Sabi ni Solomon sa
Ecclesiastes 9:11, “I have seen something else under the sun. The race is not
to the swift or the battle to the strong, nor does food come to the wise or
wealth to the brilliant or favor to the learned; but time and chance happen to
them all.” Di ba ang ganda ng observation niya? Sabi niya, hindi naman lagi
yung mabilis ang nananalo sa mga karera. Malay
mo yung mabilis natapilok o nadapa. Naunahan, tuloy siya ng mabagal.
Hindi komo mabilis ka, mananalo ka diyan. At hindi naman lahat ng nananalo sa
mga digmaan ay yung malalakas. Mas malakas iyon, bakit natalo? Wise pala yung
kabila. Ang sabi ni Solomon, hindi naman lagi ang pagkain ay pumupunta sa
matatalino. Maraming matatalinong gutom. Sabi ni Solomon, “Wealth does not
always come to the brilliant or favor to the learned.” Ibig sabihin, hindi komo
ganito ka eh ganyan ang aasahan mong mangyayari sa buhay mo. Dugtong pa ni
Solomon, “Time and chance happen to them all.” Maraming mga bagay na hindi
natin kayang ipaliwanag, hindi ma-rationalize pero nangyayari lang. Kung minsan
din sa mga anak-gusto nila, “Ganito yung anak ko,” “Sana ganyan ang anak
ninyo.” Eh, iyan na ang anak ninyo, kaya be happy with him or her! Iyan ang
magulang ninyo. Ganoon din-hindi ‘yan napipili.
So dalawa ang choice natin-magmukmok
at magreklamo buong buhay mo, o kaya’y turuan mo ang iyong sarili na enjoyin
iyan. You are either miserable or you are happy by choice. Lagi tayong may
choice. Puwede tayong maging miserable kahit lahat ng bagay nandiyan, dahil
yung isang kaliit-liitang wala, hahanapin mo. So even prosperity can be by
choice. You can actually be prosperous or you may just feel prosperous. In both
cases we need to learn to make good choices.
From the Book:
Siksik, Liglig at
Umaapaw.
No comments:
Post a Comment