Saturday, April 2, 2016

IPASA SA IBA

Maging sa pagtanda at pagkakaroon ng mga uban, o Dios, huwag mo akong pabayaan hanggang sa aking maipahayag ang Iyong kalakasan sa lahat ng darating na salinlahi.
-Awit 71:8

Ang pagtanda ay hindi ibig sabihin na laos o lipas na. Maaaring ibig sabihin nito ay paglawak ng isip at karakter, paglilingkod, pagtatamasa ng kasiyahan hanggang katapusan. Sabi ni T.S. Eliot, isang awtor, “Ang matandang lalaki ay dapat maging mangagalugad (explorer). Sabi nga ng isang kaibigan, “Magpapakaaktibo hanggang hindi pa hilo.”

Ang mga huling taon ay maaaring gawing pinakakasiya-siyang mga taon ng buhay sa paggamit ng mga kaloob ng Dios para sa iglesia at nang makatulong sa paglago nito. May mga paglilingkod pang magagawa at mga tagumpay na aanihin.

Maaaring wala nang lakas o kakayahang maglider, ngunit hindi matatawaran ang maitutulong nila sa susunod na henerasyon ng mga lider. Tinanong si John Wesley kung anong gagawin niya kung malamang sandali na lang ang kanyang buhay. Ang sabi, “Kakausapin ko ang aking mga lalaking anak hanggang sa kahuli-hulihang sandali, ibabalik ko na ang aking espiritu sa kanya na nagbigay sa akin.”

Ganyan din ang nais ng salmista: “Maging sa pagtanda at pagkakaron ng mga uban, o Dios, huwag mo akong pabayaan hanggang sa aking maipahayag ang Iyong kalakasan sa lahat ng darating na salinlahi.” (Awit 71:18)

Tayo rin dapat ay manatiling laging handa na pagamit sa Dios upang mapasagana ang buhay ng iba. Ang pinakamalaking pakinabang mula sa matatanda ay maaaring pagpasa sa iba ng kanilang pagkaunawa sa Dios.

By: David Roper

“Lalong tumatanda, nadadagdagan kaalaman
Ang pagtanda ay panahong ibahagi ang karunungan
Malay natin kung gaano ito makatutulong
Sa mga mamumuno sa susunod na henerasyon.”

ANG PAGLIMOT SA MATATANDA AY PAGBALEWALA SA KARUNUNGAN NG MAHABANG PANAHON.

No comments:

Post a Comment