Wednesday, May 4, 2016

TAYO’Y KANYANG LILINGAPIN


Isinulat ni: Junico Villaverde Bato

Ang malalim na panalangin
Ay binubulong sa hangin
Ay narinig ng Dios na gumawa ng araw at bituin
Na siyangmay diin na hangaring tayo’y pagpalain
Ang sa Kanyang lumalapit na may dalang hinaing
Sapagkat ang Dios ng kahapon, ngayon at bukas
Ay kailanma’y hindi nang-aalipin
Kundi tayo’y kanyang lilingapin.

Ituon natin ang atensiyon
Sa librong nag-aayos ng sitwasyon
At daan ng magandang koneksiyon
Patungo sa mabuting aksiyon
At matibay na relasyon sa Dios
Ng kahapon, bukas at ngayon.

Isa lang ang pinagmumulan ng mga karunungan
Sa Dios na makapangyarihan
Na walang sukat kalagyan na kakayahan
Ang kaya Niyang bitawan
Para ipagkaloob sa Kanyang mga hinirang na mga manananampalataya
Na magtatapos ng Kanyang kalooban.

Huwag nawang mapako ang paningin sa mga bagay na nakikita
Mga bagay na ano mang oras ay puwedeng maglaho na parang bula
Bagkus magkaroon ng pananabik sa mga bagay na hindi nakikita
Ngunit saklaw ng iyong paniniwala at ika’y magtiwala
Sapagkat ang Dios mong dakila ang siyang magdadala sa’Yo
Sa paraisong puno ng biyaya at puno ng pagpapala.

Hindi natin maiiwasan na minsan
May mga taong hindi maunawaan
Ang mga salitang malalim at may galak na kahulugan
Kung talagang nagbukas lang sila ng kanilang puso at isipan
Tiyak may aral at ngiting mararanasan na hindi pangkaraniwan.

Minsan pa’y nasabihang “O.A. naman/baduy naman”
Pero wala kang magagawa kung ganoon ang kanilang paniniwala
Bagkus ipagdasal nalang at nawa’y matutunan nilang magpahalaga
Sa mga bagay-bagay na dapat isaalang-alang
Dahil masayang magkaroon ng kahalagahan
Sa mga bagay na bigay ng Dios ng kahapon, ngayon at bukas,
At ng magpakailanman.

Kapag wala ang Dios ng kahapon at ng ngayon
Tayo’y nasa dilim maghapon
At walang liwanag na tutugon
Kundi puro apoy na nakabaon
Na mas mainit pa sa bulkang mayon
At pagdurusang hindi ilusyon

Ni wala ng pagkakataon dahil sa mga kasalanan at pagiging rebilyon.

No comments:

Post a Comment