Tuesday, November 3, 2015

PERA O IBA?

Paano natin malalaman kung mahal na mahal natin ang pera? Kung mas mahal na natin ang pera kaysa sa ating sariling kabanalan o kalinisan. That’s the danger point. Then we love money too much. Kapag mas mahal na natin yung pera kaysa sa ibang tao at sa kanilang damdamin, na kahit magalit na sa akin ang magulang ko, magkagalit kami ng kapatid ko, mag-away kami ng kaibigan ko, basta akin ang pera, di bale nang mawala sila. Then, that’s the dangerous point.

Kalian ba natin sobrang mahal yung pera? Kung mas mahal na natin yung pera kaysa sa ating mga paglilingkod sa Panginoon. Sa ating mga kagustuhan na laging kumita nang kumita ng pera, hindi na tayo nagkakaroon ng panahon para umattend ng mga Bible studies, maglingkod sa Panginoon o magturo sa iba’t ibang paraan. Hindi masama na magkaroon ng iba’t ibang mga pagkakakitaan. Subali’t kung iyan ay nagiging hadlang na sa paglago nating spiritual, nagiging hadlang na para tayo maging mabuting tao, nagiging hadlang na para tayo maging maibigin at matulungin sa kapwa, then we already love money too much. Kaya nga sabi, “Keep yourselves free from the love of money.” Yung iba kasi pang-justify nila ito sa katamaran. Hindi sila nagsisikap kumita dahil sabi daw ng Bible, walang kuwenta ang pera. Hindi iyon walang kuwenta, kundi sabi, “Huwang mong iibigin iyan nang higit sa Diyos o higit sa iyong kapwa o higit sa iyong sariling kalinisan.”

Ano ang sabi ng Panginoon sa Luke 3:12-14? May mga tax collectors na nagpunta sa Kanya at ang sabi, “Teacher, what should we do?” “Don’t collect any more than you are required to,” Jesus told them. Then some soldiers asked Him, “And what should we do?” He replied, “Don’t extort money, and don’t accuse people falsely-be content with your pay.” Nakita ninyo ang sinasabi dito? “Be content with your pay.” Huwag daw umimbento ng mga kaso laban sa mga tao para puwersahin silang maglagay para lamang lumaki-laki ang kita. Ang sabi Niya sa mga tax collector, “Don’t collect more than necessary.” Kasi yung mga tax collectors, tatasahan kayo, bibigyan kayo ng estimate, “O ito ang iyong tax, yun pala sobra, para may natitira sa kanila. Kaya sabi, “Don’t collect more than necessary.” And then to soldiers, “Don’t extort money. Be content with your pay.”

From the Book:
Siksik, Liglig at Umaapaw.


No comments:

Post a Comment