Tuesday, November 3, 2015

MAKE MONEY, BUT NOT AT THE EXPENSE OF GODLINESS

Ngayon, yung mga iba halimbawa, nasa medyo low-paying jobs, tapos itong verse na ito ang gagamitin, “Be content with your pay.” Ayaw nilang gumawa ng mga sideline, ayaw nilang gumawa ng ibang mga businesses. E di mali na namang application. Ang point dito sa, “Be content with your pay” ay ito: That you don’t create a bigger income unnecessarily, at the expense of your godliness. But if you can create more income without hurting your morality, then, that is productive. That is not prohibited by Scripture. Marami kasi nila akala nila pag banal dapat mahirap. Kasi pag mayaman, siguro masama. Di ba maraming beses na natin nabanggit na mahirap maging banal kung walang makain? Madali ba namang maging banal kung kumakalam ang iyong sikmura, meron kang sakit pero walang maipambili ng gamut? You don’t equate poverty with spirituality. You don’t equate wealth with greed. Dahil kahit sa Bible, maraming wealthy but godly people. So make a lot of money if you like, but do not love it more than your godliness.

Paano naman ninyo ipapakitang hindi ninyo mas mahal ang pera? Dapat meron kayong araw ng pangolin. Meron dapat kayong araw na iginagalang na pahinga, araw ng worship. Hindi yung puro pagkita na lang ng pera ang iniisip. Ngayon ang sinasabi nila, “Eh, paano kung Linggo lang ako may pagkakataon na kumita, yun lang talaga ang chance ko?” Puwede ka naman sigurong mag-worship ng Wednesday or Thursday. Hindi naman siguro tayo masyadong magiging legalistic na pagkakapilit-pilitin kang “Dapag Linggo.” Ang sabi sa Bible, “Six days you shall work and on the seventh day, you will rest.” Kung nag-uumpisa ka ng Thursday mag-trabaho, di Thursday, Friday, Saturday, Sunday, Monday, Tuesday, eh di Wednesday dapat nangingilin ka. You break every six days of work with a seventh day of rest. Sa New Testament, ang rest na iyan ay nagkaroon ng bagong kahulugan. Nagkaroon din iyon ng pagtitipon-tipon, fellowshipping, breaking of bread together, and reading of God’s Word.

What we’re saying is this: Hindi legalista ang Diyos. Ang mahalaga, hindi natin Siya sina-sacrifice. We can be creative in finding times for our rest, and finding times for our worship.  Kasi meron talagang trabaho na natataon sa Linggo. It’s always preferred na wala kayong ginagawa kapag Linggo, at sumasamba tayong lahat. E paano naman yung mga may shifting? Paano yung mga pabrika? Paano iyon, alangan naman natin silang i-judge na “Evil kayo!” Madaling sabihin ‘yan ng mga taong nagtatrabaho na talagang ang day off ay Sunday. It is preferred that we believers see each other on Sunday; it is the ideal. But you know, the ideal is not always possible. Merong best, may second best, and the Lord is not an oppressive God.  Huwag nating isinasangkalan ang ating kabanalan kaya wala tayong kinikita, o kaya tayo tamad, o kaya tayo walang production. Make wealth, but don’t love it more than you love God.

From the Book:

Siksik, Liglig at Umaapaw.

No comments:

Post a Comment