanan
ka ng lahat ngunit ng tumagal ka na ay sakit ka na ng ulo. Nagsisimula ka pa lang o tumatagal na, dapat
ay kagaaanan ka ng lahat, na kapag may mainit ang ulo, kapag nakita ka ay
lumalamig ang ulo niya.
Hindi naman natin kinakailangang
umedad ng 45 o 50. Kahit mga kabataan pa
lang kayo, basta isinapuso niyo ang paglilingkod at tungkulin niyo ng totoo ay
pagpapala kayo. Hindi iyong basta ka
lang maka- kanta, maka- tugtog at makapag- ligtas ng kaluluwa. We have to please God. Kailangang ang mga trabaho natin ay
excellent.
Nakita nga ng isang Congressman ang
suot kong barong noong nakatanggap ako ng award bilang huwarang ama sa
spiritual leadership at sinabi niyang, “Ang ganda ng barong mo.” Sa isip- isip ko, ang mapapurihan ay hindi
dapat ako kundi ang nag- disenyo at tumahi nito dahil kung bakit ito lumabas na
maganda ay dahil mayroong nag- dedicate
ng sarili upang gawing maganda.”
May nagsabi sa akin na napaka- ganda
ng ating website. Sa isip- isip ko,
“Dapat maparangalan ang nag- napakahirap upang mapaganda ang website.”
May nagsabi sa akin, “Kahit anong
oras kami tumawag ay talagang may response kaagad.”
Dapat hanggang ngayon, ang ating
commitment at dedication upang lumabas ang excellent work na ipinagmamalaki ng
marami ay dala natin hanggang ngayon.
Ang ipinagmamalaki ni Jesus ay ang
mga nahirang niya na marunong umako ng responsibilidad at hindi na kailangang
utusan. Hindi lang tayo dapat gumagawa
kundi nagma- matured tayo sa ating ginagawa.
Hindi naman tayo hinahanapan ng Panginoon ng isang tungkulin na hindi
natin kaya kundi ibig lang naman Niya na ibigay natin ang ating puso at isip sa
ating ginagawa, lalo na ngayong ang oras na naiiwan sa atin ay maiksi na.
Ang isang kabigatan ko ngayon ay
hindi ang pera kundi ang oras natin na nauubos na ngunit marami pa tayong dapat
gawin. Kung biglang bababa ang Panginoon, ang marami nating dapat gawin ay
hindi na natin magagawa dahil tapos na ang panahon at diyan tayo magiging
accountable. Ang Panginoon ay hindi
tumawag ng maraming alagad kundi piling- pili at ang mga piling- piling ito ang
siyang bumaliktad ng buong mundo, karunungan ng Diyos iyan dahil kung tatawag
siya ng maraming alagad na hindi naman flexible ang buhay, hindi ganoo ka-
dedicated ang buhay sa ginagawa, hindi ehemplo ang buhay ay mai- stress lang
ang Diyos nito. Kung palagi niyang
tatawagin ang mga alagad at sasabihing, “Pedro, nasaan na ang tubig ko? Andres,
nasaan na ang aking libro at Bible? James, nasaan na ang camera, magte- taping
na ako? Ano ba ang ginagawa niyo? Nandito na ang mga Pariseo, inaantay na nila
ako, Kailangan ko kayo, nasaan na ba kayo?” stress si Jesus. Upang hindi ma- stress si Jesus ay
labindalawang alagad muna ang kanyang pinili.
Sa labindalawang alagad nga lang, minsan ay nai- stress na si Jesus, how
much more kung dalawang libo pa ang pinili niya? Baka wala ng magawa si Jesus
kundi puro pagalit sa espiritu na ang pinagkaka- abalahan niya. Kaya nga laging dini- disciple ni Jesus ang
mga alagad upang hindi siya ma- stress.
Magagalak ba si Pablo kay Timoteo
kung ang pinapaturo niya ay death to self ngunit iba ang tinuro ni Timoteo?
Hindi. Magagalak ba si Pablo kay Timoteo
kung si Timoteo ay hindi naging ehemplo sa kabanalan, katwiran at pagpipigil sa
sarili. Si Timoteo ay isang kabataan na
hindi exempted sa temptation ng pera, pakikipag- relasyon, maagang pag- aasawa
at layaw ng katawan, and yet, nakitaan pa rin siya ng magandang ehemplo at
naging pagpapala sa kanyang tatay sa espiritu.
Maipagmamalaki ba niya si Timoteo kung ng hinahanap niya ito ay wala
dahil nakipag- date at minsang nadalaw niya ng biglaan sa prayer meeting ay
tulog. Ine- skedyul niya na isasama sa
India si Timoteo ngunit bigla itong nagsabi na “Tatay Apostol, hindi po ako
makakasama sa inyo sa India dahil dumating ang girlfriend ko na matagal ko ng
hindi nakikita. Sa susunod niyo na lang
po na biyahe ako sasama. Sa tingin niyo
ba ay ipagmamalaki ni Pablo si Timoteo kung lagi niyang binibigo si Pablo?
Hindi. Pagud na pagod si Pablo sa
kakaturo at nais niyang makapagpahinga sa sasakyan ngunit hindi niya magawa
dahil ng nagpatakbo si Timoteo ng sasakyan ay parang lumilipad sa ere at ang
bagung- bagong sasakyan na wala pang isang buwan ay nasira kaagad. Maipagmamalaki ba siya ni Pablo? Hindi.
Magagalak ba si Jesus kung pag- uwi
niya ng bahay ay excited siyang mapanood ang pagpapagaling niya sa mga ketongin
ngunit biglang dumating si Santiago at nagsabing, “Hindi ko po nakuha ang
eksena na nagpapagaling kayo ng ketongin dahil nakalimutan kong dalhin ang camera.” Magagalak ba si Apostol Pablo kung sinabi
niya sa labindalawang agad na mag- ayuno silang lahat ng tatlong araw, and
then, maya- maya ay nakita niya ang mga alagad na kalahating araw pa lang ay
kumakain na sa sulok ng biko at pansit, nagtatago at nakitaan pa niya ng saging
sa bulsa. Magagalak ba si Pablo kung
pinayuhan niya si Timoteo na huwag munang manliligaw dahil bata pa siya at wala
pang nararating sa paglilingkod ngunit makalipas ang ilang buwan ay nakita niya
ng may ka- holding hands si Timoteo.
