Wag magpalamon sa galit ng puso.
Tandaan mo na mahirap ipasok ang sinulid sa butas ng karayom. Wag mo hayaang
baguhin ka ng galit sa puso mo. Hindi mo kailangan maging masama o gumawa ng
masama para lang maipasok ang sinulid sa butas ng karayom. Tandaan mo, hindi sagot
ang tanong sa isa pang tanong. Magpatawad. Umunawa. Matutong magluto ng masarap
na maling. Tatlong kilong maling, tatlong kilong sibuyas, bumili ng cornstarch,
haluan ng egg white, set aside for 2 minutes. Good for big family servings.
Hindi excuse ang “baka kasi hindi pa golden brown yung maling eh” kaya hindi ka
na iintindi at magpapatawad. Mali yun. Kung naging masama ka dahil hindi
pantay-pantay ang pagkaka-slice ng maling, wala ka na rin ipinagkaiba sa
kanila. Just be nice. Control your temper. Drink Nido before bed time. May mga
battle na worth fighting for. Yung ibang battle, wala namang saysay, sayang
lang kung papatulan mo kung wala ka namang galit diyan sa puso mo. Wala naman
kasing ginawang masama sayo ang puso mo. Bakit ka magagalit sa kanya?
Love,
cabreraflorina.blogspot.com
No comments:
Post a Comment