Saturday, April 2, 2016

NASASAKTAN AT PINAKIKINGGAN

Aking nakita ang paghihirap ng Aking bayan na nasa Ehipto; at aking narinig ang kanilang daig.
-Exodus 3:7

Kung matindi ang kalungkutan at paghihirap sa mga nangyayari, maaaring masaktan lalo kapag may nagsabing may magandang ibubunga ang mga kahirapang ito. Baka maisip pang siya’y manhid at hindi makatotohanan ang pananaw, gayong mabuti naman ang intensiyon niya.

Ganyan ang nangyari sa mga Israelita nang kasalukuyang kumikilos ang Dios para lumaya sila mula sa Ehipto. Sa pagtigas ng puso ni Faraon sa utos ng Panginoon, lalo niyang dinagdagan ang trabaho ng mga aliping Hebreo (Exodo 5:10-11). Lubos silang nanlupaypay at hindi matanggap ang pagtiyak ni Moises na naririnig ng Diyos ang kanilang daing at tutuparin ang pangakong dadalhin sila sa sariling lupain (6:9).

Maraming beses na sa tindi ng ating pasakit at takot, hindi natin naririnig ang tinig ng Dios. Ngunit hindi tumitigil ang pakikipag-usap ng Dios sa atin kapag hindi natin Siya marinig. Patuloy Siyang gumagawa sa kapakanan natin, tulad ng ginawa Niya para sa mga Israelita sa pagpapalaya sa kanila mula Ehipto.  Sa pagkaranas natin ng kahabagan at malasakit ng Dios, magsisimula na natin Siyang marinig, habang ang sakit at takot natin ay patuloy na gumagaling.

By: David Mc Casland

“Tunay – ako’y mahal at iniingatan ng Dios
‘Pag ako’y namimighati, puso Niya’y nasasaktan
Kung araw ko ay madilim at puspos ng kalungkutan
Alam ko – Tagapagligtas, mahal ako’t laging iniingatan.”

KAHIT HINDI NATIN NARARAMDAMAN ANG PRESENSIYA NG DIOS, NAPAPALIGIRAN TAYO NG PAGMAMAHAL AT MALASAKIT NIYA.

No comments:

Post a Comment