16"What
are we going to do with these men?" they asked. "Everybody living in
Jerusalem knows they have done an outstanding miracle, and we cannot deny it.
Acts 4:16
Lahat ng iglesya na tinayo ni Pablo
ay grateful kay Priscilla at Aquila. Ang
mga taong ipinagmamalaki ni Pablo ay hindi pinasakit ang ulo niya kahit
minsan. Kung ang mga taong ito ay
magnanakaw ng pera, may sariling bank account at sinabihan ang mga kapatiran na
sa kanya ihulog ang mga offering, at ng may natanggap na sobre na hindi naman
para sa kanila kundi para kay Pablo ay kanilang ibinulsa at ibinili ay
ipagmamalaki ba ni Pablo ang mga ito? Hindi.
Hindi ang laki o liit ng ating
ginagawa kundi kung paano natin ito ginagawa, paano natin ito tina- trabaho at
kung paano natin ito isinasapamuhay. Dapat
hindi lang tayo honest sa paggamit ng oras, opportunity, sa ginagawa natin sa
Diyos at tungkuling naiatang sa atin kundi tinatapos natin ito ng nasa oras at
talagang excellent. Hindi lang natin
ginagawa ang tungkulin upang i- impress ang lingkod ng Diyos kundi honest tayo
sa pera na hindi atin. Sentimo man iyan,
dapat ay honest tayo. Ang hindi atin ay
hindi talaga sa atin. Kung ikaw ay
nagsasayang ng kuryente, tubig, aircon ay ipagmamalaki ka ba ni Pablo? Hindi
dahil hindi ka mabuting katiwala, wala kang malasakit sa kapakanan ng Diyos at
pera ng Diyos. Kung ikaw ay nagkakalat
at nakikipag- away ay maipagmamalaki ka ba ni Pablo? Hindi dahil hindi ka
ehemplo.
Si Maria ay hindi lang nangaral na
muling nabuhay si Jesus kundi talagang isinapuso niya ito, hindi lang basta
makapangaral ng kalahating oras, hindi lang basta may masabi kundi talagang
pinag- aralan niya, pinaganda ang pagtuturo, hindi easy- go- lucky na pagtuturo
ay talagang maipagmamalaki siya ni Jesus.
Kung ikaw ay Presidente ng kumpanya
at nagbigay sa iyong secretary ng mga paperworks na kailangan niyang ipasa sa
iyo bago matapos ang buwan na ito, at naisapasa niya sa iyo ng makalipas
dalawang linggo at ng binasa mo ay excellent at perfect, tiyak na magagalak ka dahil
wala pang isang buwan ay naipasa niya na agad sa iyo ng walang mali. Your secretary work hard just to please you.
Ngayon, ayaw na ng Church mag- work
hard, ang nais niya ay maglaro, mag- easy- go- lucky sa pamumuhay at mag-
reklamo na “Bakit palagi na lang ako ang nauutusan? Bakit palagi na lang ako
ang nagta- trabaho ng marami? Bakit ako na lang palagi ang napupuna at
napapansin?” Dapat nga magalak ka pa dahil ibig sabihin ay nagtitiwala sila sa
iyo dahil nakita na you are a very working hard staff.
Pinagmamalaki ni Pablo ang mga
kamag- anak niya na kasama niya sa kulungan at pumayag na makulong dahil kay
Kristo, pumayag na magdusa kagaya niya dahil kay Kristo, ang kanyang
pagpapakasakit, determinasyon, commitment at dedication ay sinabayan nila. Kung nagmo- move si Pablo mightily at ang mga
ito ay hindi sumasabay, hindi sila ipagmamalaki ni Pablo. Naglingkod nga sila ng 15 years ngunit ng
sumapit ang 16 years ay umatras na, ipagmamalaki ba sila ni Pablo? Hindi.
Dapat ang buhay natin ay tested and
approved sa Panginoon. Kapag may
nagsalita laban sa iyo ay sasabihin ng Panginoon, “Hindi ako naniniwala sa inyo
dahil kilala ko ang aking anak, alam ko kung ano ang buhay niya, alam ko ang
paglilingkod niya.” Dapat ganyan tayo,
ang Diyos mismo ang nagde- depensa sa atin, kahit anong sabihin ng sinuman ay
hindi nila makumbinsi ang Diyos dahil kilala na tayo ng Diyos, tested and
approved ang buhay niya sa atin. Ang
kinakansela natin ay ang paanyaya ng tao at mundo hindi ang kalooban ng Diyos
at gagawing tungkulin para sa kanya. Ang
mga kasinungalingan laban sa atin ay hindi pinapansin ng Diyos dahil ang
naaalala niya ay ang ginagawa natin para sa kanya, kilala niya ang ating buhay
at commitment para sa kanya.
For 26 years ay nakilala ako ng
Diyos na tapat sa pakikinig ng tinig niya at lagi niya akong nasusumpungan na
nagsusulat hanggang madaling araw. Hindi
ka maaaring maging approved sa Diyos malibang tested ka. Ang naa- approved ng
Diyos ay ang mga dumating sa testing at training patungo ng throne at treasure
ng Diyos.
Maipagmamalaki ba ni Pablo si Apeles kung may
sarili itong revelation, kung ang nais nito ay puro evangelism ngunit ang nais
ni Pablo ay manalangin.
Libo ang anak ni Pablo sa pananampalataya ngunit
iilan- ilan lang ang ipinagmamalaki niya dahil ang kanilang commitment,
dedication at desire ay hindi kayang tawaran.
Ang mga taga- Macedonia na mahihirap ay
ipinagmamalaki ni Pablo sa mga taga- Corinto na mayayaman. Hinigitan pa ng taga- Macedonia ang
pagbibigay ng mga mayayamang taga- Corinto.
Ang Church ngayon ay basta makapaglingkod
lang, at okay lang kung magkaroon sila ng record na immorality, late sa gawain,
financial dishonesty, running away ministry, at least ay nakapaglingkod sila.
