Wednesday, November 1, 2017

ISANG SUGAL

Alam nating nagsusugal tayo sa lahat ng laro
Kung ang hawak mong bola ay naagaw ng iba
Bakit hindi mo kunin at lumaban ng tama
At kung hindi mo nagawa
Huwag papairalin ang gunting na dila.
Ako, isa lang namang hamak na tulad mo
Pero kung di mo maintindihan, iba ako sa’yo
Hindi ako mahilig maglaro pero ginagawa ko lahat para sumugal
Oo sugal, ngunit tulad ng batas bawal ang bawal
Kung ang kalapati at agila ay lumipad
Sinong sa tingin mo ang mas mataas?
Ngunit hindi paglipad ang kanilang laban sa taas
Kundi paunahan
Kung ang agila ay nagpahinga at ang kalapati ay gumamit ng paa
Tiyak na mauuna siya
Alam kong sa tingin mo lahat na nasa iyo
Ngunit bakit di mo tingnan ang tingin ng iba
Baka sakaling makita ng paslit na daga ang kesong
Nasa iba na pala
Minsan talaga kailangan rin ng puso sa laro
Utak para sa gagawing hakbang
Upang makalikha ng libro
At pag-uugali na handang tanggapin
Ang bolang para sa’yo ay hindi.
Isang sugal, kapag binigay ang lahat
Tanggapin din ng lahat.

-Bernadeth Toquero Brugada

No comments:

Post a Comment