Monday, September 2, 2024

IKAW LANG

 alam ko,

darating ang panahon

na mawawala rin ang kaba,

mapapalitan ng mga

hindi maipaliwanag na

nadarama.


ang sigurado

ay mapapalitan

ng mga ‘bahala na.’


mawawala na rin

sa makikitid nating paningin

ang ganda ng mga bituin.


mamamatay

ang ‘sanlaksang

tala na pinagagana 

ng mga dagitab

sa pagitan ng ating mga palad.


mawawalan ng bisa ang tula,

kukupas ang mga kanta.


at kung sakaling makalimutan na ng uniberso

na paniwalain tayo sa kapangyarihan ng pag-ibig,

ikaw ang palagi kong aalalahanin.

ikaw,

palagi.


dahil mas masarap ang pag-ibig

na walang ibang dahilan

kundi

ikaw lang.

No comments:

Post a Comment