Ang mga binabati ni Pablo ay hindi nabubuhay
sa pakiramdam kundi seryoso sa kanilang ginagawa. Hindi ito natukso ng diyablo. Bago naging
approved ang mga alagad ay tinest muna sila ng Diyos at ng sila ay nakapasa,
saka sila naging approved.
If we will not work hard in the Lord ay wala
tayong magagawa, mararating at matatapos sa Diyos. If we will not work hard ay
talo pa tayo ng mga unbeliever na nagsiyaman sa kanilang profession, field,
work, business for they work hard. Ang mga presidente na tamad ay hindi uusad
ang administrasyon. Dapat lahat ng
presidente pababa sa mga nasa posisyon sa government must work hard. Ang mga spiritual director sa Church pababa
sa five- fold ministry dapat ay nagwo- work hard, they must labor in everything.
Kapag ako ay nanalangin ay nagle- labor
talaga ako. Iniisa- isa ko ang mga pangalan ninyong lahat, mula sa mga Pastor
pababa sa inyong mga staff. Maaari ko
namang sabihin sa Diyos na “Ama, ang dami ng mga pangalan na ito, i- lay hands
ko na lang po ang mga pangalan nilang lahat.”
Ngunit hindi ko sinasabi dahil trabaho ng tamad iyan. Sa totoo lang, talo ko pa ang presidente ng
kumpanya sa kasipagan. Tiyak, kung ako
ay negosyante ay bilyonaryo na ako ngayon dahil marunong akong magpahalaga sa
oras. Kung darating ako sa opisina ko ng
alas- singko ng hapon ay wala na akong magagawa dahil sa dami ng babayaran,
pipirmahan, ie- email, tatawagan, itetext, kakausapin at haharapin.
Hindi niyo kinakailangang maging
spiritual director kundi as a Christian, to work hard ay buhay ng lahat because
we do many things for the glory of God.
Dahil kayo ay mga staff, dapat ang
mapangasawa niyo ay mga working hard Christian, na ang lahat ng ginagawa niya
ay fruitful.
Maraming Pastor na pinabayaan ang
mga kawan, pito na nga lang ang kawan niya pinabayaan pa niya kaya makalipas
ang ilang buwan ay patay na ang gawain. Umaasa
sila ng malaking ani dahil may nag- propesiya na anihan ngayon ngunit hindi
sila bibigyan ng Diyos dahil mga batugan sila malibang sila ay magsisi. Hindi ka bibigyan ng Diyos ng pitumpung
kongregasyon kung ang pitong ipinagkatiwala sa iyo ay hindi mo naasikaso.
Bago kayo maging mga pastor at
pastora ay idadaan muna kayo sa iba’t ibang posisyon kagaya ng paglilinis ng
C.R., pagluluto, pamamalengke, pagtuturo sa mga bata upang ma- test kayo ng
Diyos, tine- train niya kayo, tinitingnan niya ang inyong commitment, kung may
spirit of servanthood kayo at kapag nakita Niya na qualified kayo at nakapasa
kayo sa maliit na tungkuling inatang sa inyo ay saka kayo ilalagay sa posisyon
at pagkakatiwalaan, dahil nasubok niya na kayo sa simula. Walang nailagay sa posisyon ng hindi dumaan
sa training. Bago ako naging apostol ay
dumaan muna ako sa maraming pagsubok dahil kasama iyan sa proseso ng training
ng Diyos.
Ang Church ngayon ay sanay magsayang
ng oras. Kapag nakatapos na siya ng isa
ay maligaya na siya kaya sasayangin niya na ang oras niya sa mga walang
kabuluhang bagay. Hindi naman tayo
kailangang utusan ng Diyos dahil sa dami ng tungkuling dapat nating gawin. Kung nagkukusa lang sana ang Church ay hindi
na mag- uutos ng mag- uutos ang Diyos.
Kapag natapos ko na ang tungkulin ko
ay ine- evaluate ko ang natapos ko at ang puso at isip ko ay inilalagay ko
naman sa susunod kong dapat gawin. kahit
ako at ang aking maybahay ay lumalabas ay nasa trabaho pa rin ang isip ko kaya
minsan nasasabi sa akin ng aking maybahay “Pa, nakikinig ka ba sa akin?” ang
tugon ko, “Opo” ngunit ang totoo, ang isip ko ay nasa mga gagawin ko wala sa
paligid ko at ginagawa ko ng oras na iyan.
Hindi naman actually kasalanan iyon ngunit hindi ko magawang hindi
isipin ang mga mahahalagang tungkulin na dapat kong gawin dahil tungkulin ko sa
Diyos iyon. Hindi dahil sa ayaw ng Diyos
na magpahinga tayo o ma- over work tayo kundi nakakaunawa tayo na dapat nating
seryosohin ang ating tungkulin upang lumabas na maganda.
Kapag nakita ng Panginoon na
talagang pinaganda natin ang ating trabaho ay siya na ang magkukusang bigyan
tayo ng pahinga. kakausapin ako ng Diyos
na dalhin kayo sa isang magandang resort o hotel upang makapag- bakasyon
kayo. kung ang kumpanya nga ay
nagbibigay ng vacation leave sa mga empleyado nila ay higit ang Diyos sa
kanila. may panahon ng pagga- gantimpala
ang Diyos. ang iba, hindi pa nga
nasusubok, hindi pa nga nakikita ang pagpapagal ay nais niya ng mag- bakasyon,
promotion, pabor at posisyon.
Anumang field of responsibility ang
naiatang sa atin, dapat ay trina- trabaho natin ng maayos at maganda. Dapat isang salita lang ng lingkod ng Diyos
ay sumusunod na tayo at ang pinagagawa niya ay pine- presenta natin ng maayos,
hindi iyong paulit- ulit niyang pinapaalala sa atin ang trabaho natin dahil
napakatagal bago sumakamay niya. hindi
naman nagsasawa ang lingkod ng Diyos na magturo ngunit kahit anong turo niya na
hindi mo naman isinasapuso ay wala pa ring mangyayari. Mayroon namang perpekto sa pagsunod ngunit
hindi naman ibinibigay ang pinakada- best.
Alam ng mga anak ni Pablo kung ano
ang may sense at walang sense kay Pablo. Ganyan naman talaga ang katotohanan sa
ministry maging sa secular. Alam ng mga empleyado ang ayaw at nais ng kanilang
mga boss, ang magpapalungkot at magpapaligaya sa Presidente. Dapat sa Church ay
higit na ganyan.
