Kung salat ka sa pera at pangarap,
Bumangon ka ng maaga.
Yung habang nananaginip silang lahat,
Ikaw ay nagbabanat na ng buto.
Habang nangangarap sila na ng
nakapikit,
Heto ka bukas matang bina-braso ang
mundo.
Habang naghihilik ang lahat,
Humahalik ka naman sa realidad.
Kilos dito, tumbling doon,
Gagawin lahat makakahid lang
At nang ang buong angkan ay makatuka
Nang mainit na kanin na sinabawan ng
nilaga.
Kung salat ka sa pangalan at
patutunguhan,
Tumayo ka nang maaga.
Upang mas maging matangkad ka sa
kanilang lahat
Na mga nakahiga pa.
At ng mas matanaw mo ang destinasyon
mo
At ang pasikut-sikot papunta dito.
Tumayo ka nang maaga habang silang
lahat at tahimik pa
Para nang sa ganun,
Mas madinig ang boses mo.
Tumayo ka nang maaga
Para makahakbang ka ng pasulong
Habang silang lahat ay nakasilong pa
Sa kumot na maikli at
nagpapa-baluktot.
Kaya gising na!
Pagkatapos naman ng buhay,
Matutulog din tayong lahat.
Kaya habang humihinga pa.
Pigain natin ang bawat segundo para makagawa
Ng makabuluhan sa planetang ito.
Kaya gising na!
Di bale ng mapuyat kaysa naman
mangayayat
Sa gutom sa tiyan, at sa kaluluwa..
-Rod Marmol
No comments:
Post a Comment