Saturday, April 2, 2016

MY ONLINE DIARY

Minsan, sa sobrang ka-busyhan ng buhay mo ay bigla mo na lang makikita ang mga kuko mong mahahaba na, at ang totoo ay para bang kinakatamaran mo itong gupitin. Minsan din kapag nananalamin ka ay nakikita mo na lang na malalago na ang buhok mo at ang totoo rin, nahihirapan kang mag-isip kung anong araw ka pupunta sa barberya.

Sa unang pagbasa mo ng introdaksyon ng blog kong ito ay puwede mong masabi na ano kaya ang gusto kong ipaabot. Well, nais kong malaman mo na updated ang cabreraflorina.blogspot.com monthly para sayo. I called it, “my online diary.” I decided to print it out dahil alam kong dahil busy ka ay maaaring di mo mabuksan ang blog ko this april.

Dear friends of Yhang,
Yhang would want to say to you that whatever rock bottom moments you might encounter, just focus to continue in reaffirming your love to God. Satan, your enemy may take advantage of you but you are not ignorant to his devices. Now, thanks be unto God who always leads you in triumph in Christ so that through you, the fragrance of His knowledge may diffuse in every place. When you’re facing a lot of trouble or problems in your personal life, love life, other’s life; just stand out and overcome your fears through a righteous living. Remember: your righteousness exceeds much glory.

You’re in my thoughts and prayers,

Yhang’s online diary.

ALWAYS REMEMBER THAT I ALWAYS REMEMBER YOU

Dear Dearest,

Being your friend, I wanted to say that you always inspire me, but maybe, that was unbelievable. First, I’m silent most of the time. Second, I didn’t text you always to say “hi!” Third, I didn’t take a time to send even a short message of “hello how are you” through fb or email. And lastly, I’m shy to speak a lot and express myself when you’re around. But please believe me friend; you really, really inspire me by your DAILY ACTS. I believe, you’re doing great EVERYDAY…

You always manage to smile even your work is stressful.
You always have time to laugh even your heart felt emptiness.
You always show kindness even to a person who dislikes you.
You always show that you care even to those who hurt you.
You always share your blessings even your pocket is not full.
When you saw a beggar, a street child, a homeless family, a poor
You always utter a silent prayer, “God, use me someday to house them.”

When you speak in front of many people
You really work hard to give them your most excellent motivational words
But what they don’t know, you also need a motivation.
You always do something great to inspire us but you must understand
Just one simple smile and a humorous loud laugh from you
When we glimpse and heard that;
It really, really inspires us.

You always encourage us by your fb post about your success and achievements
But we know, it is not easy to achieve that status.
We know that you paid a price to have that.
You sacrifice. You perspire a lot. You shed tears. You invest for that.
You even temporarily forget yourself for us to be remembered.
Whatever you’ve done and whatever you’ve become
You dedicate and credit this fulfilled dream to us who trust you.
You boast nothing about yourself for your main goal in life
Is to always glorify your Creator and to serve your fellowmen.
You always love to help people got their dreams and build new friendships.
They are your inspiration.

You toil daily, work hard daily, using your skills and talents in a best way.
When your salary comes, you want to cry in joy because you remember them.
You remember your beloved Church that waits for your sacrificial offering.
You remember your precious Family that needs your part for daily budget.
You remember your kind friend that so excited to receive his/her bday gift.
You remember your long distance relative that wants to borrow money.
And you remember, you remember…
That dirty hand of a beggar, that kid in a foundation, that street child.
And you forgot to remember those things you long so much to have…
That new pair of shoes you want to buy. That new gadget…

You seem very strong always
But I know, Yhang knows…
You always ask God for perfect strength.
You always seem full
But I know you wish sometimes that there’s someone out there
To remember you, to treat you a special meal
In a very relaxing place.

Friend, you DESERVE ALL THE BEST IN LIFE.
But I see the major beat of your heart.
When you saw a poor cigarette vendor, a man in a wheel chair,
A bed ridden, a lot of kids inside a charity foundation,
A single mom who works hard, a fatherless child who study hard,
A very old man begging you to buy his goods
Your heart melts in compassion, praying so sincerely,
“LORD, THEY DESERVE ALL THE BEST IN LIFE.
Please, help me to reach them. Empower me, use me, and bless me.”

