Saturday, September 22, 2012

HAPPINESS IS ACHIEVABLE

Mahalagang sabihin na ang pagtatamo ng KALIGAYAHAN ay pagsunod sa pamantayang moral na makapagpapaunlad ng pakikipag- ugnayan sa kapwa.  Kapag nakadarama ng KALIGAYAHAN-HAPPINESS ang tao, tiyak na magiging madali para sa kanya ang mapaunlad ang pakikipag- ugnayan sa kapwa.

Halimbawa:
* Parang “nakatungtong sa ulap” si Kesiah dahil matataas ang kanyang grade.  Masayang- masaya siya kaya lahat halos ng masalubong niya ay masaya niyang binabati.
* Sinagot na ni Dhang ang matagal na niyang manliligaw na si Rodel.  Akalain mong dahil sa sobrang kaligayahan ng binata, agad itong nagpabili ng hapunan sa Max’s para magkaroon ng masaganang hapunan ang pamilya ng kanyang nilalangit.
* Isang milyon ang premyo ni Aldrin nang siya ay naitanghal na top- earner ng kumpanya.  Masayang nasabi ng anak sa ina, “Ma, payag po ba kayong ibahagi natin sa iba ang ating biyaya?” “Oo naman anak! Ibili natin ng maraming goods and kinds upang ating maibahagi sa maraming nangangailangan ng tulong” ang tugon ng ina.
* Hindi man nakamit ni Yhang ang inaasam niyang maging photo-journalist ng mga leading newspapers, siya ay nakadama ng “makalangit na kaligayahan” nang siya ay mapabilang sa Book Publishing Ministry ng isa sa kinikilalang reverend ng bansa.

ooOoo

Eh, ano ba ang kaligayahan/happiness na isa sa mataas na pamantayang moral?

      Ayon kay Dr.Ly Sycip, chairperson ng U.P. Department of Psychology, “Happiness is a positive feeling or emotion.” Sabi naman ni Ma. Kathleen Bernadette Nisperos, faculty member ng Ateneo de Manila University, “It is a state of balance” at inihayag naman ni Teresa G. Tuazon, ng nasabi ring pamantasan, “Happiness, to be more meaningful, should be a state of mind, a kind of disposition.  It is an inner and deeper sense of being at peace with God, the people around you, & the things that you do.” Inihayag naman ni Felix M. Montemayor sa kanyang aklat na Ethics, The Philosophy of Life, “Happiness is the ultimate good and goal of men.” Samantala, ang happiness alinsunod sa Lingkod ng Diyos Apostol Renato D. Carillo, “Ang tunay na kaligayahan ng buhay ay nasa pagbibigay.”

      INAAMIN NG MGA PSYCHOLOGISTS NA WALANG “RULES OF THUMB” KUNG PAANO MAAARING LUMIGAYA ANG TAO, PERO NANINIWALA SILANG SA TULONG NG MGA SUMUSUNOD, MAPAUUNLAD NG TAO ANG KANYANG SARILI KAYA MALILINANG NIYA ANG SARILI, TUNGO SA PAKIKIPAG- UGNAYAN SA KAPWA.

1.Tibayan ang pananalig sa Maykapal.  Siya ang magbibigay ng dahilan upang lumigaya ang tao.
2.Tanggapin, pahalagahan, ikaligaya, at ipagpasalamat ang mga biyaya ng Panginoon.  Ikaliligaya kung matututunang ipamigay ang iba nito sa kapwa.
3.Matuto kang tumanggap ng hirap at pasakit.  Upang lumigaya, tandaan mo, “kapag may hirap, may ginhawa”.  “Ang lahat ng suliranin ay may kalutasan.”
4.Iwasan ang manatili sa kalungkutan.  Gumawa ng paraan upang lumigaya.  “Life is what you make it.”  Pilitin mong malampasan ang hirap at kalungkutan- makisama ka sa mga masasayang tao at liligaya ka!
(attend @ JIOSWM. www.miraclehour.com)
5.Patawarin ang iyong sarili, pati na ang iyong kapwa at makakadama ka ng kasiyahan at kaganapan.
6.Gawin mo ang iyong mga pananagutan sa buhay, lalo na ang may kaugnayan sa tao, sa mga pangyayari, at sikapin mong maging positibo ang kahihinatnan nito.
7. Magtiwala sa sarili (sa iyong angking talino, kasanayan, kakayahan, talento, at galing na bigay ng Diyos sa iyo.)
8.Huwag kang mawawalan ng pag- asa.  Ito ang magbibigay sa iyo ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang iyong layunin, tungo sa pakikipag- ugnayan.
9.Magkaroon ng kapalagayang-loob na mapagkakatiwalaan upang magbigay ng inspirasyon.
10.Ibahagi ang iyong sarili sa iyong kapwa.  Kapag may natulungan ka, sasabihin nila sa iyo, “Ikaw ay mabait, masipag at matulunging tao.” Ang mga salitang ito ay magpapalakas ng iyong loob at magdudulot sa iyo ng kasiyahan upang ipagpatuloy ang iyong mabuting pananaw sa buhay.
11.Magpasalamat ka.  Ang marunong magpasalamat ay madalas na tinutulungan kaya nalulutas ang suliranin.
12.Tanggapin mong ang kalungkutan ay nasa isip lamang.  Nalulungkot ang tao, dahil ito ang iniisip niya.  Ang negatibong iyong naiisip ay magaganap sa iyo.
13.Ang pera ay hindi ang lahat sa mundo.  Kapag yumaman ang tao, “kumikitid” ang “mabibili” nilang kaligayahan.
14.Unawaing may panganib sa paghahanap ng kaligayahan sa mundo. Kapag alam mo kung anong panganib ang iyong kakaharapin, madali mo itong malalampasan.
15.Kilalanin mo ang Panginoong Hesus upang malaman mo na ang tunay na kaligayahang iyong hinahanap ay sa Kanya lamang matatagpuan.
(attend @ JIOSWM. www.miraclehour.com)

No comments:

Post a Comment