Saturday, October 27, 2012

TEACHING FOR FULLTIME STAFF BY APOSTLE RENATO D. CARILLO





STAFF MEETING
23 JUNE 2011
TITLE- A LIFE THAT PLEASES GOD

Prayer:
Ama, maraming salamat sa pinagpala, matagumpay, puno ng kapayapaan, sakdal na kalusugan at kagalakang walang sukat paglagyan na iyong ibinigay sa amin.  Maraming salamat sa iyong pagkakahirang sa amin.  maraming salamat sa katotohanan ng iyong mga pangako, propesiya at sa bawat buhay na inalay, isinuko, ipinagkaloob sa iyo.  Maraming salamat sa iyong dakilang katapatan at pag- iingat sa amin.  Maraming salamat sa espiritu ng pananalangin at kagalakan sa pag- aayuno.  Kami ay nananabik na makita ang iyong gagawing pagdalaw sa bawat bayan at bansa upang dalhin ang iyong iglesya sa paghahanda sa nalalapit mong pagbabalik.  Maraming salamat sa pagpapamalas mo ng iyong kaluwalhatian at kapangyarihan.  Maraming salamat sa mga kaluluwang walang sawa mong inaabot at nililigtas.  Ama, napa- kadakila mo.

Preaching:

14for it is light that makes everything visible. This is why it is said:
 
"Wake up, O sleeper,
rise from the dead,
and Christ will shine on you."
 
15Be very careful, then, how you live--not as unwise but as wise, 16making the most of every opportunity, because the days are evil. 17Therefore do not be foolish, but understand what the Lord's will is.
Ephesians 5:14-17

            Maging maingat tayo kung paano tayo mabuhay.  Mabuhay tayo na matalino hindi ng walang naunawaan.  Gumamit tayo ng common sense, i- apply natin ang God- given wisdom.  Isa sa pamumuhay natin ng may karunungan ay ang pagpapahalaga sa oras at sa bawat oportunidad na ibinigay sa atin ng Diyos.  Ang ibig sabihin ng “The days are evil” ay malapit na ang reign ng anti- Christ.  Bago mangyari iyan ay  mauuna munang bumaba ang Panginoong Jesus.  Samantalahin natin ang oras at oportunidad na binigay sa atin ng Diyos sapagkat ang Panginoong Jesus ay bababa na. 

Maging maingat tayo sa ating pamumuhay. Ibig sabihin, maging kagaya tayo ng Panginoong Jesus, mabuhay tayo ng tama, kaaya- aya, ehemplo, kalugud- lugod sa Diyos at mabuhay tayo na ang ating pananampalataya ay humahamon sa lahat, kagaya ng buhay ng Panginoong Jesus na nag- iiwan ng malakas na impact sa lahat ng nakakasalamuha at nakakaniig niya kaya naging pagpapala siya sa lahat.  Ang oras at oportunidad na binigay ng Diyos sa atin ay dapat mayroong pinatutunguhan, hindi nasasayang, hindi nababalewala, hindi nauubos sa wala, na bawat pintig ng orasan, dapat ang lahat ng ito ay mayroong kaaya- ayang bunga, mayroong pinatutunguhan at mayroong destinasyon.  Ang destinasyon na iyon ay ang pinagagawa ng Diyos sa atin.  Hindi lamang ito nauubos sa mga bagay na walang kabuluhan, walang halaga at mga bagay na patungkol sa ating sariling kaligayahan. Dapat lahat ng oras at oportunidad na binigay ng Diyos sa atin ay may kapalit na kaganapan ng kalooban ng Diyos, may kapalit na pagtatapos ng tungkuling naiatang sa atin, may kapalit na kaaya- ayang pangyayari at may kapalit na bagay na lumuluwalhati sa Kanya. Iyan dapat ang maging buhay natin.

            Hindi tayo dapat nabubuhay ng mangmang.  Dapat sa bawat oras na binibigay ng Diyos sa atin, ito ay ating inuunawa na napakahalaga nito upang magamit sa kaganapan ng kanyang kalooban.  Lalung- lalo na sa panahong ito na alam na alam nating maraming nangangailangan ng kaligtasan at kalayaan, ang takbo ng mundo ay abnormal na at walang tiyak na patutunguhan at alam din nating ang panahong nalalabi sa atin ay maiksi na, na anumang oras at araw, ang Panginoong Jesus ay bababa na.  Kaya dapat ang mga panahong iyan ay nabibigyan natin ng pagpapahalaga kagaya ng pagpapahalaga sa isang kayamanan na ayaw nating mawala, masayang at ayaw nating mapunta sa wala. Isang dahilan iyan kung bakit sinasabi ng Bibliya na mabuhay tayo sa pananalangin at huwag tumigil sa pananalangin.

12Be joyful in hope, patient in affliction, faithful in prayer.
Romans 12:12

17pray continually;
1 Thessalonians 5:17

18And pray in the Spirit on all occasions with all kinds of prayers and requests. With this in mind, be alert and always keep on praying for all the saints.
19Pray also for me, that whenever I open my mouth, words may be given me so that I will fearlessly make known the mystery of the gospel, 20for which I am an ambassador in chains. Pray that I may declare it fearlessly, as I should.
Ephesians 6:18-20

            Gamitin natin ang oportunidad na ibinigay sa atin ng Diyos kagaya ng pag- aayuno, pag- eevangelize, pagce- cell group, pagbibigay ng brochure, mapaganda ang mga tungkuling naiatang sa atin at maging ehemplo sa pagta- trabaho, isang trabaho na beyond reproach.  Kinakailangan na sa ginagawa nating tungkulin para sa Diyos ay hindi lamang ito da- best kundi very best.  Lumabas na ang talagang ginagawa natin ay excellent na kapag nakita ng iba ay hindi lang sila hahanga at magagalak kundi hindi ka mahihiyang ipagmalaki.  Ang trabaho mo ay talagang trabaho na hindi paulit- ulit kaya walang nasasayang na pera ng Diyos, hindi mo lamang ito natatapos sa takdang panahon kundi ang mga gastos na dapat ilagay dito na siya talagang nararapat na gastusin ay hindi natin naubos.  Ibig sabihin, mayroon pang naiwan, iyan ang gawang kaaya- aya, natapos sa panahon at hindi nakagasta ng malaki, kasama ang karunungan sa ating ginagawa, sa pagpapahalaga sa oras at panahon.  Upang iyan ay maganap, ito ay nangangailangan ng 100% na commitment sa Diyos, sa pagganap ng kalooban ng Diyos at tungkuling naiatang sa atin.

            Kapag sinabing commitment, ang ating puso at isip ay nakalagay doon, ang ating puso at isip ay isinama natin sa tungkulin, hindi nagwa- wonder ang ating puso at isip, idagdag pa na ang ginagawa natin ay talaga namang mula sa Diyos, utos ng Diyos, para sa Diyos at dapat na maluwalhati ang Diyos.  Na ang mga bagay na ito ay nagpapa- abot na hindi lang tayo naging professional sa ating ginagawa, hindi lang tayo naging commited sa ating ginagawa kundi tayo ay nagma- mature sa ating ginagawa.  Dahil matagal na nating ginagawa ang tungkuling ginagawa natin ay nagkakaroon tayo ng bagong idea, nagiging creative tayo, ang dating hindi natin alam ay nalalaman natin, ang dating ginagawa nating maganda ay lalo pa nating napapaganda, ang dati nating ginagawang nasa oras ay napapaiksi pa natin, lalo nagiging excellent, productive, fruitful at commendable. Ibig sabihin niyan, tayo ay nagma- mature sa ating ginagawa.  Halimbawa, ang dati nating ginagawa ay ginagawa natin ng dalawang oras, dahil tayo ay nagmature na, ang ginagawa natin ay ginagawa na lang natin ng isang oras at mas maganda pa ang kinalabasan kaysa noong ginagawa natin ito ng dalawang oras.  Tayo ay nag- mature dahil palagi na nating ginagawa,  nagkaron na tayo ng maraming insight at idea sa ating ginagawa, nagkaroon na tayo ng self- learning at natuto tayo personally. Ang ginagawa natin ay hindi lang natin ginagawa kundi nagiging daan upang mag- aral pa tayo at ang naituro sa atin ay ating ginagawa.  Either ang tungkulin natin ay pagkanta, pagtugtog, pananalangin, pag- aayuno, pagfa- follow up, audio- video, TV- radio, print media, pag- aayos ng pera, pag- aasist kay tatay, pagda- drive, pagluluto, paglilinis, ano mang tungkulin na naiatang sa atin ay talagang nag- mature na tayo.  Hindi siya palaging the same as usual, hindi umuusad at hindi nadagdagan.

            Dahil matagal na nating ginagawa ang ating tungkulin ay nagma- mature na tayo. Doon mismo sa ating ginagawa ay tinuturuan tayo nitong mag- mature, matuto, ma- develop.  Habang ginagawa natin ito, tayo ay natututo at lumalawak ang ating pananaw.  Kapag naging ganito tayo ay mapapabilis ang pagganap natin sa kalooban ng Diyos at hindi lang mapapabilis kundi marami tayong maaabot at magagawa.

            Ang salitang “I will” ay dapat mapalitan ng “I must.”  We must be an “I must” people.”  ibig sabihin, “Hindi ko lang ito gagawin kundi kailangang magawa ko ito.  Hindi ko lang ito tatapusin kundi kailangang tapusin ko ito.  Hindi lang ako maglilingkod kundi kailangang maglingkod ako ng totoo.  Hindi lang ako kakanta kundi kailangang kumanta ako ng maganda.  Hindi lang ako dapat mag- drive kundi magda- drive ako ng buong puso, hindi lang ako mananalangin kundi kailangang manalangin ako ng buong pag- iisip.”

4As long as it is day, we must do the work of him who sent me. Night is coming, when no one can work. 5While I am in the world, I am the light of the world."
John 9:4-5

            Kapag bumaba na ang Panginoong Jesus, ang mga taong dapat nating abutin ay hindi na natin maaabot at ang mga dapat nating gawin ay hindi na natin magagawa.  So, we must do His work habang may panahon pa.  Ibig sabihin, kahit anong mangyari, dapat ay maganap siya, kapag may humarang na mga bagay ay hindi tayo naaakay nito.  Ang puso at isip natin ay nailagay natin sa tungkuling naiatang sa atin.  Hindi natin pinapayagang mayroong nag- iinsert ng ibang bagay upang ang ginagawa natin sa Panginoon na naka- schedule at naitoka sa atin ay mabalewala kapalit ng bagay na ito.

