Ipagpatuloy
mo nawa ang pagbuhay ng mga tula
Kung saan puno ng mga tugma
At mga malalalim na salita.
Hindi man maunawaan ng iba
Bagkus magalak ka dahil ang Dios na nakakaunawa nito at
nakakakita
Ay natutuwa dahil Siya’y dinadakila
At ika’y sa Kanya’y nananampalataya
At Siya’y masisiyahan sa pinagpaguran mong gawa
Sabay buhos Niya ng mga biyaya at ika’y tiyak na
mapapagpala.
Ika’y pinili at hinirang
Nang Dios na lumalang
At pumili sa iyong mga magulang
Upang ika’y maisilang
Sa mundong Kanyang kinahabagan.
Sa kabila ng ating mga pagkukulang
Minahal Niya pa rin ng labis ni walang kulang.
Ligayang nadama ng aking pagpunta
Sa kabila ng layo at pagod ng mga paa
Ay hindi ko ininda
Dahil hangad ko ang magpasaya
Sa mga kaibigang nakakatuwa
At patuloy na pakikiisa ko’y kayo’y makakaasa
Dahil
lahat tayo’y may pag-asa sa Dios
Na may akda ng biyaya ang siyang lagi nating kasama.
Kaya isang matagumpay, pinagpala at maluwalhating
kaarawan sa iyong pagsilang,
Lingkod
ng Dios – Ate Yhang.
#LivingLikeJesusWriter
#ForeverVictorious
No comments:
Post a Comment