Friday, October 26, 2012

YHANG CABRERA-MY CHRISTIANITY CONVERTION


1990- I receive Jesus Christ as my personal Lord and Savior when I was 5 years old.

1996- I receive Apostolic Revival when I was 11 years old.

1997- I was baptized in the water (Water Baptism) when I was 12 years old.

1998- I was baptized in the Holy Spirit (Speaking in Tongues) when I was 13 years old. 

2008-  I voluntarily serve the Lord as a Fulltime Staff of JIOSWM when I was 23 years old.


MY CHRISTIANITY CONVERTION
Taong 1990 naman po ng makakilala ang pamilya ko sa Lord.  May mga nage evangelize po na grupo ng mga Kristiyano.  Kumatok sila sa bahay at pinapasok ni Papa.  Si mama galit na galit kasi pumayag si papa na papasukin yung mga nag-evangelize na iyon.  Sadyang malambot lang po talaga ang puso ni papa pagdating sa word of God.  Lahat ng nagse-share ng word of God anumang relihiyon ay pinapakinggan niya.  5 years old pa lang po ako nang taong iyan.  Masaya po pala kapag ang pamilya ay nasa Lord at ang lahat ng kasapi ng pamilya ay naglilingkod sa Lord.  Kaya lumaki po kaming magkakapatid na disiplinado.

MY APOSTOLIC REVIVAL CONVERTION
Tas 1996 po, nakarating kami sa Revival kasi si Papa, naghahanap rin pala siya ng mas mataas pa pagdalaw ng Lord. Hindi pala siya kuntento sa Church na dinadaluhan namin noon.  may ka-trabaho po siyang taga- Jesus Is Lord na nakadalo sa JIOS.  Sabi niya kay papa na subukan daw ni papa dumalo sa JIOS kasi kakaiba daw yung service.  Simula noon, tuwing morning, sa Take the nation for Jesus kami dumadalo at pagdating ng afternoon, sa JIOS naman kami dadalo sa 814 pa noon.  tas, nagpaalam na po noon si Papa sa Pastor ng fellowship na dinadaluhan namin at ang daming lying na sinabi ng Pastor laban kay tatay, kulto daw si tatay pero di pa rin nila napigilan si papa na umalis.  Makalipas ang ilang panahon, ang fellowship na iyon ay nawala na.  bunga siguro iyon ng paninira nila sa JIOS. 11 years old na po ako niyan.  Grabe po noong early years ng JIOS ministry.  Sobrang taas ng pagdalaw ng Lord. Grabe.  Gustung-gusto naming nag-iisa sa bahay kasi nakakapag-pray kami ng solo.  Kaming magkakapatid, kanya-kanya kaming pray, nagigising kami ng madaling araw para mag pray.  Alam ko po, ibabalik ng Lord ang ganyang uri ng pananabik namin sa Lord.  Anim po kaming magkakapatid.

No comments:

Post a Comment