            Nang nagsisimula ako sa ministry ay iniwan ko ang aking negosyo kahit maraming pangangailangan sa pamilya. Dahil alam kong may tungkulin ako sa Panginoon, kahit nauusig ako ng pamilya ko ay inuuna ko pa rin ang kalooban ng Diyos ng kanyang pinagagawa sa akin. May mga kaibigan ako noon na inaya akong mamasyal dahil hindi nila alam na ito ang aking kalagayan ngunit wala na akong panahon sa kanila.  Ang puso at isip ko ay nakatuon sa pagliligtas ng kaluluwa at pagtuturo sa mga kongregasyon.  Bagong dating man sila galing abroad ay hindi nila ako naakay sa nais nilang mangyari dahil may tungkulin akong dapat gawin. Hindi ko tine- take lightly ang nakaatang sa akin at kahit gaano kaganda ang ino- offer sa akin ng mga kaibigan ko ay opinion lang iyon para sa akin.  Hindi ako maaaring mag- side step ng thought ko kapalit ng inaalok nila sa akin.  Hindi na mahalaga kung sampung taon kami bago nagkita o bago pa lang.  Ang importante ay commited ako sa tungkuling naiatang sa akin.  Hindi na mahalaga kung naunawaan nila ako o hindi, ang mahalaga ay mayroon akong tungkulin na dapat tapusin sa Diyos.  Hindi ako papayag na makansela ang tungkuling iyon at palitan iyon ng ibang bagay.

            Minsan, ang kaibigan kong seaman for 20 years ay binisita ako sa ating church.  Nais niya akong kausapin ng mahaba ngunit wala akong option kundi iwanan siya dahil tatayo ako upang magturo.  Nang ako ay bumaba ng pulpito ay wala na siya.  Hindi ko alam kung nag- tampo siya sa akin o nakaunawa siya.  Anuman ang reaksiyon niya sa ginawa kong pag- iwan sa kanya dahil may tungkulin akong magturo ay wala akong magagawa dahil hindi ko maaaring iwanan ang tungkulin ko sa Diyos.  Wala pa sila ay nauna na ang Diyos sa akin kaya hindi ko maaaring ipagpalit ang Diyos sa sinuman.
            Noong early years ko sa ministry, ang sabi ko sa aking maybahay, “Mahal na mahal kita ngunit hindi ko maaaring ipagpalit ang kalooban ng Diyos na pinagagawa sa akin sa mga nais mong mangyari.  Hindi ko maaaring piliin ang mga panukala mo sa buhay dahil mayroong layunin ang Diyos sa akin na dapat tapusin.  Mayroon siyang pinagagawa sa akin na dapat ay sumama ka roon.”  Hanggang ngayon ay paninindigan ko iyon dahil hindi ako maaaring maglingkod sa dalawang Panginoon.  Kung tao ang pipiliin ko ay mao- offend ko ang Diyos.  Hindi baleng sila ang ma- offend, huwag lang ang Diyos.

            Dahil tayo ay hinirang ng Diyos ay mas mahalaga sa atin ang sinumpaan natin sa Diyos kaysa sa sinumang tao, kaibigan, pamilya at kamag- anak.  Wala akong alam na tungkulin na pinabayaan ko at tungkuling binago dahil sa sinumang tao.  Kapag ginawa ko iyan, para sa akin ay pinagtaksilan ko ang Diyos.  Ganyan ang nangyari sa maraming Kristiyano kaya hindi nila namalayan na ang kanilang backsliding ay dumating na. 

            Kung haharapin ko ang mga kaibigan ko ay hindi naman ako nagkakasala kundi ang ibig sabihin, wala akong dahilan upang gawin iyon dahil ang mahalaga sa akin ay hindi ko mapighati ang Diyos dahil may trabaho akong dapat tapusin.

            Dahil kayo ay mahal na mahal ng inyong mga magulang, kapag tinatawagan nila kayo na umuwi at mag- bakasyon dahil malaki ang attachment nila sa inyo ay wala akong against, kaya lang, minsan ay hindi niyo sila maaaring mapagbigyan dahil nataon na marami kayong tungkulin sa Diyos na dapat gawin, at higit niyong pinahahalagahan at minamahal ang Diyos kaysa sa sinumang tao.    Bagamat hindi naman magagalit ang Diyos sa atin kung pauunlakan natin ang ating mga pamilya ngunit ayaw rin naman nating bigyan ng kalungkutan ang Diyos dahil hindi tayo maaaring mabuhay sa ganoong bagay sapagkat iyan ang simula ng pagbaba ng ating commitment.  Once na nagawa natin iyan kahit minsan ay hindi natin maaaring sabihin na “Hindi ko na ito uulitin.”

            Mayrong kamelyo at arabyano. Ang arabyano ay namahinga sa disyerto.  Kinagabihan ay lumamig ang panahon.  Nang natulog na ang arabyano, maya- maya ay ginugulo na siya ng kamelyo at sinabing, “Maginaw sa labas, maaari bang maipasok ang aking ilong at nguso upang kahit paano ay mainitan ako dahil kinabukasan ay ba- biyahe pa tayo.”  Pumayag ang arabyano.  Maya- maya ay ginugulo na naman siya ng kamelyo at sinabing, “Maaari bang ipasok na ang kalahati ng aking leeg dahil malamig sa labas upang kahit paano ay mainitan ako dahil sasakyan mo pa ako bukas.”  Pumayag ang arabyano.  Maya- maya ay ay ginulo na naman siya ng kamelyo at sinabing, “Sobra na ang lamig sa labas, maaari bang ipasok ko ang kalahating bahagi ng aking katawan upang kahit paano ay mainitan ako ng lubos dahil baka mag- collapse ako bukas sa biyahe natin.”  Pumayag ang arabyano.  Napansin na lang ng arabyano na siya na ang nasa labas at ang kamelyo na ang nasa loob ng tent.

            Lahat ng backsliding ay nagsisimula sa maliit.  Maliit na compromise kapalit ng Diyos.  Isa na natutuhan ko sa Diyos ay huwag pabayaan ang maliit na tungkulin.  Kahit maliit na tungkulin sa Diyos ay hindi ko kayang ipagpalit sa tao.  Lalo na kung ang tungkuling naiatang sa akin ay nakatakda. Kahit may kapalit na pera iyan ay hindi ko Siya maaaring ipagpalit.

            Dapat ang ating first love sa paglilingkod ay hindi natin hinahayaang mawala at maging second love na lang. Dapat tayo ang mga taong hindi kayang pigilin ng sinuman dahil hindi naman natin hangad na i- please ang sinuman.

            Ang ating chairman sa intercessor ngayo ay nagta- trabaho noon sa SM.  Kahit pagod iyan ay dumadalo pa rin siya sa overnight prayer meeting.  Hanggang ngayon ay dala- dala niya ang commitment na iyan kaya ang ating prayer ay hindi bumababa kundi pataas ng pataas.  Iniwan nga siya ng kanyang asawa dahil sa matindi niyang commitment sa Diyos.  Ang ating radical commitment sa Diyos ay talagang may kapalit ngunit may dakilang gantimpala.

            Tayo ay dinadaan ng Diyos sa maraming pagsubok upang hanapin ang katapatan natin.  Either dalaga ka o binata ka, may asawa ka o wala, may anak ka o wala ay hindi tayo dapat magbago sa Diyos.  Oras, panahon, edad, kulay at anyo lang ang nagbabago sa atin ngunit tayo ay hindi.

            Ang isa nating intercessor, kahit siya ay tumalikod sa paglilingkod sa Diyos ay nag- desisyon pa rin siyang bumalik sa Diyos.  Iniwan niya ang kanyang naging asawa na naging persecutor niya at siya ay bumalik ngayon sa paglilingkod.  Ngayon ay muli siyang lumigaya ng lubos.  Nagkamali man siya noong nakalipas ay muli siyang nag- desisyon ng tama na lumakad sa liwanag ng paglilingkod sa Diyos.

            Maraming naglilingkod sa Diyos ngayon na hindi pa nakaka- usad sa paglilingkod sa Diyos, ang inaatupag na ay pakikipag- relasyon.  Hindi naman masamang magmahal dahil ang Diyos ang nagbigay ng kakayahan na magmahal tayo.  Ang lagi ko lang ipinapaunawa ay may panahon para sa pakikipag- relasyon. Dapat matalino tayo lalo na sa panahong nag- desisyon tayong mag- lingkod sa Diyos. Hayaan muna nating makarating tayo sa tugatog ng paglilingkod at mapantunaya ang katapatan sa paglilingkod.

            Nang masumpungan kong naglilingkod ang isa nating staff na si Ptra. Dulce ay kabataan pa siya.  Bago siya nag- asawa ay mahabang panahon muna ang pinatunayan niya sa Diyos at ang Diyos naman ang nagbigay ng mapapangasawa niya.

            Hindi iyong wala ka pang nagagawa sa Diyos ay abala ka na kaagad sa pakikipag- relasyon.  Dapat ay pinayagan niyo munang madala kayo ng Diyos sa inyong mga tawag, mapakinabangan niya muna kayo ng malalim, ng lubos at ganap.  Kapag nagawa Niya iyan, Siya rin mismo ang gagawa ng paraan upang mabigyang- katuparan ang mithiin ng puso mo patungkol sa pag- aasawa.

            Mayroon tayong staff na matagal na panahong sigaw ng sigaw sa radio at nag- eedit para sa programa ng Oras ng Himala.  Dumating ang panahon na Diyos na rin ang nagtakda na makapag- asawa siya.

            Hindi masamang magmahal, magpaligaw at manligaw ngunit dapat ay may pinatunayan muna tayo sa Diyos.  Dapat ay hinatak muna na ng panahon ang buhay natin dahil kapag nais ng Diyos na gamitin ka mightily ay hindi na niya magagawa dahil alam ng Panginoon na mahal mo siya ngunit ang iyong puso ay hati na.  Hindi mo naman sinasabing hindi ka na maglilingkod dahil nandoon pa rin ang puso mo ngunit hindi mo maiiwasan ang kaguluhan ng puso at isip.  Kapag may ka- relasyon ka ay lagi ng may magte- text sa iyo at tatawag kaya hindi ka na makakapag- concentrate.

            Ang sabi ko nga sa aking anak na bunso, “Mag- asawa ka na, tutal lalaki ka naman at nasa edad ka na upang magkaroon tayo ng apostle Renato Carillo III.”  Ngunit ang sagot niya sa akin, “Pa, wala pa po sa puso ko iyan.  Mayroon pa akong dapat tapusin sa Diyos.”

            Dapat ay prayoridad muna natin ang tungkuling inatang ng Diyos sa atin.  Iyan ang balance.  Hindi masamang magmahal at mag- asawa ngunit kinakailangan muna nating ipakita sa Diyos ang ating pagpapahalaga sa tawag niya, mayroon muna tayong dapat patunayan, hayaan muna natin na makapaglingkod tayo ng walang sagabal at abala.  Kung mayroon man kayong ka- engaged ay dapat mag- usap kayo na hanggang diyan lang muna iyan dahil kapag dumating ang panahon na itinakda ng Diyos ay wala ring makakapigil niyan at sa altar din ang tuloy niyo.  Iyan ang Christian principle.

            Ang isa nating intercessor, wala naman siyang balak mag- asawa ngunit hindi rin napigilan dahil kalooban ng Diyos sa kanya si Ptr. Dong.  Hanggang ngayon ay commited pa rin sila sa Diyos.