Dapat ang mga naglilingkod ay
kinikilala ang mga pinaglilingkuran nila upang hindi maubos ang panahon ng amo
sa kakaulit ng mga bagay- bagay na dapat gawin ng naglilingkod sa kanya. Ang
mga naglilingkod ay hindi lang dapat ine- evaluate ang mga pinagagawa ng amo
niya kundi nagwo- work very hard upang maibigay ang pinakada- best sa amo niya.
Ang mga taong nagwo- work hard sa
panahon ni Pablo ay hindi nagta- trabaho upang ma- impress nila si Pablo kundi
talagang naglingkod lang sila ng seryoso at isinapuso nila ang tungkuling
inatang sa kanila. Sabihin nating they are a professional Christian. Kung mayroong unprofessional employee sa
secular ay mayroon ding unprofessional worker sa Church. Ang mga unprofessional Christian ay alam nila
ang kahalagahan ng oras at panahon, nakakaunawa ng responsibility at pagpapala.
Minsan, tinatanong ko ang aking
maybahay kung kumusta ang isang staff, ang tugon niya “Pagpapala siya sa marami
kaya nakikiusap ako na huwag mo muna siyang gawing Pastor/ Pastora dahil malaking
kawalan siya sa atin.” Ibig sabihin, ang paglilingkod ng staff na iyon ay
tested and approved. Kapag tinatanong ko
ang ibang staff, ang tugon naman ng aking maybahay “Hay naku Pa, ilipat mo na
iyan sa iba o kaya pauwiin mo na dahil walang ginawa kundi magpasakit ng
ulo.” Ibig sabihin, ang staff na iyan ay
hindi tested and approved. Offensive word ang sinasabi ng aking maybahay ngunit
mas mabuti ng magsabi ng totoo. Kapag
naririnig niyo na sakit kayo ng ulo, hindi ibig sabihin na iyan ay criticism at
judgmentalism laban sa inyo kundi iyan ay reality. Alangan naman ang sabihin ng aking maybahay
“Napakasipag ng staff na iyan” ngunit ang totoo ay sobrang batugan pala. Kung totoong batugan ka ay maaaring sabihin
ng aking maybahay upang hindi ka ma- offend na “Okay naman ang staff na iyan
kaya lang hindi pa siya epektibo ngayon, kailangan pa siyang hubugin.”
Ang mga pinili ni Jesus na mga
alagad ay salang- sala. Sila ang mga taong talagang handang gawin ang lahat
para sa Diyos at handang iwan ang lahat para sa Diyos.
Marami tayong anak na Pastor na
hindi ko maisama sa mga biyahe ko dahil ang mga naisasama ko ay ang mga
nakitaan ko lang ng excellent work at kagaanan hindi iyong may maisama lang
ako. Kung magsasama ako ng mga taong
lumilipad ang isip, hindi marunong mag- face out ng sarili na kahit pagod ay
kayang pumayapa, kahit puyat ay nakangiti pa rin, kahit busy ay nakakagawa ng
paraan upang makapanalangin, hindi absent minded kundi kayang akuin ang
tungkulin.
Lagi akong puyat at pagod ngunit
nagagawa ko pa rin ang tungkulin ko dahil isinapuso at isinaisip ko. Diyos na rin naman ang magsasabi na magpahinga
ka na kung talagang tagtag ka na sa trabaho at siya rin mismo ang magbibigay ng
probisyon dahil marunong siyang mag- gantimpala.
Ang namumuhay sa karunungan ay
marunong magpahalaga ng oras. Para
tayong mga batang naisilang at sa paglipas ng panahon ay nag- matured. Noon ay kinakarga tayo, ngayon ay lumalakad
na tayo mag- isa. Ibig sabihin ay nag-
matured na tayo at hinubog na tayo ng panahon kaya dapat ang area ng
responsibility natin ay hindi lang natin ginagawa kundi master na natin upang
kapag mayroong papasok ay maging pagpapala tayo sa kanila dahil ang mga
kaalaman natin bunga ng mga karanasan ay mai- invest natin sa kanila, kaya
magpapasalamat sila sa Panginoon dahil tayo ay naging ehemplo sa kanila at tayo
ay nagpakatapat sa inyong ginagawa para sa Diyos. Dapat ay nanganganak kayo ng nanganganak.
Minsan ay pinipilit kong unawain ang
sinasabi ng iba na “Bata pa kasi iyan kaya hindi pa matured.” Sa isang banda ay mayroong katotohanan ngunit
ang talagang naunawaan ko, kahit bata ka pa kung isinapuso at isinaisip mo ang
iyong tungkulin, nabuhay ka sa panalangin at sa salita ng Diyos ay magma-
matured ka.
Si Jose at Daniel ay bata pa ngunit
nagamit ng Diyos mightily dahil isinapuso at ipinamuhay nila ang salita ng
Diyos. Naging hari si Daniel sa murang
edad dahil nakita ng Diyos na siya ay mapagkakatiwalaan. Nakita ito ng Diyos ng siya ay nag- aalaga pa
ng mga tupa, pinamahalaan niya ng may kaayusan ang ipinagkatiwala sa kanya. Nakita
ng Diyos na tapat siya sa tungkulin sa pagiging hari ng mga tupa kaya ginawa
siyang Hari ng Israel. Paano ka
mamamahala ng maraming Israelita kung hindi ka marunong mag- alaga ng
tupa? Ang pag- aalaga ng tupa ay parang
pag- aalaga ng tao. May negosyo kami
noong kambingan at tupa. Kapag sinusuwag
na ng kambing ang tupa ay agad na naming hinihiwalay upang hindi makapanakit. Nang
ako ay naging spiritual director ay ganyan din ang ginagawa ko sa mga
kongregasyon at ngayon ay sa Church.
Kung hindi ka naging successful sa
ministry ay hindi ka rin magiging successful sa secular. Kung hindi ka naging
mabuting katiwala sa tungkuling naiatang sa iyo sa secular ay ganyan ka din sa
ministry. Kung ano ang training at
character mo sa secular, kung paano ka nagmahal sa tungkuling inatang sa iyo ay
ganyan mo rin mamahalin ang tungkuling inatang sa iyo sa ministry.