Friend, even though I don’t have my own site but honestly, every time my sis permitted me to open her fb, I want to admit with all shyness that I always visit your timeline, your wall, your precious messages. I’m your secret follower. You didn’t see my name liking, sharing and commenting but…

ALWAYS REMEMBER THAT I ALWAYS REMEMBER YOU

You don’t have that time to communicate me always. It’s okay friend. Don’t worry. For I believe that you always remember me in your prayers and in your dreams.

Again, believe me; you really, really inspire me. You are such a selfless person. Words are not enough to express how much your friendship means to me. Thank you so much for touching my life in your most humble ways.


Written by: Yhang Cabrera

STILL, IT’S SO GOOD TO BE GOOD


STILL, IT’S SO GOOD TO BE GOOD

One of the major battles that a real good person was facing is what we called, “the character opposition.”  People criticized them for spending much time to people they don’t really know like visiting a foundation, charities and sponsoring.  People gossip them for being kind-hearted towards bad, unworthy citizens.  In the midst of their silence, what causes hurt to a real good person is when people ignore their invitation to an event that will nourish their soul, improve their lifestyle and will give stability to their mind.

All you genuinely wanted for them is that they may –
Feel your warmth concern
Lend a helping hand
Impart the secret of your inner peace
Express your love;
that God-kind of love.

You level yourself to them
You’ve almost forgotten your personal needs
You’ve gave up your privacy
Just to reach them out
and to raise them up.

You’ve sacrificed your money and time to be there
You always go home late to assist and attend
You’ve devoted your social sites to type and post –
Something essential,
Something beneficial,
Something eternal
For their sake;
but only few recognize it.
They don’t want to adhere to your mission
They don’t want to support your goal
They rather wanted to laugh at your vision
and think that you are crazy.

Sometimes, you wished that I’m there at your side
To say that you felt that you wanted to stop
And ask me if…
“is it okay if I’ll just spend my weekends,
Free time,
Money,
Savings,
and strength all to myself and forget others?”
But all you can do is to admit to me
That you can’t
For your Spirit, Soul and Body push you
to stand and to say…

Still, it’s so good to be good.

Written by: Yhang Cabrera

GOD HELP

Naranasan mo  na bang ma-inlove sa taong di ka naman talaga type? Ang mag-add a friend sa fb pero di ka inaccept, na-try mo na? Yung mag-send ka ng email pero di ka nirereplayan? Mag-call&text ng paulit-ulit pero di ka sinasagot? Naranasan mo na ba na minsang kapain mo ang bulsa sa likod ng pantalon mo ay di mo na makapa ang pitaka mo na naglalaman di lang ng pera kundi ATM at mga ID? Nadukutan ka na ba ng cellphone o nalaslasan ng bag? Matutukan ng patalim? Ma-basted? Ma-isnaban? Mabulyawan ng boss? Ma-traydor ng kaibigan? Ma-tsismis?

Inaamin ko, ang ilan sa mga nabanggit ko diyan ay naranasan ko na. Ang kirot nga sa puso ih. Nasabi ko pa sa sarili ko, “Nagmahal lang naman ako ah, bat ganun siya?”, “Bat nangyari yun, iniingatan ko na nga ng sobra nawala pa”, “Nananahimik na nga ko dito sa sulok tas napagalitan pa din”, “Ano ba kasalanan ko bat sakin pa yun nangyari?”…

Kirot – NAPAKASAKIT, sobra, BRUTAL, ang hirap titigan, DI MAIPALIWANAG NA HAPDI. (Iyan ang nasabi ko habang pinapanood ang “the Passion of Christ.”) Sa bawat palo ng LATIGONG BAKAL sa likod NIYA, sa bawat DUGO na lumalabas sa mga naghahapdiang SUGAT NIYA na nabibilad sa matinding sikat ng araw habang umaakyat sa matarik na bundok, si HESUS ang dumanas ng parusa sating mga kasalanan.