            Maaaring marami tayong kakulangan, hindi tayo marunong mag- English at marami tayong kahinaan ngunit hindi iyan ang hinahanap ng Diyos sa atin kundi commitment.  Wala namang naglingkod sa kanya na perpekto.  Noong maglingkod ako sa Diyos ay marami akong imperfection.  Noong una akong tumayo ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko basta salita lang ako ng salita, bahala ka na sa buhay mo kung napapagpala ka sa sinasabi ko o nasasaktan ka.  Wala akong pakealam kung ayaw mo ng sinasabi ko o gusto mo dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.  Hindi ako perpekto ng magsimula akong mangaral. Walang direksiyon ang sinasabi ko ngunit nakita ng Diyos ang puso ko na may mithiing sumunod kaya ngayon, inayos ng Diyos ang lahat ng pagkukulang ko.

            Kung mayroon akong ipagpapasalamat sa Diyos ngayon, una sa lahat ay dahil nagbigay ako ng buhay sa Kanya. Kahit tinawag ako ng Diyos, kung hindi naman ako sumuko ng Diyos sa totoo ay hindi niya rin ako magagamit ng lubos.  Kahit wala akong kaalaman at karunungan ngunit dahil binigay ko ng totoo ang aking buhay sa Diyos ay nagawa niya ako. Iyan ang dapat nating ipagpasalamat sa Diyos, hindi iyong natamo nating worldwide ministry, may TV at radio na, grabe na ang glory ng Diyos sa kanyang lingkod, ngunit ang dahilan dapat ay ipagpasalamat natin na “Panginoon, salamat po dahil ang iyong lingkod ay nagbigay ng buhay sa Iyo.  Hindi siya umatras sa tawag niya” dahil may will tayo. Hindi ibig sabihin na hinirang niya tayo ay okay na kundi dapat sumang- ayon tayo dahil may will tayo.

            Ang sabi ni Pablo, “Araw- araw ay namamatay ako” ibig sabihin, ang kanyang sariling desisyon ay kanyang isinasantabi.  Ang pagbibigay ng buhay ay minsanan lang na kapag nag- clast ang will natin at will ng Diyos, ang pinipili natin ay ang nais Niya. Na kapag nag- clast ang feeling ng Diyos at feeling natin, ang pinipili natin ay ang nais Niya. Na kapag nag- clast ang plano ng Diyos at plano natin, ang pinipili natin ay ang plano Niya.

            Kung hindi ako nagbigay ng buhay sa Diyos o ang pagbibigay ko ng buhay sa kanya ay 50% lang ay hindi Niya ako magagawa.  Maraming naglilingkod sa Diyos ngayon ngunit hindi Niya magamit mightily.  Kaya nga ng iniwan ni Pedro, Juan, Santiago, Pablo, Mateo ang kanilang propesyon ay hindi naman sila inawat ni Jesus dahil bahagi iyan ng pagsusuko ng buhay.  Sa gitna nga ng persecution ay nais nilang magbalak lumayo ngunit kinausap sila ni Jesus ng puso sa puso.

            Ang isa nating intercessor noon na kinuha na ng Panginoon ay nag- ayuno ng 40 days.  Mahal niya ang Diyos ngunit may mithiin siyang tumakas sa kanyang tawag.  Sinabi sa akin ng Diyos na ituro ko ang pag- ibig sa Diyos. Ibinigay niya sa akin ang scripture patungkol sa mga alagad na tumakbo.  Kinagabihan ay tinuruan ko sila at sinabing, “Iniwanan na nga ng mga alagad ang Panginoon, pati ba tayo ay iiwanan Siya?  Tayo ang mga hinirang niyang alagad ngayon, tutulad ba tayo sa mga nauna sa atin? Hindi ba minahal natin ang Diyos, bakit hindi natin siya mahalin habang panahon? Ano ang ikinakatakot natin sa buhay? Kung pinatunayan niya na sa atin ang kanyang pag- ibig at ang pangako niya ay pinapatotohanan na niya sa atin araw- araw, bakit aalis pa tayo sa kanya?” Nang marinig ng intercessor natin iyan ay na- convict siya kaya iyak siya ng iyak, at siya ay muling sumuko sa Panginoon.  Kaya ang kanyang pag- uwi sa langit ay remarkable dahil pagkatapos niyang mag- ayuno ay kinuha na siya ng Diyos.

            Si Jonas ay pinapapunta ng Diyos sa Ninive ngunit sa Tarsis siya nagpunta kaya nagdusa siya.  Hindi maaaring ang opinion ng Diyos ay palitan ng opinion ng sinuman dahil pagdurusa at bigat ng kalooban ang dulot sa atin niyon lalo na alam natin ang istorya ni Jonas.  Maraming Jonas sa panahon natin ngayon na mahal ang Diyos ngunit bigat ang nararamdaman nila dahil alam nilang mali ang kanilang ginagawa.  Si Jonas ay may will. 

            Ako ay hinirang at pinili ng Diyos, binigyan ako ng mandate ngunit kinakailangan kong sumuko sa Diyos, kinakailangang ang will ko ay i- surrender ko sa kanya araw at gabi, kinakailangang lakaran ko ang pagkakahirang ko, dapat ay hindi ako pumayag sa nais ng aking pamilya, kamag- anak at mga kaibigan ko na palitan ang nais ng Diyos sa buhay ko, at ang will ng sinuman ang gawin ko imbis na gawin ang will niya na nagpahalaga sa akin.

            Kung hindi nagbigay ng buhay si Pablo ng totoo sa Diyos ay hindi naligtas ang mga hentil at hindi nakarinig ng ebanghelyo ang mga emperador at hari.  Tayo ay na- qualified maglingkod dahil nagbigay tayo ng buhay sa Diyos. Dapat ang ipagpasalamat natin sa Diyos ay ang biyaya Niya na tayo ay nag- desisyon na anuman ang mangyari ay maglilingkod tayo sa Kanya, hindi aayaw at hindi titigil.

            Nakita niyo ang desisyon kong paglingkuran ang Diyos.  Hindi ako ang mangangaral na basta makapagturo lang, na kahit meeting lang iyan ay talagang binibigay ko ang aking puso.  Kapag nagsulat ako ay hindi lang basta makasulat lang kundi iniisa- isa ko talaga ang revelation.  Sabihin man nila na perfectionist ako ay wala namang masama dahil kung gagawa ka rin lang naman ng isang bagay kagaya ng arts and design sa stage at website, dapat ay pinakada- best.  Sayang lang naman na gagawa ka ng isang bagay ngunit 90% lang ang ganda, pagkatapos late pa ng ipasa mo. Hindi makapasa ang marami sa Panginoon dahil kapag tinanong mo ang marami kung bakit hindi nila natapos ay kung sinu- sino ang sinisisi nila at kung anu- ano ang ikinakatwiran kahit alam nilang hindi tinatanggap ng Diyos ang mga paliwanag na iyan dahil hindi siya naluluwalhati.  Ang hindi pagsunod ang pumipigil sa katuparan ng kalooban ng Diyos.  Ang kabagalan sa pagsunod ang harang upang hindi umusad ang kaharian ng Diyos.

            Sa totoo lang, mas masipag pa ang diyablo kaysa sa maraming Kristiyano.  Mas maganda pang mag- trabaho ang diyablo kaysa sa maraming Kristiyano.  Kapag nag- trabaho ang diyablo ay talagang sisiguruhin niya na kapag pinatay ka niya ay talagang patay ka talaga. Kapag nag- plano siya ay talagang plano talaga, hindi siya papayag na hindi matuloy.  Mas epektibo pang mag- plano ang diyablo dahil siya ay hindi nagbaback- out sa kanyang masamang tungkulin.  Walang maaaring magbago ng isip niya at walang maaaring pumigil sa nais niyang gawin.  Iyan ang diyablo, ganyan siya ka- sama.  Ang mga pinossess niyang mga rakista ay hindi lang kumakanta ng basta lang kundi talagang binigyan sila ng diyablo performance ability kaya kapag humatak sila ng mga taong itatapon sa impiyerno lalo na kabataan ay hindi mabilang.  Kapag nagbalak ang diyablo na magwasak ng buhay ay talagang determinado siyang gawin ito.  Hindi nagta- trabaho ang diyablo ng lawsy dahil naka- organize ang ginagawa niya.

            Dapat higitan natin ang diyablo dahil ng nabubuhay pa si Jesus sa lupa ay mas hinigitan niya ang diyablo sa determinasyon at walang makakatalo kay Jesus pagdating sa determinasyon.  Dumating si Jesus sa mundo para gawin ang kalooban ng Ama hindi para sa ibang tao, ibang bagay at pangangailangan. 

            Ang ama ng una nating secretary noon ay nais akong patayin dahil ilang ulit niya akong pinakiusapan na kumbinsihin ang anak niya na tumigil sa ginagawa niyang paglilingkod sa Diyos.  Pinadalhan niya ako ng maraming pastor at inalok niya ako ng pera upang kumbinsihin ang anak niya na umuwi sa kanila ngunit nanindigan ako.  Ilang ulit niya akong pinakitaan ng maraming threat hanggang gumamit siya ng lakas upang ako ay saktan ngunit hindi pa rin ako nagbago ng desisyon.  Ang sabi ko sa kanya, “Hindi ko po magagawa na pauwiin ang anak ninyo kahit nais ko dahil wala akong karapatang gawin iyon sapagkat hindi ako ang tumawag sa inyong anak.  Kung sasabihin ko sa kanya na huwag mahalin ang Diyos ay nagtaksil ako sa Diyos.  Kung sasabihin ko sa kanya na maglingkod sa Diyos ng pakunti- kunti at higit na piliin ang tao kaysa sa Diyos ay mas lalong hindi ko iyong magagawa. Nais ko po kayong pagbigyan dahil maganda ang sinasabi niyo ngunit hindi ko magagawa sapagkat malaking kasalanan sa Diyos.  Ang pinaka- mabuti niyan, kayong dalawa ang mag- usap.  Siya ay tinawag ng Diyos at nag- desisyon siya para sa Diyos kaya siya ang kausapin niyo huwag ako.  Kung ano ang desisyon niya ay igagalang ko.  Kung nais niyang umuwi sa inyo ay walang problema sa akin at kung manindigan siya sa Diyos ay mas lalong wala akong problema.”  Lagi kong ipinapanalangin sa Diyos na kung ano ang pinandigan ko noon ay mapanindigan ko pa rin ngayon, walang magbago.
            Noong early years natin sa ministry ay napakaraming nag- fulltime kaya maraming magulang ang nagpupunta sa akin at pinapipirma ako na kung ano ang mangyari sa kanilang mga anak ay ako ang mananagot.  Pinirmahan ko ang lahat ng iyon.

            Mayroon nga tayong fulltime noon na binato ng ama niya ng upuan dahil talagang pinipigil siyang mag- lingkod ngunit ayaw niya.  Sa mata ng marami, ang paglilingkod natin ay extreme ngunit iyan talaga ang paglilingkod na dine- describe ng Bible.