Kahit nasa secular ako noon ay mahal
ko ang aking ginagawa. Isinapuso ko ang pag- aalaga sa mga tupa at pagbabantay
sa mga kambing na magugulo. Bago ako
matulog ay binibilang ko pa sila isa- isa. Alam ko kung sino ang mga toro. Hanggang
ngayon ay dala- dala ko iyan, binibilang ko ang mga Pastor natin at pinagpe-
pray ko isa- isa ang mga fulltime. Kinakabisado
ko kung ilan lahat ng pastor at fulltime.
Inaalam ko kung sino ang mga hindi sumusunod at sumusunod.
Kung dati ng maganda ang ating
ginagawa ay mas lalo pa nating pinapaganda hanggang sa makarating tayo sa
climax ng service and we maintain it. Hindi
tayo nakukuntento sa ginagawa natin lalo na alam nating mayroon pa itong
igaganda. Kung ang secular world nga ay
nag- a- upgrade ng lahat ng standard nila at hina- high tech nila ang lahat ng kanilang
sistema, dapat ay higit ang ginagawa ng Church.
Kung alam nating may igaganda pa ang ginagawa natin ay ating ginagawa at
titigil lang tayo sa pagpapaganda kapag narating na natin ang pinaka- climax ng
hangganan ng pagpapaganda kaya ime- maintain na lang natin. Lahat tayo ay nag- aadjust diyan, nagma-
mature tayo sa ating ginagawa, sa ating hina- handle, sa ating nararanasan at
ang mga past mistakes ay nagagamit natin upang mag- mature sa pangkasalukuyan
at maging sa hinaharap nating paglilingkod, sa pagde- deal ng sitwasyon, tao at
lahat ng bagay maging ang tukso at abala na ilalagay ng diyablo sa harap natin
ay haharapin natin ng may karunungan upang hindi natin napapabayaan ang
tungkuling naiatang sa atin.
Wala ng hihigit pa sa tungkuling
inatang ng Diyos sa atin kapag ito ay ating isinapuso. Hindi siya maaaring ipagpaliban kapalit ng
sinuman o palitan ng sinuman upang ipagpaliban, justified man ito ay hindi
maaaring ipagpaliban dahil utos iyan ng Diyos.
Lagi kong tine- treasure na wala akong ginagawa na hindi galing sa
Diyos. Upang maging magaan ang aking ginagawa ay gagawin ko ito dahil sa pag-
ibig sa Diyos. Kapag ginawa mo ang isang
bagay dahil sa pag- ibig sa Diyos ay gagawin mo ito ng nakangiti, ito ay magaan
sa iyo at isasapuso mo ito. Nais mo na
ang iyong minamahal na iyong pinaglilingkuran na siyang dahilan kung bakit mo
ito ginagawa ng may pag- ibig ay maluwalhati.
Kung hindi bunga ng pag- ibig ang iyong ginagawa ay hindi ka magiging
seryoso kundi shallow ka kaya madali mo lang siyang maipagpalit sa kung kani-
kanino. Bagamat dati ay ginagawa mo iyan
ngunit ngayon ay wala ka ng consciousness dahil may alternative ka na sa buhay.
Para sa akin, sino ba ang mga taong
ito magmula noon hanggang ngayon, sila man ay hukom, piskal, milyonaryo,
bilyonaryo upang bigyan ko ng importansiya ng higit kaysa sa gagawin ko para sa
Panginoon. Wala kayong marinig sa akin
na nagbanggit ako ng mga taong kilala at malapit sa akin upang sabihing
nakasama ko siya sa ganitong lugar, magkasama kaming kumain at pinaglaanan ko
siya ng oras at panahon dahil ang puso at isip ko ay nasa tungkuling naiatang sa
akin ng Diyos. Ang thought ko ay isa
lang palagi na sila ang dapat sumama sa akin, sila ang dapat kong maakay sa lugar
na kung saan ay nandoon ako, sila dapat ang mag- adjust ng pananaw, oras at
panahon patungo sa ginagawa ko, hindi ako ang maaaring mag- adjust para sa
kanila dahil ang Diyos ay hindi nag- aadjust, ang will ng Diyos ay hindi
nagbabago.
Maraming Kristiyano ay ina- adjust
ang will ng Diyos kaya hindi sila nagtatagumpay kundi paikut- ikot lang sila sa
kanilang kalagayan sa harapan ng Diyos.
Dapat ang ating commitment sa
Panginoon at ang standard ng ating paglilingkod sa kanya ay mataas. Yamang nag- desisyon na tayong maglingkod,
magmahal at mag- alay ng buhay sa Diyos kaya dapat ay lubus- lubusin na
natin. Kung maglilingkod rin lang naman
tayo ng kalahati, dapat ay hindi na lang tayo naglingkod.
Nilagyan ako ng Diyos ng kahabagan
sa puso kaya naging maingat akong mag- compromise sa tao at mailayo ako ng tao
sa tungkuling ginagawa ko para sa Diyos at i- postponed ang ginagawa ko para sa
Diyos. Magmula ng maunawaan ko ang
prinsipyo sa Diyos ay nagkaroon ako ng pusong mabuhay para sa Kanya at ayaw ko
nang antayin pang mag- desisyon ako ng mali upang matuto. Ang nasa puso ko ay
ayaw kong masugatan ang puso ng Diyos. Ako
man ay nagkamali ng pasya, bagamat hindi naman talaga kasalanan sa mata ng
Diyos at hindi umapekto sa iba ay grabeng panaghoy at panangis ang nararanasan
ko na para sa akin ay napakalaking kasalanan ang nagawa ko. Ganyan kalalim ang pagpapahalaga ko sa utos
ng Diyos sa akin at pinagagawa niya. Bagamat
alam kong minsan ay maaari namang utusan ang iba, mayroon namang maaaring
magpatuloy ng ginagawa ko upang ang ibang bagay ay magawa ko at mapagbigyan ang mga kilalang tao
at mga taong malalapit sa puso ko ay hindi ko inaalis sa puso ko na iba ako sa
kanila, at ang tungkulin ay wala sa kanila kundi nasa akin. Maaari kong ipasa pansamantala sa iba ngunit
hindi ko maaaring alisin ang katotohanan na ako pa rin ang may responsibilidad,
at iba ang magagawa ko kaysa ipasa ko sa iba na pinagkatiwalaan ko lang kaysa
ako mismo ang gumawa dahil ang puso at isip ko sa bagay na iyan ay mas mataas
at malalim.
