Friday, October 26, 2012

DISCIPLINARY WORDS FOR CHURCH FULLTIME STAFF BY APOSTLE RENATO D. CARILLO



ü  KAPAG KAYO AY NAG- DESISYONG MAGLINGKOD SA DIYOS AY ISA LAMANG ANG INYONG
PATOTOHANAN, KUNG ANO ANG INUTOS SA INYO AY INYONG GAWIN.  WALA KAYONG KARAPATANG MAG DEMAND NG PROMOTION, POSISYON, COMFORT AT NG FINANCIAL ASSISTANCE DAHIL ANG DIYOS ANG BAHALA SA INYO SAPAGKAT SIYA ANG TUMAWAG SA INYO.
ü  ANG LAHAT NG NAGLILINGKOD SA LORD AY DAPAT MAKAUNAWA NA ANG KANILANG
PINUNTAHAN AY MINISTRY NA PUNO NG PAGSASAKRIPISYO, PAGPAPAGAL, PAGLUHA AT PAG- AALAY NG BUHAY AT HIGIT SA LAHAT AY MAKAUNAWANG MAYROON SIYANG KAAWAY NA DIYABLO NA GISING SA BUONG MAGDAMAG.  KAYA MAYROONG PANAHON NA IKAW AY GIGISINGIN NG DIYOS UPANG IKAW AY MAKIDIGMA DAHIL KUNG HINDI AY DIDIGMAIN KA NG DIYABLO AT SIGURADONG IKAW AY TALO.
ü  KAPAG PUMASOK KA SA MINISTRY UPANG MAGLINGKOD AY HINDI MO MAAARING PAIRALIN
RITO ANG IYONG PAKIRAMDAM, OPINION, GALING AT MUKHANG MALASAKIT MO.  ISA LAMANG ANG IYONG KATUNGKULAN, DAHIL IKAW AY UNDER AUTHORITY, IKAW AY KINAKAILANGANG SUMUNOD SA SINASABI NG DIYOS HINDI MO MAN ITO NAIS.  KUNG AYAW MONG SUMUNOD, GET OUT OF THE MINISTRY.  MANANALANGIN NA LAMANG AKONG IKAW AY MALIGTAS AT IKAW AY IPAGKATIWALA SA KAMAY NG DIYOS.
ü  MARAMING NAGSASABI SA AKIN, “KUNG WALANG TATANGGALIN SA MINISTRY UPANG IBIGAY
SA MGA WORKERS AND PASTORS AY SUICIDE IYAN.” ANG AKING TUGON, “WALANG SUICIDE KAPAG NAGLILINGKOD KA NG TOTOO SA DIYOS.  KAHIT HABANG PANAHON AKONG HINDI KUMUHA SA PERA NG MINISTRY UPANG IBIGAY SA MGA WORKER AND PASTORS AY HINDI MAGPAPABAYA ANG DIYOS DAHIL ANG DIYOS NAMAN ANG BUBUHAY SA KANILA HINDI ANG MINISTRY.  ANG DIYOS AY MATUWID.  HINDI PA NIYA TINATAWAG ANG MGA TAONG ITO, SIYA AY PROVIDER NA NG LAHAT.”

No comments:

Post a Comment