37"Anyone who loves his father or mother more than me is not worthy of me; anyone who loves his son or daughter more than me is not worthy of me; 38and anyone who does not take his cross and follow me is not worthy of me. 39Whoever finds his life will lose it, and whoever loses his life for my sake will find it.
40"He who receives you receives me, and he who receives me receives the one who sent me.
Matthew 10:37-40

            Iba ang alagad sa attendee.  Kapag tayo ay nag- fulltime, tanda iyan na nag- alay tayo sa Diyos ng buhay bilang mga alagad. Dahil ang Diyos ang pinaglingkuran natin, dapat ay binibigay natin ang ating pinakada- best sa paglilingkod.  Nang ako ay naglingkod sa Diyos, hindi ako pumapayag na utusan pa ako ng sinuman bago maglingkod dahil nais ko na kusa kong gagawin ang aking tungkulin.  Bago ako naging tagapagturo ay dumaan muna ako sa mga dinaanan niyo na mag- ayos at magpunas ng upuan.  Hindi na ako inuutusan ng Pastor kundi kusa kong ginagawa iyon.  Hindi na rin ako sinasabihan pa na dumalo ng prayer meeting dahil kusa akong pumupunta.  Ang lungkot ko pa nga minsan ay una pa akong dumarating kaysa sa Pastor at minsan ang Pastor ay absent, ako ay present.  Kusa akong nagsasabit ng banner invitation.  Kung ano ang responsibilidad ko ay hindi ko lang inaako kundi pinagaganda ko pa.  Hindi ko interes na pansinin ako ng Pastor at ng sino pa kundi nais ko na ang Diyos ay maluwalhati sa aking ginagawa.  Dahil nakikita nila ang ginagawa ko, hindi maiwasan na maipagmalaki nila ako.

1I commend to you our sister Phoebe, a servant of the church in Cenchrea. 2I ask you to receive her in the Lord in a way worthy of the saints and to give her any help she may need from you, for she has been a great help to many people, including me.
 
3Greet Priscilla and Aquila, my fellow workers in Christ Jesus. 4They risked their lives for me. Not only I but all the churches of the Gentiles are grateful to them.
5Greet also the church that meets at their house.
Greet my dear friend Epenetus, who was the first convert to Christ in the province of Asia.
6Greet Mary, who worked very hard for you.
7Greet Andronicus and Junias, my relatives who have been in prison with me. They are outstanding among the apostles, and they were in Christ before I was.
8Greet Ampliatus, whom I love in the Lord.
9Greet Urbanus, our fellow worker in Christ, and my dear friend Stachys.
10Greet Apelles, tested and approved in Christ.
Greet those who belong to the household of Aristobulus.
11Greet Herodion, my relative.
Greet those in the household of Narcissus who are in the Lord.
12Greet Tryphena and Tryphosa, those women who work hard in the Lord.
Greet my dear friend Persis, another woman who has worked very hard in the Lord.
13Greet Rufus, chosen in the Lord, and his mother, who has been a mother to me, too.
14Greet Asyncritus, Phlegon, Hermes, Patrobas, Hermas and the brothers with them.
15Greet Philologus, Julia, Nereus and his sister, and Olympas and all the saints with them.
Romans 16:1-15

            Lahat ng pinarangalan ni Pablo ay mga tao na ang buhay ay kaaya- aya dahil ang kanilang performance at paglilingkod ay beyond question.  Marami namang naglilingkod ngunit kakaunti ang binanggit na pangalan dahil ang kanilang ginawa ay excellent, ang kanilang commitment ay beyond question.  Kagaya sa School, sa 365 school days ay nabuo nila iyon.  Hindi kagaya ng iba na ngayong linggo ay present sila ngunit sa susunod na linggo ay absent.  Hindi ka talaga maipagmamalaki ng Diyos kapag ganyan ang iyong commitment. Napakaraming iglesya na itinayo si Pablo ngunit ang pangalang binanggit niya upang maipagmalaki ay piling- pili at iilan lang.  Ibig sabihin, ang mga taong ito ay mayroong excellent performance, ang trabaho ay talagang maipagmamalaki.  Hindi magawa ni Pablo na maipagmalaki ang iba niyang mga anak sa pananampalataya dahil hindi presentable ang mga trabaho, na basta may magawa lang sila.  Walang naging Valedictorian sa school malibang consistent siya sa kanyang ginagawa.  Kapag naipagmalaki tayo ng mga apostol ay galing sa Diyos iyan.  Ibig sabihin, ang ating commitment at dedication ay beyond question at kamanghamangha, ang ating pananampalataya at paglilingkod ay talagang angat sa marami at hindi ordinaryo.  Bagamat lahat ay naglilingkod ngunit ang ating performance, commitment at dedication ay mataas, at ang ating paglakad sa Diyos ay hindi umaatras kundi tuluy- tuloy.  Hindi iyong noong nagsisimula ka pa lang maglingkod sa Diyos ay kagaanan ka ng lahat ngunit ng tumagal ka na ay sakit ka na ng ulo.  Nagsisimula ka pa lang o tumatagal na, dapat ay kagaaanan ka ng lahat, na kapag may mainit ang ulo, kapag nakita ka ay lumalamig ang ulo niya.

            Hindi naman natin kinakailangang umedad ng 45 o 50.  Kahit mga kabataan pa lang kayo, basta isinapuso niyo ang paglilingkod at tungkulin niyo ng totoo ay pagpapala kayo.  Hindi iyong basta ka lang maka- kanta, maka- tugtog at makapag- ligtas ng kaluluwa.  We have to please God.  Kailangang ang mga trabaho natin ay excellent.

            Nakita nga ng isang Congressman ang suot kong barong noong nakatanggap ako ng award bilang huwarang ama sa spiritual leadership at sinabi niyang, “Ang ganda ng barong mo.”  Sa isip- isip ko, ang mapapurihan ay hindi dapat ako kundi ang nag- disenyo at tumahi nito dahil kung bakit ito lumabas na maganda ay dahil mayroong  nag- dedicate ng sarili upang gawing maganda.”

            May nagsabi sa akin na napaka- ganda ng ating website.  Sa isip- isip ko, “Dapat maparangalan ang nag- napakahirap upang mapaganda ang website.”

            May nagsabi sa akin, “Kahit anong oras kami tumawag ay talagang may response kaagad.”

            Dapat hanggang ngayon, ang ating commitment at dedication upang lumabas ang excellent work na ipinagmamalaki ng marami ay dala natin hanggang ngayon.

            Ang ipinagmamalaki ni Jesus ay ang mga nahirang niya na marunong umako ng responsibilidad at hindi na kailangang utusan.  Hindi lang tayo dapat gumagawa kundi nagma- matured tayo sa ating ginagawa.  Hindi naman tayo hinahanapan ng Panginoon ng isang tungkulin na hindi natin kaya kundi ibig lang naman Niya na ibigay natin ang ating puso at isip sa ating ginagawa, lalo na ngayong ang oras na naiiwan sa atin ay maiksi na.

            Ang isang kabigatan ko ngayon ay hindi ang pera kundi ang oras natin na nauubos na ngunit marami pa tayong dapat gawin. Kung biglang bababa ang Panginoon, ang marami nating dapat gawin ay hindi na natin magagawa dahil tapos na ang panahon at diyan tayo magiging accountable.  Ang Panginoon ay hindi tumawag ng maraming alagad kundi piling- pili at ang mga piling- piling ito ang siyang bumaliktad ng buong mundo, karunungan ng Diyos iyan dahil kung tatawag siya ng maraming alagad na hindi naman flexible ang buhay, hindi ganoo ka- dedicated ang buhay sa ginagawa, hindi ehemplo ang buhay ay mai- stress lang ang Diyos nito.  Kung palagi niyang tatawagin ang mga alagad at sasabihing, “Pedro, nasaan na ang tubig ko? Andres, nasaan na ang aking libro at Bible? James, nasaan na ang camera, magte- taping na ako? Ano ba ang ginagawa niyo? Nandito na ang mga Pariseo, inaantay na nila ako, Kailangan ko kayo, nasaan na ba kayo?” stress si Jesus.  Upang hindi ma- stress si Jesus ay labindalawang alagad muna ang kanyang pinili.  Sa labindalawang alagad nga lang, minsan ay nai- stress na si Jesus, how much more kung dalawang libo pa ang pinili niya? Baka wala ng magawa si Jesus kundi puro pagalit sa espiritu na ang pinagkaka- abalahan niya.  Kaya nga laging dini- disciple ni Jesus ang mga alagad upang hindi siya ma- stress.

            Magagalak ba si Pablo kay Timoteo kung ang pinapaturo niya ay death to self ngunit iba ang tinuro ni Timoteo? Hindi.  Magagalak ba si Pablo kay Timoteo kung si Timoteo ay hindi naging ehemplo sa kabanalan, katwiran at pagpipigil sa sarili.  Si Timoteo ay isang kabataan na hindi exempted sa temptation ng pera, pakikipag- relasyon, maagang pag- aasawa at layaw ng katawan, and yet, nakitaan pa rin siya ng magandang ehemplo at naging pagpapala sa kanyang tatay sa espiritu.  Maipagmamalaki ba niya si Timoteo kung ng hinahanap niya ito ay wala dahil nakipag- date at minsang nadalaw niya ng biglaan sa prayer meeting ay tulog.  Ine- skedyul niya na isasama sa India si Timoteo ngunit bigla itong nagsabi na “Tatay Apostol, hindi po ako makakasama sa inyo sa India dahil dumating ang girlfriend ko na matagal ko ng hindi nakikita.  Sa susunod niyo na lang po na biyahe ako sasama.  Sa tingin niyo ba ay ipagmamalaki ni Pablo si Timoteo kung lagi niyang binibigo si Pablo? Hindi.  Pagud na pagod si Pablo sa kakaturo at nais niyang makapagpahinga sa sasakyan ngunit hindi niya magawa dahil ng nagpatakbo si Timoteo ng sasakyan ay parang lumilipad sa ere at ang bagung- bagong sasakyan na wala pang isang buwan ay nasira kaagad.  Maipagmamalaki ba siya ni Pablo? Hindi.

            Magagalak ba si Jesus kung pag- uwi niya ng bahay ay excited siyang mapanood ang pagpapagaling niya sa mga ketongin ngunit biglang dumating si Santiago at nagsabing, “Hindi ko po nakuha ang eksena na nagpapagaling kayo ng ketongin dahil nakalimutan kong dalhin ang camera.”  Magagalak ba si Apostol Pablo kung sinabi niya sa labindalawang agad na mag- ayuno silang lahat ng tatlong araw, and then, maya- maya ay nakita niya ang mga alagad na kalahating araw pa lang ay kumakain na sa sulok ng biko at pansit, nagtatago at nakitaan pa niya ng saging sa bulsa.  Magagalak ba si Pablo kung pinayuhan niya si Timoteo na huwag munang manliligaw dahil bata pa siya at wala pang nararating sa paglilingkod ngunit makalipas ang ilang buwan ay nakita niya ng may ka- holding hands si Timoteo.