Halimbawa, kagaya sa aking maybahay,
tinanong ko “Kailan ang alis niyo papuntang Bicol? Anong oras kayo aalis? Anong
sasakyan niyo?” ibig sabihin, sinisigurado ko kung sila ay nasa mabuting
kalagayan upang kahit wala ako doon ay panatag ang loob ko na tatakbong maayos
ang gawain.
Minsan sinasabi sa akin ng aking
maybahay, “Pa, iutos mo na lang iyan sa iba” at ang tugon ko, “Alam ko namang
mapagkakatiwalaan ko sila at walang magiging problema kung sila ang gagawa
ngunit major things ito kaya hindi ko maaaring ipag- baka sakali lalo na isyu
ng pananalangin, pag- aayuno, taping at plugging sa TV at radio, misyon,
biyahe, kaluluwa, kaya hindi maaaring wala ako doon.”
Kapag nag- uutos ako ay iniisa- isa
ko ang order, nililinaw ko talaga at inuulit- ulit. Iyan naman ang nararapat dahil nais nating i-
please ang Diyos, bagamat alam kong lahat kayo ay nakakaunawa ngunit hindi ko
iyan inuulit- ulit dahil iresponsable kayo, wala kayong naunawaan at hindi kayo
sensitive kundi iyan talaga ang responsibilidad ng leader lalo na apostol na
kagaya ko. I want to see to it that the work is done at its best upang wala
tayong ma- miss lalo na major things. Kaya
minsan naiisip niyo na para kayong mga bata ngunit ang katotohanan, inuulit-
ulit ko dahil napakahalagang bagay iyan, hindi maaaring ipagbaka sakali at
maging confident ako na “Okay na iyan, hindi ko na ire- remind ng paulit- ulit
dahil alam niyo naman na.” Ang isyu ay
hindi trust kundi wisdom that I want to see that the work will be carried out
to the fullest without any mistakes and without any delay. Kaya nga tatay ako
dahil iyan ang nature ng tatay. Kung
hindi ko gagawin iyan ay hindi ako tatay.
Ang nature ng tatay ay paulit- ulit na mag- supervised, mag- remind at
mag- administer. Ang pagkakaiba ko lang
sa ibang tatay ay kung paano magdala ngunit anumang isyu ng pagdadala at
anumang manner ay hindi maaaring i- denie na iyan ang nature ng tatay lalo na
apostol na kagaya ko.
Ang mga liham ni apostol Pablo ay
hindi lang puro revelation kundi instruction.
Sa gitna ng revelation ni Pablo ay instruction. Sa book of Corinthians ay ipinaabot niya ang
patungkol sa pag- aasawa at sa book of Ephesians ay muli niyang ipinaabot ang
patungkol sa pag- aasawa. Sapat ng
sinabi niya iyan sa Corinthians at Ephesians ngunit ipinabot niya muli sa
Colossians. Ibig sabihin, hindi lang
after si Pablo sa revelation kundi kasabay ng revelation ay instruction dahil
ang pag- aasawa ay major issue ng buhay na hindi dapat ipagbaka- sakali, lalo
na ang pinapaabutan minsan ay careless, irresponsible, wala sa spirit at hindi
consistent ang lakad sa Panginoon kaya ang gawain ng Diyos ang magdudusa. Kung tutuusin, dapat ay wala ng paulit- ulit
na instruction upang ang gagawin ng apostol ay mailagay naman sa iba at kahit
paano ay ma- relieved siya ng mga administrative work na iyan, kaya lang walang
option.
Oras na upang maging responsable
tayo at maging mature sa ating ginagawa.
Hindi naman bago sa inyo ang inyong ginagawa dahil matagal niyo ng
ginagawa iyan, at ang ginagawa niyo mismo ang nag- eeducate sa inyo, ang
ginagawa niyo mismo ay siya ding nagiging basehan kung makakapasa kayo o hindi,
nandiyan din ang basehan kung anong gantimpala ang tatanggapin niyo. Ang pagbibigay ng buhay ng husto ay
napakahalaga.
Lahat ng anak nating Pastor at
Pastora ay mahal ang Diyos, mas magagaling pang magsipag- English at magsalita kaysa
sa akin ngunit hindi sila ang ginawang apostol kundi ako, dahil hindi iyon ang
basehan. Mahal nila ang Diyos,
matatalino, devoted, dedicated at commited ngunit hindi iyon ang basehan kundi
ang pagbibigay ng buhay, pagsunod sa utos niya ng ganoon kadali. Mahal nila ang Diyos, matatalino, devoted,
dedicated at confident ngunit hindi iyon ang basehan kundi ang pagsunod ng anak
sa utos ng Ama, ang pagbibigay ng puso at buhay sa tungkuling inatang sa atin,
pagpapaganda sa tungkuling naiatang sa atin at pagtatapos ng trabaho na may
kagandahan.
Minsan, niyaya ako ng aking kaibigan
na lawyer sa kanyang kaarawan na gaganapin sa hotel. Lahat ng panyaya niya ay hindi ko
pinupuntahan kaya ng muli siyang nag- imbita ay talagang nagsusumamo siya at
sinabing “Kahit saglit ka lang, lagi ka namang may gawain, maaari bang i-
postponed mo muna iyan dahil minsan lang naman ito.” Ang tugon ko, “Hindi ko
maaaring i- postponed dahil ang priority ko ay wala sa kaarawan mo kundi nasa
tungkuling inatang ng Diyos sa akin.” Ang
ganyang uri ng buhay ang nakita ng Diyos sa akin na hindi niya nakita sa
maraming mahal siya. Ang aking pagsunod
at pagtatali ng buhay ko sa pinagagawa sa akin ang nakita ng Diyos. Iyan ang dalangin kong manatili rin sa inyo
upang ang inyong commitment ay maging kapaki- pakinabang. Iyan ang pagtibayin niyo sa inyong buhay
dahil lahat ng bagay ay gagawin ng diyablo upang pigilin kayong magpakalalim sa
Diyos at paglilingkod sa Kanya lalo na sa huling yugto ng mundong ito. Bibigyan kayo ng diyablo ng maraming
alternatibo at thought na “Minsan lang naman iyan, maaari mo namang bawiin sa
susunod iyan.” Walang minsan- minsan sa
Diyos dahil ang tungkulin ay tungkulin, ang trabaho ay trabaho, idagdag pa na
naitakda na ng Diyos iyan.
