Itabi
natin ang bawat pabigat at ang pagkakasalang madaling bumibitag sa atin.
-Hebreo
12:1
Ang
hukbo ng bantog na emperador ng Roma, si Alexander the Great, ay lulusob sa
Persia. May saglit na muntik na silang
matalo. Sobra kasi ang pandarambong na ginawa ng kanyang mga sundalo sa
natalong bayan dahil sa bigat ng dala-dalahan at hindi na sila epektibo.
Iniutos
ni Alexander na samsamin ang nadambong at itambak sa isang lugar – at sunugin.
Nagreklamo ang mga sundalo ngunit di nagtagal at nakita nila ang kagalingan ng
ginawa ng kumander nila. May nagsulat, “Para silang nabigyan ng pakpak. Muling
gumaan ang kanilang mga katawan – at sila’y nagtagumpay.
Bilang
kawal ni Cristo, dapat nating iwaksi ang anumang sagabal sa pakikipaghamok sa
ating espiritwal na kaaway. Upang magtagumpay tayo, ang isusuot lang natin ay
ang “baluti ng Dios.” (Efeso 6:11-17).
Itinutulad
din ng Biblia ang Cristiano sa mananakbo. Para manalo sa takbuhan, dapat “itabi
ang bawat pabigat” na makakabawas ng ating lakas at katatagan (Hebreo 12:1).
Ang pabigat na ito ay maaaring labis na pagnanasa ng mga material na bagay,
pag-ibig sa salapi, walang taros na pagkahilig sa kasayahan, bihag ng pita ng
laman, o pagpapaalipin sa batas.
Tunay
na kung nais nating lumaban sa mabuting labanan ng pananampalataya, matiyagang
tiisin ang espiritwal na takbuhan, ang dapat tandaan: “Itabi ang bawat
pabigat!”
By
Richard de Haan
“Buong lakas na lumaban sa mabuting labanan
Si Cristo ang lakas at iyong karapatan
Pagtiisan ang buhay dito sa lupa
Kagalakan mong putong doon sa walang hanggan.”
KUNG
NABIBIGATAN KA SA BUHAY CRISTIANO MO, MAAARING MAY MGA PABIGAT NA PUMIPIGIL SA
IYO.
No comments:
Post a Comment