16"What are we going to do with these men?" they asked. "Everybody living in Jerusalem knows they have done an outstanding miracle, and we cannot deny it.
Acts 4:16

            Lahat ng iglesya na tinayo ni Pablo ay grateful kay Priscilla at Aquila.  Ang mga taong ipinagmamalaki ni Pablo ay hindi pinasakit ang ulo niya kahit minsan.  Kung ang mga taong ito ay magnanakaw ng pera, may sariling bank account at sinabihan ang mga kapatiran na sa kanya ihulog ang mga offering, at ng may natanggap na sobre na hindi naman para sa kanila kundi para kay Pablo ay kanilang ibinulsa at ibinili ay ipagmamalaki ba ni Pablo ang mga ito? Hindi.

            Hindi ang laki o liit ng ating ginagawa kundi kung paano natin ito ginagawa, paano natin ito tina- trabaho at kung paano natin ito isinasapamuhay.  Dapat hindi lang tayo honest sa paggamit ng oras, opportunity, sa ginagawa natin sa Diyos at tungkuling naiatang sa atin kundi tinatapos natin ito ng nasa oras at talagang excellent.  Hindi lang natin ginagawa ang tungkulin upang i- impress ang lingkod ng Diyos kundi honest tayo sa pera na hindi atin.  Sentimo man iyan, dapat ay honest tayo.  Ang hindi atin ay hindi talaga sa atin.  Kung ikaw ay nagsasayang ng kuryente, tubig, aircon ay ipagmamalaki ka ba ni Pablo? Hindi dahil hindi ka mabuting katiwala, wala kang malasakit sa kapakanan ng Diyos at pera ng Diyos.  Kung ikaw ay nagkakalat at nakikipag- away ay maipagmamalaki ka ba ni Pablo? Hindi dahil hindi ka ehemplo.

            Si Maria ay hindi lang nangaral na muling nabuhay si Jesus kundi talagang isinapuso niya ito, hindi lang basta makapangaral ng kalahating oras, hindi lang basta may masabi kundi talagang pinag- aralan niya, pinaganda ang pagtuturo, hindi easy- go- lucky na pagtuturo ay talagang maipagmamalaki siya ni Jesus.

            Kung ikaw ay Presidente ng kumpanya at nagbigay sa iyong secretary ng mga paperworks na kailangan niyang ipasa sa iyo bago matapos ang buwan na ito, at naisapasa niya sa iyo ng makalipas dalawang linggo at ng binasa mo ay excellent at perfect, tiyak na magagalak ka dahil wala pang isang buwan ay naipasa niya na agad sa iyo ng walang mali.  Your secretary work hard just to please you.

            Ngayon, ayaw na ng Church mag- work hard, ang nais niya ay maglaro, mag- easy- go- lucky sa pamumuhay at mag- reklamo na “Bakit palagi na lang ako ang nauutusan? Bakit palagi na lang ako ang nagta- trabaho ng marami? Bakit ako na lang palagi ang napupuna at napapansin?” Dapat nga magalak ka pa dahil ibig sabihin ay nagtitiwala sila sa iyo dahil nakita na you are a very working hard staff.

            Pinagmamalaki ni Pablo ang mga kamag- anak niya na kasama niya sa kulungan at pumayag na makulong dahil kay Kristo, pumayag na magdusa kagaya niya dahil kay Kristo, ang kanyang pagpapakasakit, determinasyon, commitment at dedication ay sinabayan nila.  Kung nagmo- move si Pablo mightily at ang mga ito ay hindi sumasabay, hindi sila ipagmamalaki ni Pablo.  Naglingkod nga sila ng 15 years ngunit ng sumapit ang 16 years ay umatras na, ipagmamalaki ba sila ni Pablo? Hindi.

            Dapat ang buhay natin ay tested and approved sa Panginoon.  Kapag may nagsalita laban sa iyo ay sasabihin ng Panginoon, “Hindi ako naniniwala sa inyo dahil kilala ko ang aking anak, alam ko kung ano ang buhay niya, alam ko ang paglilingkod niya.”  Dapat ganyan tayo, ang Diyos mismo ang nagde- depensa sa atin, kahit anong sabihin ng sinuman ay hindi nila makumbinsi ang Diyos dahil kilala na tayo ng Diyos, tested and approved ang buhay niya sa atin.  Ang kinakansela natin ay ang paanyaya ng tao at mundo hindi ang kalooban ng Diyos at gagawing tungkulin para sa kanya.  Ang mga kasinungalingan laban sa atin ay hindi pinapansin ng Diyos dahil ang naaalala niya ay ang ginagawa natin para sa kanya, kilala niya ang ating buhay at commitment para sa kanya.

            For 26 years ay nakilala ako ng Diyos na tapat sa pakikinig ng tinig niya at lagi niya akong nasusumpungan na nagsusulat hanggang madaling araw.  Hindi ka maaaring maging approved sa Diyos malibang tested ka. Ang naa- approved ng Diyos ay ang mga dumating sa testing at training patungo ng throne at treasure ng Diyos. 

Maipagmamalaki ba ni Pablo si Apeles kung may sarili itong revelation, kung ang nais nito ay puro evangelism ngunit ang nais ni Pablo ay manalangin.

Libo ang anak ni Pablo sa pananampalataya ngunit iilan- ilan lang ang ipinagmamalaki niya dahil ang kanilang commitment, dedication at desire ay hindi kayang tawaran.

Ang mga taga- Macedonia na mahihirap ay ipinagmamalaki ni Pablo sa mga taga- Corinto na mayayaman.  Hinigitan pa ng taga- Macedonia ang pagbibigay ng mga mayayamang taga- Corinto. 

Ang Church ngayon ay basta makapaglingkod lang, at okay lang kung magkaroon sila ng record na immorality, late sa gawain, financial dishonesty, running away ministry, at least ay nakapaglingkod sila.

Ang mga binabati ni Pablo ay hindi nabubuhay sa pakiramdam kundi seryoso sa kanilang ginagawa.  Hindi ito natukso ng diyablo. Bago naging approved ang mga alagad ay tinest muna sila ng Diyos at ng sila ay nakapasa, saka sila naging approved.

If we will not work hard in the Lord ay wala tayong magagawa, mararating at matatapos sa Diyos. If we will not work hard ay talo pa tayo ng mga unbeliever na nagsiyaman sa kanilang profession, field, work, business for they work hard. Ang mga presidente na tamad ay hindi uusad ang administrasyon.  Dapat lahat ng presidente pababa sa mga nasa posisyon sa government must work hard.  Ang mga spiritual director sa Church pababa sa five- fold ministry dapat ay nagwo- work hard, they must labor in everything.

Kapag ako ay nanalangin ay nagle- labor talaga ako. Iniisa- isa ko ang mga pangalan ninyong lahat, mula sa mga Pastor pababa sa inyong mga staff.  Maaari ko namang sabihin sa Diyos na “Ama, ang dami ng mga pangalan na ito, i- lay hands ko na lang po ang mga pangalan nilang lahat.”  Ngunit hindi ko sinasabi dahil trabaho ng tamad iyan.  Sa totoo lang, talo ko pa ang presidente ng kumpanya sa kasipagan.  Tiyak, kung ako ay negosyante ay bilyonaryo na ako ngayon dahil marunong akong magpahalaga sa oras.  Kung darating ako sa opisina ko ng alas- singko ng hapon ay wala na akong magagawa dahil sa dami ng babayaran, pipirmahan, ie- email, tatawagan, itetext, kakausapin at haharapin. 

            Hindi niyo kinakailangang maging spiritual director kundi as a Christian, to work hard ay buhay ng lahat because we do many things for the glory of God.

            Dahil kayo ay mga staff, dapat ang mapangasawa niyo ay mga working hard Christian, na ang lahat ng ginagawa niya ay fruitful.

            Maraming Pastor na pinabayaan ang mga kawan, pito na nga lang ang kawan niya pinabayaan pa niya kaya makalipas ang ilang buwan ay patay na ang gawain.  Umaasa sila ng malaking ani dahil may nag- propesiya na anihan ngayon ngunit hindi sila bibigyan ng Diyos dahil mga batugan sila malibang sila ay magsisi.  Hindi ka bibigyan ng Diyos ng pitumpung kongregasyon kung ang pitong ipinagkatiwala sa iyo ay hindi mo naasikaso.

            Bago kayo maging mga pastor at pastora ay idadaan muna kayo sa iba’t ibang posisyon kagaya ng paglilinis ng C.R., pagluluto, pamamalengke, pagtuturo sa mga bata upang ma- test kayo ng Diyos, tine- train niya kayo, tinitingnan niya ang inyong commitment, kung may spirit of servanthood kayo at kapag nakita Niya na qualified kayo at nakapasa kayo sa maliit na tungkuling inatang sa inyo ay saka kayo ilalagay sa posisyon at pagkakatiwalaan, dahil nasubok niya na kayo sa simula.  Walang nailagay sa posisyon ng hindi dumaan sa training.  Bago ako naging apostol ay dumaan muna ako sa maraming pagsubok dahil kasama iyan sa proseso ng training ng Diyos.

            Ang Church ngayon ay sanay magsayang ng oras.  Kapag nakatapos na siya ng isa ay maligaya na siya kaya sasayangin niya na ang oras niya sa mga walang kabuluhang bagay.  Hindi naman tayo kailangang utusan ng Diyos dahil sa dami ng tungkuling dapat nating gawin.  Kung nagkukusa lang sana ang Church ay hindi na mag- uutos ng mag- uutos ang Diyos.

            Kapag natapos ko na ang tungkulin ko ay ine- evaluate ko ang natapos ko at ang puso at isip ko ay inilalagay ko naman sa susunod kong dapat gawin.  kahit ako at ang aking maybahay ay lumalabas ay nasa trabaho pa rin ang isip ko kaya minsan nasasabi sa akin ng aking maybahay “Pa, nakikinig ka ba sa akin?” ang tugon ko, “Opo” ngunit ang totoo, ang isip ko ay nasa mga gagawin ko wala sa paligid ko at ginagawa ko ng oras na iyan.  Hindi naman actually kasalanan iyon ngunit hindi ko magawang hindi isipin ang mga mahahalagang tungkulin na dapat kong gawin dahil tungkulin ko sa Diyos iyon.  Hindi dahil sa ayaw ng Diyos na magpahinga tayo o ma- over work tayo kundi nakakaunawa tayo na dapat nating seryosohin ang ating tungkulin upang lumabas na maganda.

            Kapag nakita ng Panginoon na talagang pinaganda natin ang ating trabaho ay siya na ang magkukusang bigyan tayo ng pahinga.  kakausapin ako ng Diyos na dalhin kayo sa isang magandang resort o hotel upang makapag- bakasyon kayo.  kung ang kumpanya nga ay nagbibigay ng vacation leave sa mga empleyado nila ay higit ang Diyos sa kanila.  may panahon ng pagga- gantimpala ang Diyos.  ang iba, hindi pa nga nasusubok, hindi pa nga nakikita ang pagpapagal ay nais niya ng mag- bakasyon, promotion, pabor at posisyon. 