Noong nasa America ako ay masakit
talaga ang pakiramdam ko dahil sa puyat at pagod sa biyahe. Hindi ko
maintindihan ang pakiramdam ko dahil parang sasabog ang katawan ko ngunit ang
sabi ko “Panginoon, hindi ako uuwi sa Pilipinas. Kahit anong mangyari ay
tatapusin ko ang tungkuling inatang mo sa akin sa bansang ito. Kahit anong maganap ay tatapusin ko ang
gawain. Kung ano ang naka- iskedyul sa
ticket ko at kung ano ang imbitasyon ko ay tatapusin ko. Ba- biyahe ako sa states ng America kahit ano
ang pakiramdam ko dahil umaasa ang mga taong nag- imbita sa akin kaya wala
akong ika- kansela kahit isa. Itutuloy
ko ang lahat ng iyan.” Nang sinabi ko sa Panginoon iyan ay agad niya akong
pinagaling. Kahit anong ingat ko ng
aking katawan ay hindi naman ako bakal upang labanan ang iba’t ibang sa klima,
oras at pagkain na kinakaharap ko. Kapag
naipon ko na iyan sa ilang buwan at taon, kahit paano ay may epekto talagang
hindi mabuti sa katawan ko. Ngunit dahil
sa ganoon kataas at kalalim na commitment ko sa Diyos ay lagi niya akong
pinagagaling.
Sabi ng anak kong bunso, “Pa, hindi
kaya nagalit ang kaibigan mong galing sa Texas, USA na pumunta sa Church upang
makausap ka ngunit hindi mo napaunlakan dahil magtuturo ka?” ang tugon ko,
“Jon, wala akong magagawa. Nandoon ang mithiin kong harapin siya kaya lang, may
tungkulin ako sa Diyos kaya hindi ko maaaring ikansela. Kahit matagal na siyang nagpa- abot sa akin
na magka- usap kami ay hindi ko pa rin magagawang bigyan siya ng panahon dahil
may iskedyul ako sa Diyos.”
Hindi ko maaaring sabihin sa Panginoon,
“26 taon na po akong naglilingkod sa iyo, hindi ba maaaring humanap ng
alternative at proxy?” dahil ang paglakad sa Diyos ay walang panahon. Hanggang may tungkulin siyang inatang sa
akin, dapat ay tapusin ko iyan at gampanan.
Hindi natin maaaring i- excuse na matagal na tayo, minsan lang naman
ito, ngayon lang naman ito at naunawaan tayo ng Diyos dahil walang gumawa ng
ganyan sa Bibliya. Pinaiwan nga sa akin
ng Diyos ang lahat ng kamag- anak ko, pagkatapos ngayon na nasa kalagitnaan ako
ng mainit na paglilingkod ay pipiliin ko ang paanyaya ng sinumang tao. Bigyan man ako ng taong ito ng malaking
kayamanan upang mapaunlakan siya ay hindi ko tatanggapin dahil sino ba siya
upang ipagpalit sa aking Diyos na humirang sa akin? Ang mahalaga sa akin ay ang
tungkulin na itinakda ng Diyos na dapat kong trabauhin.
15Be
very careful, then, how you live--not as unwise but as wise, 16making the
most of every opportunity, because the days are evil. 17Therefore do not be foolish,
but understand what the Lord's will is.
Ephesians 5:17
Lahat tayo ay mayroong tinanggap na
tungkulin kaya mahalin natin ito. Ipakita natin sa Panginoon ang pagpapahalaga
natin sa kanya sa pamamagitan ng pagganap ng tungkuling naiatang sa atin ng
walang pasubali, walang pagmamaliw, walang kapabayaan at walang pagbabago. Isapuso natin ang pagliligtas ng
kaluluwa. Unahin natin ang inatang ng
Diyos sa atin kaysa sa sarili nating kapakanan.
Hayaan nating ang Diyos ang magkulay ng buhay natin at magpaganda huwag
ang kung sino. Araw- araw ay luwalhatiin
natin ang Diyos hanggang sa kanyang muling pagbabalik. Tapusin natin ang kalooban ng Diyos. Huwag nating sabihing “I will finish the will
of the Father” but let us say “I must finish the will of the Father and I have finished
the will of the Father.”
Hanggang desidido tayong gawin ang kalooban
ng Diyos ay the more na marami tayong ma- oofend na tao, but we have no choice
for it is better to offend men than to offend God, it is better to obey God
than to obey men.
Sa dami ng ating nagawang
pagkukulang sa Diyos ay lubos pa rin niya tayong kinalulugdan dahil hindi ang
pagkukulang natin sa kanya ang basehan kundi ang pag- aalay natin ng buhay sa
kanya, handa tayong magbago ng magbago upang sumunod ng sumunod.
God Said:
Anak,
lahat ng tinuro mo noon sa Westpoint ay siyang totoong Kristiyanismo kaya
kailangang maibalik ang mga turong iyon.
Kung saan ka nagsimula ay doon ka magtatapos. Ang pagkakaiba lang, ang
pagtatapos ay mas dakila kaysa nasimulan.
Nakilala ang JIOS sa sarili nating
originality, diyan hinangahaan at ipinagmalaki ng JIOS, diyan tayo kinommend ng
Diyos. Handang gawin ng JIOS ang lahat
para sa Diyos, handang iwan ang lahat para sa Diyos, handang batahin ang lahat
para sa Diyos.