Nahihiya ako sa KANYA pag naaalala ko ang KRUS. Dahil wala man lang nabanggit na nagsabi SIYA, “Bakit kailangang mangyari ito sa akin? Bakit dapat akong mamatay? Wala naman akong kasalanan ah!”. “Ama, patawarin mo sila di nila alam ang kanilang ginagawa” ang nabanggit NIYA.
Lahat tayo ay mayroong biglaang karanasan sa buhay na di natin matanggap gaya ng pag-yao ng isang mahal sa buhay, paglayo ng isang matalik na kaibigan, pag-iwan ng karelasyon, pagkawala ng mga bagay na lubos nating iniingatan, at iba pa. Lahat tayo ay mayroon ding nagawang mga kalokohan na nakasakit at nakadismaya  ng damdamin ng iba. Minsan, binabagabag pa rin tayo kapag naaalala natin ang lahat ng yun.

Pero sana…
Maisip di natin na mayroong HESUS na kumuha na ng lahat ng bigat na pinapasan ng puso natin. Mula noon, kahapon, ngayon at ang mangyayari pa.

Mayroon akong nabasa na isang totoong istorya…

Mayroong isang lalaki na hinuli sa pagpatay ng isang 12-taong gulang na batang babae. Nang siyasatin ng pulis ang computer niya, may lumabas na folder na ang file name “MGA KASALANAN KO” pero di nila mabuksan kasi may password. Dahil diyan, naghanap sila ng eksperto sa paglutas ng ganitong problema. Makalipas ang 16-oras, naging matagumpay ang eksperto at nadiskubre niya na ang password ng file ay “GOD HELP” o “tulong ng Diyos.” At nabasa sa loob ng folder ang buong detalye ng kanyang anim na krimeng nagawa.

Naisip ko tuloy…
Baka nalaman niya ang KATOTOHANAN na tanging si HESUS lang ang makakatulong sa sobrang bigat na dinadala ng puso niya dahil sa mga kalunus-lunos na kasalanang ayaw naman niya talagang gawin.


Written by: Yhang Cabrera

ANG KAPANGYARIHAN NG ATING LIMITASYON

Ngayon ay humayo ka, Ako’y sasaiyong bibig at ituturo ko sa Iyo kung ano ang Iyong sasabihin.
-Exodo 4:12

Si Moises, nang tawagin ng Diyos ay maraming idinahilan, “O Panginoon, ako ay hindi mahusay magsalita, mula pa noon o kahit mula pa nang magsalita ka sa Iyong lingkod, sapagkat makupad akong magsalita at umid ang dila” (Exodo 4:10).

Nagpapahiwatig ito na si Moises ay may depekto sa pagsasalita, maaaring nauutal siya. Ngunit sinabi ng Dios sa kanya, “Sinong gumagawa ng pipi o bingi, o may paningin o bulag sa tao? Hindi ba Akong Panginoon?” (t.11).

Hindi aksidente ang ating depekto o kapansanan. Disenyo iyan ng Dios. Ginagamit Niya ang bawat isa sa depekto natin para Kanyang kaluwalhatian. Ang paraan ng Dios sa pakikitungo sa ating mga “limitasyon” ay hindi alisin ang mga ito kundi bigyang kalakasan at gamitin sa ikabubuti.

Sa Bagong Tipan, binanggit na si Pablo ay may depekto o sakit na hindi tinukoy kung ano – tinawag niya na “tinik sa laman.” Ilang beses niyang hiniling sa Dios na alisin ito (2 Corinto 12:7-8). Ngunit sabi ng Dios, “Ang Aking biyaya ay sapat na sa iyo sapagkat ang Aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan” (t.9).

Natutunan ni Pablong magalak sa kanyang kahinaan upang ang kapangyarihan ni Cristo ay manatili “sa kanya” (t.9), sapagkat “kapag ako’y (Pablo) mahina ako nga’y malakas (t.10).

By: David Roper

“Mga tapat at banal na kasama ang Dios
Kahit mahihina, sa Salita Niya’y tiwala’y lubos;
Pasakit at luha sila rin ay inaabot
Ngunit napagtatagumpayan lahat ng kanilang takot.”


ANG LAKAS NG DIOS AY PINAKAKITANG-KITA SA ATING KAHINAAN.

NASASAKTAN AT PINAKIKINGGAN

Aking nakita ang paghihirap ng Aking bayan na nasa Ehipto; at aking narinig ang kanilang daig.
-Exodus 3:7

Kung matindi ang kalungkutan at paghihirap sa mga nangyayari, maaaring masaktan lalo kapag may nagsabing may magandang ibubunga ang mga kahirapang ito. Baka maisip pang siya’y manhid at hindi makatotohanan ang pananaw, gayong mabuti naman ang intensiyon niya.