            Anumang field of responsibility ang naiatang sa atin, dapat ay trina- trabaho natin ng maayos at maganda.  Dapat isang salita lang ng lingkod ng Diyos ay sumusunod na tayo at ang pinagagawa niya ay pine- presenta natin ng maayos, hindi iyong paulit- ulit niyang pinapaalala sa atin ang trabaho natin dahil napakatagal bago sumakamay niya.  hindi naman nagsasawa ang lingkod ng Diyos na magturo ngunit kahit anong turo niya na hindi mo naman isinasapuso ay wala pa ring mangyayari.  Mayroon namang perpekto sa pagsunod ngunit hindi naman ibinibigay ang pinakada- best.

            Alam ng mga anak ni Pablo kung ano ang may sense at walang sense kay Pablo. Ganyan naman talaga ang katotohanan sa ministry maging sa secular. Alam ng mga empleyado ang ayaw at nais ng kanilang mga boss, ang magpapalungkot at magpapaligaya sa Presidente. Dapat sa Church ay higit na ganyan.

            Dapat ang mga naglilingkod ay kinikilala ang mga pinaglilingkuran nila upang hindi maubos ang panahon ng amo sa kakaulit ng mga bagay- bagay na dapat gawin ng naglilingkod sa kanya. Ang mga naglilingkod ay hindi lang dapat ine- evaluate ang mga pinagagawa ng amo niya kundi nagwo- work very hard upang maibigay ang pinakada- best sa amo niya.
           
            Ang mga taong nagwo- work hard sa panahon ni Pablo ay hindi nagta- trabaho upang ma- impress nila si Pablo kundi talagang naglingkod lang sila ng seryoso at isinapuso nila ang tungkuling inatang sa kanila. Sabihin nating they are a professional Christian.  Kung mayroong unprofessional employee sa secular ay mayroon ding unprofessional worker sa Church.  Ang mga unprofessional Christian ay alam nila ang kahalagahan ng oras at panahon, nakakaunawa ng responsibility at pagpapala.

            Minsan, tinatanong ko ang aking maybahay kung kumusta ang isang staff, ang tugon niya “Pagpapala siya sa marami kaya nakikiusap ako na huwag mo muna siyang gawing Pastor/ Pastora dahil malaking kawalan siya sa atin.” Ibig sabihin, ang paglilingkod ng staff na iyon ay tested and approved.  Kapag tinatanong ko ang ibang staff, ang tugon naman ng aking maybahay “Hay naku Pa, ilipat mo na iyan sa iba o kaya pauwiin mo na dahil walang ginawa kundi magpasakit ng ulo.”  Ibig sabihin, ang staff na iyan ay hindi tested and approved. Offensive word ang sinasabi ng aking maybahay ngunit mas mabuti ng magsabi ng totoo.  Kapag naririnig niyo na sakit kayo ng ulo, hindi ibig sabihin na iyan ay criticism at judgmentalism laban sa inyo kundi iyan ay reality.  Alangan naman ang sabihin ng aking maybahay “Napakasipag ng staff na iyan” ngunit ang totoo ay sobrang batugan pala.  Kung totoong batugan ka ay maaaring sabihin ng aking maybahay upang hindi ka ma- offend na “Okay naman ang staff na iyan kaya lang hindi pa siya epektibo ngayon, kailangan pa siyang hubugin.”

            Ang mga pinili ni Jesus na mga alagad ay salang- sala. Sila ang mga taong talagang handang gawin ang lahat para sa Diyos at handang iwan ang lahat para sa Diyos.

            Marami tayong anak na Pastor na hindi ko maisama sa mga biyahe ko dahil ang mga naisasama ko ay ang mga nakitaan ko lang ng excellent work at kagaanan hindi iyong may maisama lang ako.  Kung magsasama ako ng mga taong lumilipad ang isip, hindi marunong mag- face out ng sarili na kahit pagod ay kayang pumayapa, kahit puyat ay nakangiti pa rin, kahit busy ay nakakagawa ng paraan upang makapanalangin, hindi absent minded kundi kayang akuin ang tungkulin.

            Lagi akong puyat at pagod ngunit nagagawa ko pa rin ang tungkulin ko dahil isinapuso at isinaisip ko.  Diyos na rin naman ang magsasabi na magpahinga ka na kung talagang tagtag ka na sa trabaho at siya rin mismo ang magbibigay ng probisyon dahil marunong siyang mag- gantimpala.

            Ang namumuhay sa karunungan ay marunong magpahalaga ng oras.  Para tayong mga batang naisilang at sa paglipas ng panahon ay nag- matured.  Noon ay kinakarga tayo, ngayon ay lumalakad na tayo mag- isa.  Ibig sabihin ay nag- matured na tayo at hinubog na tayo ng panahon kaya dapat ang area ng responsibility natin ay hindi lang natin ginagawa kundi master na natin upang kapag mayroong papasok ay maging pagpapala tayo sa kanila dahil ang mga kaalaman natin bunga ng mga karanasan ay mai- invest natin sa kanila, kaya magpapasalamat sila sa Panginoon dahil tayo ay naging ehemplo sa kanila at tayo ay nagpakatapat sa inyong ginagawa para sa Diyos.  Dapat ay nanganganak kayo ng nanganganak.

            Minsan ay pinipilit kong unawain ang sinasabi ng iba na “Bata pa kasi iyan kaya hindi pa matured.”  Sa isang banda ay mayroong katotohanan ngunit ang talagang naunawaan ko, kahit bata ka pa kung isinapuso at isinaisip mo ang iyong tungkulin, nabuhay ka sa panalangin at sa salita ng Diyos ay magma- matured ka.

            Si Jose at Daniel ay bata pa ngunit nagamit ng Diyos mightily dahil isinapuso at ipinamuhay nila ang salita ng Diyos.  Naging hari si Daniel sa murang edad dahil nakita ng Diyos na siya ay mapagkakatiwalaan.  Nakita ito ng Diyos ng siya ay nag- aalaga pa ng mga tupa, pinamahalaan niya ng may kaayusan ang ipinagkatiwala sa kanya. Nakita ng Diyos na tapat siya sa tungkulin sa pagiging hari ng mga tupa kaya ginawa siyang Hari ng Israel.  Paano ka mamamahala ng maraming Israelita kung hindi ka marunong mag- alaga ng tupa?  Ang pag- aalaga ng tupa ay parang pag- aalaga ng tao.  May negosyo kami noong kambingan at tupa.  Kapag sinusuwag na ng kambing ang tupa ay agad na naming hinihiwalay upang hindi makapanakit. Nang ako ay naging spiritual director ay ganyan din ang ginagawa ko sa mga kongregasyon at ngayon ay sa Church.

            Kung hindi ka naging successful sa ministry ay hindi ka rin magiging successful sa secular. Kung hindi ka naging mabuting katiwala sa tungkuling naiatang sa iyo sa secular ay ganyan ka din sa ministry.  Kung ano ang training at character mo sa secular, kung paano ka nagmahal sa tungkuling inatang sa iyo ay ganyan mo rin mamahalin ang tungkuling inatang sa iyo sa ministry.

            Kahit nasa secular ako noon ay mahal ko ang aking ginagawa. Isinapuso ko ang pag- aalaga sa mga tupa at pagbabantay sa mga kambing na magugulo.  Bago ako matulog ay binibilang ko pa sila isa- isa. Alam ko kung sino ang mga toro. Hanggang ngayon ay dala- dala ko iyan, binibilang ko ang mga Pastor natin at pinagpe- pray ko isa- isa ang mga fulltime.  Kinakabisado ko kung ilan lahat ng pastor at fulltime.  Inaalam ko kung sino ang mga hindi sumusunod at sumusunod.

            Kung dati ng maganda ang ating ginagawa ay mas lalo pa nating pinapaganda hanggang sa makarating tayo sa climax ng service and we maintain it.  Hindi tayo nakukuntento sa ginagawa natin lalo na alam nating mayroon pa itong igaganda.  Kung ang secular world nga ay nag- a- upgrade ng lahat ng standard nila at hina- high tech nila ang lahat ng kanilang sistema, dapat ay higit ang ginagawa ng Church.  Kung alam nating may igaganda pa ang ginagawa natin ay ating ginagawa at titigil lang tayo sa pagpapaganda kapag narating na natin ang pinaka- climax ng hangganan ng pagpapaganda kaya ime- maintain na lang natin.  Lahat tayo ay nag- aadjust diyan, nagma- mature tayo sa ating ginagawa, sa ating hina- handle, sa ating nararanasan at ang mga past mistakes ay nagagamit natin upang mag- mature sa pangkasalukuyan at maging sa hinaharap nating paglilingkod, sa pagde- deal ng sitwasyon, tao at lahat ng bagay maging ang tukso at abala na ilalagay ng diyablo sa harap natin ay haharapin natin ng may karunungan upang hindi natin napapabayaan ang tungkuling naiatang sa atin.

            Wala ng hihigit pa sa tungkuling inatang ng Diyos sa atin kapag ito ay ating isinapuso.  Hindi siya maaaring ipagpaliban kapalit ng sinuman o palitan ng sinuman upang ipagpaliban, justified man ito ay hindi maaaring ipagpaliban dahil utos iyan ng Diyos.  Lagi kong tine- treasure na wala akong ginagawa na hindi galing sa Diyos. Upang maging magaan ang aking ginagawa ay gagawin ko ito dahil sa pag- ibig sa Diyos.  Kapag ginawa mo ang isang bagay dahil sa pag- ibig sa Diyos ay gagawin mo ito ng nakangiti, ito ay magaan sa iyo at isasapuso mo ito.  Nais mo na ang iyong minamahal na iyong pinaglilingkuran na siyang dahilan kung bakit mo ito ginagawa ng may pag- ibig ay maluwalhati.  Kung hindi bunga ng pag- ibig ang iyong ginagawa ay hindi ka magiging seryoso kundi shallow ka kaya madali mo lang siyang maipagpalit sa kung kani- kanino.  Bagamat dati ay ginagawa mo iyan ngunit ngayon ay wala ka ng consciousness dahil may alternative ka na sa buhay.

            Para sa akin, sino ba ang mga taong ito magmula noon hanggang ngayon, sila man ay hukom, piskal, milyonaryo, bilyonaryo upang bigyan ko ng importansiya ng higit kaysa sa gagawin ko para sa Panginoon.  Wala kayong marinig sa akin na nagbanggit ako ng mga taong kilala at malapit sa akin upang sabihing nakasama ko siya sa ganitong lugar, magkasama kaming kumain at pinaglaanan ko siya ng oras at panahon dahil ang puso at isip ko ay nasa tungkuling naiatang sa akin ng Diyos.  Ang thought ko ay isa lang palagi na sila ang dapat sumama sa akin, sila ang dapat kong maakay sa lugar na kung saan ay nandoon ako, sila dapat ang mag- adjust ng pananaw, oras at panahon patungo sa ginagawa ko, hindi ako ang maaaring mag- adjust para sa kanila dahil ang Diyos ay hindi nag- aadjust, ang will ng Diyos ay hindi nagbabago.

