Saturday, April 2, 2016

GOD HELP

Naranasan mo  na bang ma-inlove sa taong di ka naman talaga type? Ang mag-add a friend sa fb pero di ka inaccept, na-try mo na? Yung mag-send ka ng email pero di ka nirereplayan? Mag-call&text ng paulit-ulit pero di ka sinasagot? Naranasan mo na ba na minsang kapain mo ang bulsa sa likod ng pantalon mo ay di mo na makapa ang pitaka mo na naglalaman di lang ng pera kundi ATM at mga ID? Nadukutan ka na ba ng cellphone o nalaslasan ng bag? Matutukan ng patalim? Ma-basted? Ma-isnaban? Mabulyawan ng boss? Ma-traydor ng kaibigan? Ma-tsismis?

Inaamin ko, ang ilan sa mga nabanggit ko diyan ay naranasan ko na. Ang kirot nga sa puso ih. Nasabi ko pa sa sarili ko, “Nagmahal lang naman ako ah, bat ganun siya?”, “Bat nangyari yun, iniingatan ko na nga ng sobra nawala pa”, “Nananahimik na nga ko dito sa sulok tas napagalitan pa din”, “Ano ba kasalanan ko bat sakin pa yun nangyari?”…

Kirot – NAPAKASAKIT, sobra, BRUTAL, ang hirap titigan, DI MAIPALIWANAG NA HAPDI. (Iyan ang nasabi ko habang pinapanood ang “the Passion of Christ.”) Sa bawat palo ng LATIGONG BAKAL sa likod NIYA, sa bawat DUGO na lumalabas sa mga naghahapdiang SUGAT NIYA na nabibilad sa matinding sikat ng araw habang umaakyat sa matarik na bundok, si HESUS ang dumanas ng parusa sating mga kasalanan.

Nahihiya ako sa KANYA pag naaalala ko ang KRUS. Dahil wala man lang nabanggit na nagsabi SIYA, “Bakit kailangang mangyari ito sa akin? Bakit dapat akong mamatay? Wala naman akong kasalanan ah!”. “Ama, patawarin mo sila di nila alam ang kanilang ginagawa” ang nabanggit NIYA.
Lahat tayo ay mayroong biglaang karanasan sa buhay na di natin matanggap gaya ng pag-yao ng isang mahal sa buhay, paglayo ng isang matalik na kaibigan, pag-iwan ng karelasyon, pagkawala ng mga bagay na lubos nating iniingatan, at iba pa. Lahat tayo ay mayroon ding nagawang mga kalokohan na nakasakit at nakadismaya  ng damdamin ng iba. Minsan, binabagabag pa rin tayo kapag naaalala natin ang lahat ng yun.

Pero sana…
Maisip di natin na mayroong HESUS na kumuha na ng lahat ng bigat na pinapasan ng puso natin. Mula noon, kahapon, ngayon at ang mangyayari pa.

Mayroon akong nabasa na isang totoong istorya…

Mayroong isang lalaki na hinuli sa pagpatay ng isang 12-taong gulang na batang babae. Nang siyasatin ng pulis ang computer niya, may lumabas na folder na ang file name “MGA KASALANAN KO” pero di nila mabuksan kasi may password. Dahil diyan, naghanap sila ng eksperto sa paglutas ng ganitong problema. Makalipas ang 16-oras, naging matagumpay ang eksperto at nadiskubre niya na ang password ng file ay “GOD HELP” o “tulong ng Diyos.” At nabasa sa loob ng folder ang buong detalye ng kanyang anim na krimeng nagawa.

Naisip ko tuloy…
Baka nalaman niya ang KATOTOHANAN na tanging si HESUS lang ang makakatulong sa sobrang bigat na dinadala ng puso niya dahil sa mga kalunus-lunos na kasalanang ayaw naman niya talagang gawin.


Written by: Yhang Cabrera

No comments:

Post a Comment