Iniligtas
Niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng Kanyang
minamahal na Anak.
-Colosas 1:13
May siyam na magnanakaw na
kasalakuyang nanloloob ng isang bahay. Nabigla sila sa pagsulpot ng
may-ari ng bahay kaya nagtakbuhan sila. Dalawa sa magnanakaw ay itinulak ng
may-ari ng bahay sa swimming pool. Napansin ng may-ari na hindi marunong
lumangoy ang isa sa magnanakaw kaya sinagip niya ito. Nang makaahon na sila sa
tubig, sumigaw ang magnanakaw sa kanyang kasamahan para bumalik. Naglabas pa
ito ng patalim at iniamba sa taong mismong sumagip sa kanya. Kaya muli siyang
itinulak sa tubig ng may-ari. Ngunit nang nalulunod na ito, muli itong
iniligtas ng may-ari.
May
pagliligtas ding binabanggit sa Biblia. Sinabi ni Pablo sa Colosas 1:12 at 13
na iniligtas ng Dios ang mga mananampalataya sa Colosas sa kapangyarihan ng
kadiliman. Nangyari ito noong namatay si Jesus sa Krus at noong sumampalataya
sila kay Jesus. Ipinapakita nito na ang mga mananampalataya ay iniligtas ng Dios
mula sa pagkontrol ni Satanas sa pamamagitan ng paglilipat sa kanila sa Kanyang
kaharian.
Hindi
katulad ng magnanakaw na sinagip, dapat nating pasalamatan ang Dios na
nagligtas sa atin. Nararapat na “sambahin natin Siya sa paraang kalugod-lugod,
na may takot at paggalang sa Kanya,” (Hebreo 12:28.)
By: M. Williams
“Ang
pag-ibig mo O Dios ay walang hanggan,
Ikaw ay namatay para sa aming kasalanan,
Hindi
inalintana ang Hirap ng katawan,
Iniligtas Mo kami sa kapahamakan.”
SA PAMAMAGITAN NG
PAGKAMATAY SA KRUS NI JESUS, INILIGTAS NIYA ANG MGA MAKASALANAN.