            Maraming Kristiyano ay ina- adjust ang will ng Diyos kaya hindi sila nagtatagumpay kundi paikut- ikot lang sila sa kanilang kalagayan sa harapan ng Diyos.

            Dapat ang ating commitment sa Panginoon at ang standard ng ating paglilingkod sa kanya ay mataas.  Yamang nag- desisyon na tayong maglingkod, magmahal at mag- alay ng buhay sa Diyos kaya dapat ay lubus- lubusin na natin.  Kung maglilingkod rin lang naman tayo ng kalahati, dapat ay hindi na lang tayo naglingkod.

            Nilagyan ako ng Diyos ng kahabagan sa puso kaya naging maingat akong mag- compromise sa tao at mailayo ako ng tao sa tungkuling ginagawa ko para sa Diyos at i- postponed ang ginagawa ko para sa Diyos.  Magmula ng maunawaan ko ang prinsipyo sa Diyos ay nagkaroon ako ng pusong mabuhay para sa Kanya at ayaw ko nang antayin pang mag- desisyon ako ng mali upang matuto. Ang nasa puso ko ay ayaw kong masugatan ang puso ng Diyos.  Ako man ay nagkamali ng pasya, bagamat hindi naman talaga kasalanan sa mata ng Diyos at hindi umapekto sa iba ay grabeng panaghoy at panangis ang nararanasan ko na para sa akin ay napakalaking kasalanan ang nagawa ko.  Ganyan kalalim ang pagpapahalaga ko sa utos ng Diyos sa akin at pinagagawa niya.  Bagamat alam kong minsan ay maaari namang utusan ang iba, mayroon namang maaaring magpatuloy ng ginagawa ko upang ang ibang bagay ay  magawa ko at mapagbigyan ang mga kilalang tao at mga taong malalapit sa puso ko ay hindi ko inaalis sa puso ko na iba ako sa kanila, at ang tungkulin ay wala sa kanila kundi nasa akin.  Maaari kong ipasa pansamantala sa iba ngunit hindi ko maaaring alisin ang katotohanan na ako pa rin ang may responsibilidad, at iba ang magagawa ko kaysa ipasa ko sa iba na pinagkatiwalaan ko lang kaysa ako mismo ang gumawa dahil ang puso at isip ko sa bagay na iyan ay mas mataas at malalim.

            Halimbawa, kagaya sa aking maybahay, tinanong ko “Kailan ang alis niyo papuntang Bicol? Anong oras kayo aalis? Anong sasakyan niyo?” ibig sabihin, sinisigurado ko kung sila ay nasa mabuting kalagayan upang kahit wala ako doon ay panatag ang loob ko na tatakbong maayos ang gawain.

            Minsan sinasabi sa akin ng aking maybahay, “Pa, iutos mo na lang iyan sa iba” at ang tugon ko, “Alam ko namang mapagkakatiwalaan ko sila at walang magiging problema kung sila ang gagawa ngunit major things ito kaya hindi ko maaaring ipag- baka sakali lalo na isyu ng pananalangin, pag- aayuno, taping at plugging sa TV at radio, misyon, biyahe, kaluluwa, kaya hindi maaaring wala ako doon.”

            Kapag nag- uutos ako ay iniisa- isa ko ang order, nililinaw ko talaga at inuulit- ulit.  Iyan naman ang nararapat dahil nais nating i- please ang Diyos, bagamat alam kong lahat kayo ay nakakaunawa ngunit hindi ko iyan inuulit- ulit dahil iresponsable kayo, wala kayong naunawaan at hindi kayo sensitive kundi iyan talaga ang responsibilidad ng leader lalo na apostol na kagaya ko. I want to see to it that the work is done at its best upang wala tayong ma- miss lalo na major things.  Kaya minsan naiisip niyo na para kayong mga bata ngunit ang katotohanan, inuulit- ulit ko dahil napakahalagang bagay iyan, hindi maaaring ipagbaka sakali at maging confident ako na “Okay na iyan, hindi ko na ire- remind ng paulit- ulit dahil alam niyo naman na.”  Ang isyu ay hindi trust kundi wisdom that I want to see that the work will be carried out to the fullest without any mistakes and without any delay. Kaya nga tatay ako dahil iyan ang nature ng tatay.  Kung hindi ko gagawin iyan ay hindi ako tatay.  Ang nature ng tatay ay paulit- ulit na mag- supervised, mag- remind at mag- administer.  Ang pagkakaiba ko lang sa ibang tatay ay kung paano magdala ngunit anumang isyu ng pagdadala at anumang manner ay hindi maaaring i- denie na iyan ang nature ng tatay lalo na apostol na kagaya ko.

            Ang mga liham ni apostol Pablo ay hindi lang puro revelation kundi instruction.  Sa gitna ng revelation ni Pablo ay instruction.  Sa book of Corinthians ay ipinaabot niya ang patungkol sa pag- aasawa at sa book of Ephesians ay muli niyang ipinaabot ang patungkol sa pag- aasawa.  Sapat ng sinabi niya iyan sa Corinthians at Ephesians ngunit ipinabot niya muli sa Colossians.  Ibig sabihin, hindi lang after si Pablo sa revelation kundi kasabay ng revelation ay instruction dahil ang pag- aasawa ay major issue ng buhay na hindi dapat ipagbaka- sakali, lalo na ang pinapaabutan minsan ay careless, irresponsible, wala sa spirit at hindi consistent ang lakad sa Panginoon kaya ang gawain ng Diyos ang magdudusa.  Kung tutuusin, dapat ay wala ng paulit- ulit na instruction upang ang gagawin ng apostol ay mailagay naman sa iba at kahit paano ay ma- relieved siya ng mga administrative work na iyan, kaya lang walang option.

            Oras na upang maging responsable tayo at maging mature sa ating ginagawa.  Hindi naman bago sa inyo ang inyong ginagawa dahil matagal niyo ng ginagawa iyan, at ang ginagawa niyo mismo ang nag- eeducate sa inyo, ang ginagawa niyo mismo ay siya ding nagiging basehan kung makakapasa kayo o hindi, nandiyan din ang basehan kung anong gantimpala ang tatanggapin niyo.  Ang pagbibigay ng buhay ng husto ay napakahalaga.

            Lahat ng anak nating Pastor at Pastora ay mahal ang Diyos, mas magagaling pang magsipag- English at magsalita kaysa sa akin ngunit hindi sila ang ginawang apostol kundi ako, dahil hindi iyon ang basehan.  Mahal nila ang Diyos, matatalino, devoted, dedicated at commited ngunit hindi iyon ang basehan kundi ang pagbibigay ng buhay, pagsunod sa utos niya ng ganoon kadali.  Mahal nila ang Diyos, matatalino, devoted, dedicated at confident ngunit hindi iyon ang basehan kundi ang pagsunod ng anak sa utos ng Ama, ang pagbibigay ng puso at buhay sa tungkuling inatang sa atin, pagpapaganda sa tungkuling naiatang sa atin at pagtatapos ng trabaho na may kagandahan.

            Minsan, niyaya ako ng aking kaibigan na lawyer sa kanyang kaarawan na gaganapin sa hotel.  Lahat ng panyaya niya ay hindi ko pinupuntahan kaya ng muli siyang nag- imbita ay talagang nagsusumamo siya at sinabing “Kahit saglit ka lang, lagi ka namang may gawain, maaari bang i- postponed mo muna iyan dahil minsan lang naman ito.” Ang tugon ko, “Hindi ko maaaring i- postponed dahil ang priority ko ay wala sa kaarawan mo kundi nasa tungkuling inatang ng Diyos sa akin.”  Ang ganyang uri ng buhay ang nakita ng Diyos sa akin na hindi niya nakita sa maraming mahal siya.  Ang aking pagsunod at pagtatali ng buhay ko sa pinagagawa sa akin ang nakita ng Diyos.  Iyan ang dalangin kong manatili rin sa inyo upang ang inyong commitment ay maging kapaki- pakinabang.  Iyan ang pagtibayin niyo sa inyong buhay dahil lahat ng bagay ay gagawin ng diyablo upang pigilin kayong magpakalalim sa Diyos at paglilingkod sa Kanya lalo na sa huling yugto ng mundong ito.  Bibigyan kayo ng diyablo ng maraming alternatibo at thought na “Minsan lang naman iyan, maaari mo namang bawiin sa susunod iyan.”  Walang minsan- minsan sa Diyos dahil ang tungkulin ay tungkulin, ang trabaho ay trabaho, idagdag pa na naitakda na ng Diyos iyan.

            Noong nasa America ako ay masakit talaga ang pakiramdam ko dahil sa puyat at pagod sa biyahe. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko dahil parang sasabog ang katawan ko ngunit ang sabi ko “Panginoon, hindi ako uuwi sa Pilipinas. Kahit anong mangyari ay tatapusin ko ang tungkuling inatang mo sa akin sa bansang ito.  Kahit anong maganap ay tatapusin ko ang gawain.  Kung ano ang naka- iskedyul sa ticket ko at kung ano ang imbitasyon ko ay tatapusin ko.  Ba- biyahe ako sa states ng America kahit ano ang pakiramdam ko dahil umaasa ang mga taong nag- imbita sa akin kaya wala akong ika- kansela kahit isa.  Itutuloy ko ang lahat ng iyan.” Nang sinabi ko sa Panginoon iyan ay agad niya akong pinagaling.  Kahit anong ingat ko ng aking katawan ay hindi naman ako bakal upang labanan ang iba’t ibang sa klima, oras at pagkain na kinakaharap ko.  Kapag naipon ko na iyan sa ilang buwan at taon, kahit paano ay may epekto talagang hindi mabuti sa katawan ko.  Ngunit dahil sa ganoon kataas at kalalim na commitment ko sa Diyos ay lagi niya akong pinagagaling.

            Sabi ng anak kong bunso, “Pa, hindi kaya nagalit ang kaibigan mong galing sa Texas, USA na pumunta sa Church upang makausap ka ngunit hindi mo napaunlakan dahil magtuturo ka?” ang tugon ko, “Jon, wala akong magagawa. Nandoon ang mithiin kong harapin siya kaya lang, may tungkulin ako sa Diyos kaya hindi ko maaaring ikansela.  Kahit matagal na siyang nagpa- abot sa akin na magka- usap kami ay hindi ko pa rin magagawang bigyan siya ng panahon dahil may iskedyul ako sa Diyos.”

