Friday, September 6, 2024

ULAN

 kung paborito mo ang ulan,

malunod man, lagi kang sasamahan.

kulog at kidlat ay sasayawan,

at kung magsawa, handa kang payungan.


kung sa dagat ang ligaya,

gagawan kita ng balsa.

sisisirin ang 'yong kaluluwa.

ano man ang istorya, tanggap kita.


aplaya'y gagawing simbahan

kung ibig ng katahimikan.

mananalangin sa lahat ng durungawan,

ikaw ang parating kahilingan.


at kung pag-ibig naman ang ninanasa,

huwag kang mabahala.

hiniling ko na ito sa mga tala,

kung may susunod pang kabanata


— sa'yo pa rin sana itadhana.

No comments:

Post a Comment