Ang mga naunang staff, walang mga
boyfriend at girlfriend ang mga iyon. Sampung
taon bago naligawan at nanligaw ang mga iyon at dumaan pa sila sa butas ng
karayom. Hanggang ngayon, sila ay
naglilingkod. Ngunit ang sabi ko sa
Diyos, “Alam ko na ang mga bagong pasok na staff ngayon ay mas dakila ang
gagawin kaysa sa nauna ngunit dapat lang nilang higitan ang commitment ng nauna.” Grabeng pagsasapuso ng mga nauna sa
paglilingkod sa Diyos dahil para sa kanila ay mawalan na ng asawa, anak,
magulang, kapatid, kamag- anak, kaibigan kung mawawalan, ang importante, ang
kalooban ng Diyos ay magaganap. Magbabago
lang tayo ng edad ngunit ang commitment at pag- ibig sa Diyos ay hindi
nagbabago.
Ang hinihingi ng Diyos sa atin ay
hindi ang ating talino, kakayahan at pinag- aralan kundi desisyong totoo na
ibigay ang buhay natin sa Kanya at unahin siya, ang kanyang pinagagawa sa atin
sa lahat ng bagay.
Noong early ng ministry na ito, si
satanas ay nagmamakaawa, walang puwang ang panggugulo niya. Kahit anong gawin niya ay walang pumapansin
sa kanya dahil grabe ang commitment ng lahat.
Kahit anong gawin niya ay hindi niya kami mapigil dahil walang
nagsasayang ng oras na pansinin siya. Siya
lang ang habol ng habol sa amin ngunit hindi niya kami mahabol sa tindi ng
aming dedication sa Diyos. Walang nagre-
repent noon sa commitment. Kaunting
pagkakamali lang noon ay lumulupasay ang lahat sa iyak kahit hindi naman talaga
kasalanan at ang luha sa mata ay hindi mapugto.
Ang mayroon lamang may karapatang mag-
kansela ng gawain ay ang Diyos. Kapag
siya ay nagtakda ng gawain, may bagyo man o baha ay hindi niya ito ikakansela. Ilang
ulit na tayong nag- anibersaryo noon sa Maya Theatre na bumabagyo at bumabaha
ngunit dahil iyon ang naitakda ng Diyos kaya hindi nakakansela. Nagbabagsakan ang mga poste at puno sa
kalsada ngunit bumibiyahe ako upang maituloy ang anibersaryo. Kahit brown out ay tuloy ang
anibersaryo. Kahit baha ay lumalangoy
kami matuloy lamang ang anibersaryo. Nagbabagsakan
ang yero sa kalsada dahil sa lakas ng hangin dala ng bagyo ay tuloy pa rin ang
prayer meeting sa Westpoint.
Hindi ako nagtataka kung pinasabi ng Diyos sa
inyong lahat na ipaaalala ko sa inyo kung sino ang Apostol at kung ano ang
Apostol upang malaman ng lahat ang katangian ng JIOS.
Ang JIOS ay hindi kayang tinagin ng
asawa, anak, magulang, kapatid, pangangailangan, bagyo, baha, diyablo at
sinumang tao dahil ang puso at isip ay nakatuon sa Diyos, matalino,
pinapahalagahan ang oras at oportunidad at higit sa lahat, ang pinagagawa ng
Ama.
Let us see ourselves tested and
approved unto God, who worked hard for the glory of God, na ang paglilingkod ay
ipinakita sa gawa hindi sa salita at pinaliwanag, sa gawa ng laman, ang
dedikasyon ay ipinakita sa paglilingkod hindi sa salita at ang determinasyon ay
hindi pinakita sa salita kundi sa gawa.
Prayer:
Ama,
ito kami, pamahalaan mo ng totoo. Ipinagpapasalamat
namin sa iyo ang buhay ng iyong lingkod dahil nagbigay siya ng totoo ng kanyang
buhay sa iyo at ginanap ng lubos ang tungkuling inatang mo dahil mayroon siyang
kapasyahan na umayaw, magpahinga at tumakbo ngunit siya ay nag- desisyon na
mabuhay kagaya ng Panginoong Jesus.
Ama,
ibalik mo po ang dating commitment. Isama
mo ang lahat ng mga anak na Pastor at Pastora here and abroad at ang aral na
ito ay iyong ihatid sa lahat. Ibalik mo
ang Church sa tama, totoo, makabuluhan, maka- Diyos at living like Jesus na
Kristiyanismo at paglilingkod. Isang paglilingkod na hindi urong- sulong kundi
puro sulong, desidido, determinado, disiplinado at seryoso. Kapag kami ay
nasubok ay hindi kami magdadalawang isip na ang piliin ay ikaw. Ayaw man namin makasugat ng damdamin ng
sinuman ngunit wala kaming magagawa dahil alam naming hindi aksidente ang lahat
ng bagay. pinapayagan mong masubok kami
upang makita namin ang aming puso at maipaunawa sa amin na “Anak, ito ka na
ngayon, hindi ka na kagaya ng dati” upang bigyan kami ng pagkakataon na bumalik
sa sinimulan mo sa amin at muling patunayan ang pag- ibig namin sa iyo at sa
tungkuling inatang mo sa amin.
Ama,
huwag mo hayaang mabatikan ang iyong sinimulan sa amin, ang determinasyon
ipinakita ng iyong lingkod at ang aming ipinaglaban. Siya ay gawin mong ehemplo
sa lahat. Huwag mo payagang sumuko kami
sa panahon, tao, sitwasyon dahil hindi mo kami pinalaking ganito, hindi ito ang
nature ng JIOS. Noong early years, kahit
wala ang lingkod ng Diyos ay walang umuuwi, nagbabakasyon at umaalis. Kahit pinapa- uwi ng pamilya, lahat ay
nananatili pa rin sa tungkuling iniatang sa kanya. Ibalik mo kami sa ganitong
uri ng commitment. Patuloy mong buksan
ang aming teinga, mata at isip upang makita namin ang nakalipas naming mga
nagawa kung ito ba ay sang- ayon sa iyong ipinagagawa sa amin. Kahit puno ng persecution at may warrant of
arrest, imbis na magtago ay tuloy pa rin ang gawain, magbi- biyahe pa rin at
mangangaral pa rin dahil diyan mo pinalaki ang JIOS. Lord, revive us again. Maraming salamat dahil napagkatiwalaan mo
kami. We will triumph because of you, we
can do all things through you, we must finish the will of the Father and we
have finished the will of the Father.
Father God, thank you for saying to us “JIOS, in you, I Am well
pleased. Amen.