Ganyan ang nangyari sa mga Israelita nang kasalukuyang kumikilos ang Dios para lumaya sila mula sa Ehipto. Sa pagtigas ng puso ni Faraon sa utos ng Panginoon, lalo niyang dinagdagan ang trabaho ng mga aliping Hebreo (Exodo 5:10-11). Lubos silang nanlupaypay at hindi matanggap ang pagtiyak ni Moises na naririnig ng Diyos ang kanilang daing at tutuparin ang pangakong dadalhin sila sa sariling lupain (6:9).

Maraming beses na sa tindi ng ating pasakit at takot, hindi natin naririnig ang tinig ng Dios. Ngunit hindi tumitigil ang pakikipag-usap ng Dios sa atin kapag hindi natin Siya marinig. Patuloy Siyang gumagawa sa kapakanan natin, tulad ng ginawa Niya para sa mga Israelita sa pagpapalaya sa kanila mula Ehipto.  Sa pagkaranas natin ng kahabagan at malasakit ng Dios, magsisimula na natin Siyang marinig, habang ang sakit at takot natin ay patuloy na gumagaling.

By: David Mc Casland

“Tunay – ako’y mahal at iniingatan ng Dios
‘Pag ako’y namimighati, puso Niya’y nasasaktan
Kung araw ko ay madilim at puspos ng kalungkutan
Alam ko – Tagapagligtas, mahal ako’t laging iniingatan.”

KAHIT HINDI NATIN NARARAMDAMAN ANG PRESENSIYA NG DIOS, NAPAPALIGIRAN TAYO NG PAGMAMAHAL AT MALASAKIT NIYA.

IPASA SA IBA

Maging sa pagtanda at pagkakaroon ng mga uban, o Dios, huwag mo akong pabayaan hanggang sa aking maipahayag ang Iyong kalakasan sa lahat ng darating na salinlahi.
-Awit 71:8

Ang pagtanda ay hindi ibig sabihin na laos o lipas na. Maaaring ibig sabihin nito ay paglawak ng isip at karakter, paglilingkod, pagtatamasa ng kasiyahan hanggang katapusan. Sabi ni T.S. Eliot, isang awtor, “Ang matandang lalaki ay dapat maging mangagalugad (explorer). Sabi nga ng isang kaibigan, “Magpapakaaktibo hanggang hindi pa hilo.”

Ang mga huling taon ay maaaring gawing pinakakasiya-siyang mga taon ng buhay sa paggamit ng mga kaloob ng Dios para sa iglesia at nang makatulong sa paglago nito. May mga paglilingkod pang magagawa at mga tagumpay na aanihin.

Maaaring wala nang lakas o kakayahang maglider, ngunit hindi matatawaran ang maitutulong nila sa susunod na henerasyon ng mga lider. Tinanong si John Wesley kung anong gagawin niya kung malamang sandali na lang ang kanyang buhay. Ang sabi, “Kakausapin ko ang aking mga lalaking anak hanggang sa kahuli-hulihang sandali, ibabalik ko na ang aking espiritu sa kanya na nagbigay sa akin.”

Ganyan din ang nais ng salmista: “Maging sa pagtanda at pagkakaron ng mga uban, o Dios, huwag mo akong pabayaan hanggang sa aking maipahayag ang Iyong kalakasan sa lahat ng darating na salinlahi.” (Awit 71:18)

Tayo rin dapat ay manatiling laging handa na pagamit sa Dios upang mapasagana ang buhay ng iba. Ang pinakamalaking pakinabang mula sa matatanda ay maaaring pagpasa sa iba ng kanilang pagkaunawa sa Dios.

By: David Roper

“Lalong tumatanda, nadadagdagan kaalaman
Ang pagtanda ay panahong ibahagi ang karunungan
Malay natin kung gaano ito makatutulong
Sa mga mamumuno sa susunod na henerasyon.”

ANG PAGLIMOT SA MATATANDA AY PAGBALEWALA SA KARUNUNGAN NG MAHABANG PANAHON.