Si Cornelio
ay opisyal ng militar sa Roma noong unang siglo. Tungkulin niya ay panatilihin
ang kapayapaan sa magulong panahon sa Judea. Karamihan ng Romano noon ay
maraming dios-diosan, ngunit hindi si Cornelio.
May takot siya sa isang tunay na Dios, mapagbigay sa mga dahop at palaging
nananalangin (Gawa 10:2). Bagamat di tanggap ng mga Judio na isa siya sa
kanila, kinilala siya ng Dios na isa sa mga Kanya. Ayon si Cornelio sa Dios sa kung ano ang mabuti at ginagawa niya ito.
Dahil sa kabutihan at dalangin ni Cornelio, pinili siya ng Diyos para sa ispesyal na tungkulin, at
pinadala ang isang anghel para sabihin kung anong gagawin niya. Di ipinaliwanag
ng anghel kung bakit at di sinabi ang magiging resulta nito, ngunit sinunod ni Cornelio ang mga gagawin. Dahil sa
kanyang pagtalima, siya at ang kanyang sambahayan ay naging mga unang Hentil na
nanampalataya at tumanggap ng Banal na Espiritu.
Ang halimbawa ni Cornelio
ay nagpapaalala na di lang ang mabuti nating ginagawa ang nakikita ng Dios
kundi naghahanap Siya ng mga taong katulad Niya. Nais Niyang gawin silang
kamanggagawa sa pagbabago ng mundo.
Kapag sinunod natin ang halimbawa ni Cornelio, maaaring gamitin ng Dios ang
mga simpleng kabutihan sa pagbabago ng mundo.
Panalangin:
Panginoon, ang kahabagan ay bahagi ng Iyong katangian,
at ang kabutihan ay isa sa pinakamabuting paraan upang ipakita sa mundo kung
ano Ka. Nawa’y mapuno ng kahabagan Mo ang puso ko at dumaloy ito sa buhay ng
mga taong nakakasama ko. Amen.
Ang kabutihan ay langis na nag-aalis ng galit at
hidwaan sa buhay.
“Maging mabait kayo sa isa’t isa, mga mahabagin,
nagpapatawad sa isa’t isa, gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos kay Cristo.”
Efeso 4:32
No comments:
Post a Comment