Wednesday, November 1, 2017

THREE SOURCES OF NEGATIVE EMOTION

Emoticons.Yan ang madalas natin gamitin sa viber, lalo ng mga millenials. It helps sends their “feelings” across without having to say or write things. Anong klaseng emotions ang nararamdaman natin? There are days when you feel some negativity dragging you down. Mahirap bitbitin ang ganyang bagahe. Naaapektuhan ang lahat ng ginagawa mo sa buhay. Madali tayong mainis, magalit at wala tayong pasensiya. At ang masakit niyan, nasasaktan din natin ang mga taong nakapaligid at nagmamahal sa atin.

Do you want to understand and know kung saan ito nanggagaling?

1.PAST EXPERIENCES. Kung ano man ‘yung na-experience natin noong bata, ito ay nakaka-apekto kung ano ang pananaw natin sa buhay. Kung lumaki kang sa mahirap na pamilya, chances are, mahirap rin kumita ng pera. Kung lumaki sa maginhawang sitwasyon, chances are, madali rin kumita ng pera; dahil iyan ang nakasanayan ng isipan mo.

2.PAST HURTS. Kung ano man ang mga pasakit na nararamdaman natin sa nakaraan, kapag hindi ito naaayos, hindi natin namamalayang dala-dala pa rin pala natin ito hanggang ngayon. Hindi rin natin namamalayan na napapasa natin ang pasakit na ito sa ibang tao.

3.PAST FAILURES.Kung ano man ang naranasan nating pagkabigo, nagkakaroon din siya ng trauma sa ating buhay. Kung ikaw ay nakagat ng aso, magdadalawang-isip kang lumapit mula sa aso. Ganoon din, kung ikaw ay nabigo sa pagnenegosyo, minsan ang hirap maka-recover, dahil at the back of your mind, “What if kung mag-fail muli ako?”, “What if kung hindi ito ulit magwork-out?” Gets mo na kung ano ang ibig kong sabihin? Kaya kapatid, personally evaluate yourself now.

THINK. REFLECT. APPLY.

Saan ba ang hugot mo ng negative emotions? Do you now understand bakit ganoon ang outlook mo sa buhay? Ano ang puwede mong gawin para maka- move on ka na?

Then, refuse to live in the past. Try your best to live in the present and believe in the potential of your future.


-Chinkee Tan

No comments:

Post a Comment