Ngayon ay
humayo ka, Ako’y sasaiyong bibig at ituturo ko sa Iyo kung ano ang Iyong
sasabihin.
-Exodo 4:12
Si Moises,
nang tawagin ng Diyos ay maraming idinahilan, “O Panginoon, ako ay hindi
mahusay magsalita, mula pa noon o kahit mula pa nang magsalita ka sa Iyong
lingkod, sapagkat makupad akong magsalita at umid ang dila” (Exodo 4:10).
Nagpapahiwatig
ito na si Moises ay may depekto sa pagsasalita, maaaring nauutal siya. Ngunit
sinabi ng Dios sa kanya, “Sinong gumagawa ng pipi o bingi, o may paningin o
bulag sa tao? Hindi ba Akong Panginoon?” (t.11).
Hindi
aksidente ang ating depekto o kapansanan. Disenyo iyan ng Dios. Ginagamit Niya
ang bawat isa sa depekto natin para Kanyang kaluwalhatian. Ang paraan ng Dios
sa pakikitungo sa ating mga “limitasyon” ay hindi alisin ang mga ito kundi
bigyang kalakasan at gamitin sa ikabubuti.
Sa Bagong
Tipan, binanggit na si Pablo ay may depekto o sakit na hindi tinukoy kung ano –
tinawag niya na “tinik sa laman.” Ilang beses niyang hiniling sa Dios na alisin
ito (2 Corinto 12:7-8). Ngunit sabi ng Dios, “Ang Aking biyaya ay sapat na sa
iyo sapagkat ang Aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan” (t.9).
Natutunan ni
Pablong magalak sa kanyang kahinaan upang ang kapangyarihan ni Cristo ay
manatili “sa kanya” (t.9), sapagkat “kapag ako’y (Pablo) mahina ako nga’y
malakas (t.10).
By: David
Roper
“Mga
tapat at banal na kasama ang Dios
Kahit
mahihina, sa Salita Niya’y tiwala’y lubos;
Pasakit
at luha sila rin ay inaabot
Ngunit
napagtatagumpayan lahat ng kanilang takot.”
ANG LAKAS NG
DIOS AY PINAKAKITANG-KITA SA ATING KAHINAAN.
No comments:
Post a Comment