Isinulat ni:
Mark Acub Muedan
Aking nalalaman na ang lahat ng salita sa mundo ay kulang’
Kulang gamitin upang Ika’y pasalamatan;
Kulang gamitin upang Ika’y purihin;
Kulang gamitin upang ipahayag ang aking
pag-ibig.
Kulang man ang lahat ng salita sa mundo,
Mimithiin ko pa ring sabihin sa Iyo,
Panginoon na…
“Kulang pa ang aking buhay upang isukli sa
kabutihan Mo.”
Panginoong Dios, tunay na napakabuti Mo.
Hindi man sapat ang aking mga papuri’t awit
Pero sa aking puso’y Ikaw ang laging
pinipintig.
Tuwing sa pagsikat ng bukang-liwayway
Kasama ko ang mga ibon sa kanilang mumunting
himig.
At sa tuwing paglubog nito, pasasalamat ang aking tugon;
Kasama ng mga kuliglig,
Kasabay ng paghampas ng alon sa dalampasigan,
Ang himig ng aking awit ang Iyong mapapakinggan.
Panginoong Dios, mahal na mahal kita.
Hindi man sapat sambiting, “Iniibig Kita,”
Dahil ang Iyong habag at awa sa akin ay sapat
na;
Mula sa aking pagkalugmok, ang Iyong
kalakasan ay sagana;
Sa aking pag-ngiti Ikaw ang kanilang
nakikita;
Kaya ito ang aking buhay, handa kong ialay
para sa Iyo,
Upang patunayan, ipagmalaki, ipagsigawan…
“ANG PAG-IBIG KO SA IYO AY TOTOO.”
-kuyamark.
No comments:
Post a Comment