Dapat alam din naman
natin kung kelan yung tama na. Kung kumikita naman tayo sa ibang araw, e, may
mga araw na talagang ipapangilin na lang natin kahit puwede pa ring kumita.
Kasi sabi nga ng Lord, “Man does not live by bread alone.” Bread is important
but it’s not all important nor above all. Let’s take a look at another verse, 1
Timothy 6:6-7: “But godliness with contentment is great gain. For we brought
nothing into the world, and we can take nothing out of it.” Yun daw pagiging
makadiyos na may kasama pang pagiging kuntento ay isang malaking kapakinabangan
sapagkat wala tayong dinala sa mundong ito. Totoo nga naman-noong ipinanganak
kayo wala naman talaga kayong dala, ako rin wala. At kapag namatay naman tayo,
wala rin tayong dadalhin. Nakita ba ninyo yung maraming nagtangkang magdala ng
kayamanan sa mga pyramids sa Egypt, sa mga burial grounds? Ano ngayon ang mga
tinitingnan ng mga turista at inuusyuso? Yung mga tinangkang dalhin ng mga Pharaoh
sa kabilang buhay. Tinangka nilang dalhin lahat-mga alahas, mga ginto, mga
mamahaling bato, mga hiyas, mga silya, mga gamit. Pero ayun, matagal na silang
wala, nandoon pa rin. Naiwan, hindi naman talaga nadala. Maging ang ating mga
ninuno-di po ba marami tayong mga archaeological diggings? Nakikita natin yung
tinangka nilang dalhin-kung anu-anong mga jars, nandoon pa rin. Naiwan pa rin
sa lupa, hindi naman nila nadala sa kung saan nagpunta ang espiritu nila.
Mabuti na
napapaligiran tayo ng mga kasangkapan, gumiginhawa ang ating buhay,
nakapagpapaginhawa tayo ng ating kapwa. Subalit hindi natin dapat mahalin ang
mga iyan nang higit sa pagmamahal natin sa ating kapwa, sa ating sarili, at sa
ating Diyos. Dahil una, hindi naman natin dinala ang mga iyan dito, at
pangalawa hindi natin madadala ‘yan pag-alis. Hindi dapat tayo masyadong
attached na attached diyan. Godliness with contentment is great gain. While
godliness equals productivity, hindi ibig sabihin na kuntento na ako, at wala
na akong gagawin. Do not be attached too much to material things because
whatever you love will enslave you.
From the Book:
Siksik, Liglig at
Umaapaw.
No comments:
Post a Comment