            Hindi ko maaaring sabihin sa Panginoon, “26 taon na po akong naglilingkod sa iyo, hindi ba maaaring humanap ng alternative at proxy?” dahil ang paglakad sa Diyos ay walang panahon.  Hanggang may tungkulin siyang inatang sa akin, dapat ay tapusin ko iyan at gampanan.  Hindi natin maaaring i- excuse na matagal na tayo, minsan lang naman ito, ngayon lang naman ito at naunawaan tayo ng Diyos dahil walang gumawa ng ganyan sa Bibliya.  Pinaiwan nga sa akin ng Diyos ang lahat ng kamag- anak ko, pagkatapos ngayon na nasa kalagitnaan ako ng mainit na paglilingkod ay pipiliin ko ang paanyaya ng sinumang tao.  Bigyan man ako ng taong ito ng malaking kayamanan upang mapaunlakan siya ay hindi ko tatanggapin dahil sino ba siya upang ipagpalit sa aking Diyos na humirang sa akin? Ang mahalaga sa akin ay ang tungkulin na itinakda ng Diyos na dapat kong trabauhin.


15Be very careful, then, how you live--not as unwise but as wise, 16making the most of every opportunity, because the days are evil. 17Therefore do not be foolish, but understand what the Lord's will is.
Ephesians 5:17

            Lahat tayo ay mayroong tinanggap na tungkulin kaya mahalin natin ito. Ipakita natin sa Panginoon ang pagpapahalaga natin sa kanya sa pamamagitan ng pagganap ng tungkuling naiatang sa atin ng walang pasubali, walang pagmamaliw, walang kapabayaan at walang pagbabago.  Isapuso natin ang pagliligtas ng kaluluwa.  Unahin natin ang inatang ng Diyos sa atin kaysa sa sarili nating kapakanan.  Hayaan nating ang Diyos ang magkulay ng buhay natin at magpaganda huwag ang kung sino.  Araw- araw ay luwalhatiin natin ang Diyos hanggang sa kanyang muling pagbabalik.  Tapusin natin ang kalooban ng Diyos.  Huwag nating sabihing “I will finish the will of the Father” but let us say “I must finish the will of the Father and I have finished the will of the Father.”

            Hanggang desidido tayong gawin ang kalooban ng Diyos ay the more na marami tayong ma- oofend na tao, but we have no choice for it is better to offend men than to offend God, it is better to obey God than to obey men.

            Sa dami ng ating nagawang pagkukulang sa Diyos ay lubos pa rin niya tayong kinalulugdan dahil hindi ang pagkukulang natin sa kanya ang basehan kundi ang pag- aalay natin ng buhay sa kanya, handa tayong magbago ng magbago upang sumunod ng sumunod.

God Said:
Anak, lahat ng tinuro mo noon sa Westpoint ay siyang totoong Kristiyanismo kaya kailangang maibalik ang mga turong iyon.  Kung saan ka nagsimula ay doon ka magtatapos. Ang pagkakaiba lang, ang pagtatapos ay mas dakila kaysa nasimulan.

            Nakilala ang JIOS sa sarili nating originality, diyan hinangahaan at ipinagmalaki ng JIOS, diyan tayo kinommend ng Diyos.  Handang gawin ng JIOS ang lahat para sa Diyos, handang iwan ang lahat para sa Diyos, handang batahin ang lahat para sa Diyos.

            Ang mga naunang staff, walang mga boyfriend at girlfriend ang mga iyon.  Sampung taon bago naligawan at nanligaw ang mga iyon at dumaan pa sila sa butas ng karayom.  Hanggang ngayon, sila ay naglilingkod.  Ngunit ang sabi ko sa Diyos, “Alam ko na ang mga bagong pasok na staff ngayon ay mas dakila ang gagawin kaysa sa nauna ngunit dapat lang nilang higitan ang commitment ng nauna.”  Grabeng pagsasapuso ng mga nauna sa paglilingkod sa Diyos dahil para sa kanila ay mawalan na ng asawa, anak, magulang, kapatid, kamag- anak, kaibigan kung mawawalan, ang importante, ang kalooban ng Diyos ay magaganap.  Magbabago lang tayo ng edad ngunit ang commitment at pag- ibig sa Diyos ay hindi nagbabago.

            Ang hinihingi ng Diyos sa atin ay hindi ang ating talino, kakayahan at pinag- aralan kundi desisyong totoo na ibigay ang buhay natin sa Kanya at unahin siya, ang kanyang pinagagawa sa atin sa lahat ng bagay.

            Noong early ng ministry na ito, si satanas ay nagmamakaawa, walang puwang ang panggugulo niya.  Kahit anong gawin niya ay walang pumapansin sa kanya dahil grabe ang commitment ng lahat.  Kahit anong gawin niya ay hindi niya kami mapigil dahil walang nagsasayang ng oras na pansinin siya.  Siya lang ang habol ng habol sa amin ngunit hindi niya kami mahabol sa tindi ng aming dedication sa Diyos.  Walang nagre- repent noon sa commitment.  Kaunting pagkakamali lang noon ay lumulupasay ang lahat sa iyak kahit hindi naman talaga kasalanan at ang luha sa mata ay hindi mapugto.

Ang mayroon lamang may karapatang mag- kansela ng gawain ay ang Diyos.  Kapag siya ay nagtakda ng gawain, may bagyo man o baha ay hindi niya ito ikakansela. Ilang ulit na tayong nag- anibersaryo noon sa Maya Theatre na bumabagyo at bumabaha ngunit dahil iyon ang naitakda ng Diyos kaya hindi nakakansela.  Nagbabagsakan ang mga poste at puno sa kalsada ngunit bumibiyahe ako upang maituloy ang anibersaryo.  Kahit brown out ay tuloy ang anibersaryo.  Kahit baha ay lumalangoy kami matuloy lamang ang anibersaryo.  Nagbabagsakan ang yero sa kalsada dahil sa lakas ng hangin dala ng bagyo ay tuloy pa rin ang prayer meeting sa Westpoint.

Hindi ako nagtataka kung pinasabi ng Diyos sa inyong lahat na ipaaalala ko sa inyo kung sino ang Apostol at kung ano ang Apostol upang malaman ng lahat ang katangian ng JIOS.

            Ang JIOS ay hindi kayang tinagin ng asawa, anak, magulang, kapatid, pangangailangan, bagyo, baha, diyablo at sinumang tao dahil ang puso at isip ay nakatuon sa Diyos, matalino, pinapahalagahan ang oras at oportunidad at higit sa lahat, ang pinagagawa ng Ama.

            Let us see ourselves tested and approved unto God, who worked hard for the glory of God, na ang paglilingkod ay ipinakita sa gawa hindi sa salita at pinaliwanag, sa gawa ng laman, ang dedikasyon ay ipinakita sa paglilingkod hindi sa salita at ang determinasyon ay hindi pinakita sa salita kundi sa gawa.


Prayer:
Ama, ito kami, pamahalaan mo ng totoo.  Ipinagpapasalamat namin sa iyo ang buhay ng iyong lingkod dahil nagbigay siya ng totoo ng kanyang buhay sa iyo at ginanap ng lubos ang tungkuling inatang mo dahil mayroon siyang kapasyahan na umayaw, magpahinga at tumakbo ngunit siya ay nag- desisyon na mabuhay kagaya ng Panginoong Jesus.

Ama, ibalik mo po ang dating commitment.  Isama mo ang lahat ng mga anak na Pastor at Pastora here and abroad at ang aral na ito ay iyong ihatid sa lahat.  Ibalik mo ang Church sa tama, totoo, makabuluhan, maka- Diyos at living like Jesus na Kristiyanismo at paglilingkod. Isang paglilingkod na hindi urong- sulong kundi puro sulong, desidido, determinado, disiplinado at seryoso. Kapag kami ay nasubok ay hindi kami magdadalawang isip na ang piliin ay ikaw.  Ayaw man namin makasugat ng damdamin ng sinuman ngunit wala kaming magagawa dahil alam naming hindi aksidente ang lahat ng bagay.  pinapayagan mong masubok kami upang makita namin ang aming puso at maipaunawa sa amin na “Anak, ito ka na ngayon, hindi ka na kagaya ng dati” upang bigyan kami ng pagkakataon na bumalik sa sinimulan mo sa amin at muling patunayan ang pag- ibig namin sa iyo at sa tungkuling inatang mo sa amin. 

Ama, huwag mo hayaang mabatikan ang iyong sinimulan sa amin, ang determinasyon ipinakita ng iyong lingkod at ang aming ipinaglaban. Siya ay gawin mong ehemplo sa lahat.  Huwag mo payagang sumuko kami sa panahon, tao, sitwasyon dahil hindi mo kami pinalaking ganito, hindi ito ang nature ng JIOS.  Noong early years, kahit wala ang lingkod ng Diyos ay walang umuuwi, nagbabakasyon at umaalis.  Kahit pinapa- uwi ng pamilya, lahat ay nananatili pa rin sa tungkuling iniatang sa kanya. Ibalik mo kami sa ganitong uri ng commitment.  Patuloy mong buksan ang aming teinga, mata at isip upang makita namin ang nakalipas naming mga nagawa kung ito ba ay sang- ayon sa iyong ipinagagawa sa amin.  Kahit puno ng persecution at may warrant of arrest, imbis na magtago ay tuloy pa rin ang gawain, magbi- biyahe pa rin at mangangaral pa rin dahil diyan mo pinalaki ang JIOS.  Lord, revive us again.  Maraming salamat dahil napagkatiwalaan mo kami.  We will triumph because of you, we can do all things through you, we must finish the will of the Father and we have finished the will of the Father.  Father God, thank you for saying to us “JIOS, in you, I Am well pleased.  Amen.

1 comment:

  1. Kamusta doon, ang pangalan ko ay Theresa C. Walker, ako ay mula sa Colorado, USA. Isinulat ko ang artikulong ito upang mapahalagahan ang mabuting gawa ni Doctor Joseph Ugo na nakatulong sa akin kamakailan upang ibalik ang aking HUSBAND na umalis sa akin para sa ibang babae nang walang dahilan para sa mga nakaraang taon. Matapos makita ang isang post ng isang babae sa internet na nagpapatotoo kung paano siya tinulungan ni Doctor Joseph. Nagpasya rin ako na makipag-ugnay sa kanya para sa tulong dahil ang lahat ng aking nais ay para sa akin upang makuha ang aking asawa, kaligayahan at upang tiyakin na ang aking anak ay lumalaki sa kanyang ama. Maligaya ako ngayon na tinulungan niya ako at maipagmamalaki kong sabihin na ang aking asawa ay kasama na ngayon sa akin at siya ngayon ay umiibig sa akin tulad ng hindi pa dati. Kailangan mo ba ng anumang tulong sa iyong relasyon tulad ng pagbabalik ng iyong tao, asawa, kasintahan, kasintahan, pagpanalo ng mga lottery, herbal na lunas para sa sakit o pag-promote ng trabaho, Ang mga tumitingin na nagbabasa ng aking post na nangangailangan ng anumang tulong tungkol sa anumang mga hamon sa buhay ay dapat makipag-ugnayan sa kanya.
    CONTACT -Email: doctorjosephugo@gmail.com
    WhatsApp: 34631686040

    ReplyDelete