Pagkatapos
na kayo’y magdusa ng sandaling panahon, ang Dios ng buong biyaya… ay Siya ring magpapanumbalik, magpapatibay, at
magpapalakas sa inyo. – 1 Pedro 5:10
Isinulat
ng awtor na si George MacDonald, “Dumating ang Panginoon para pahirin ang ating
mga luha. Ginagawa Niya ito, at gagawin
Niya ito agad hanggang magawa Niyang dumaloy ito ng wala ng kapaitan – kaya sinabi Niya na
mapalad ang mga nahahapis sapagkat may paparating na pang-aliw.
At
habang naghihintay ng kaaliwang ito, makakasiguro tayo na hindi tutulutan ng
Dios na masubok tayo ng higit sa kakayahan nating pasanin ito. Bawat pagsubok
sa buhay ay nakatakda. Bawat mahirap na sitwasyon ay malalampasan sa pamamagitan
ng Kanyang pag-ibig. Di Niya
tutulutang maghirap o masaktan man nang
kahit isang saglit sa itinakdang panahon. Sabi ng isang Kawikaan, “para sa
isang tupa na naahitan na ng balahibo ang buong katawan, sukat na sukat ng Dios
ang hangin para di ito ginawin.” Ang ibig sabihin, hindi pahihintulutan ng Dios
na magapi ang mga walang kakayahang lumaban sa dagok ng buhay.
Maaaring
malalalim na dagat ng buhay ang tinatawid mo, o ang buhay mo tulad ng ginto ay
dapat dalisayin sa pamamagitan ng apoy. Ngunit sa gitna ng mga ganitong tiisin,
pangako ng Dios na lagi Siyang kasama sa hirap, nakikiramay, matapat na
kaibigan. At Siya na “Dios ng biyaya ay magpapanumbalik, magpapatibay at
magpapalakas sa inyo.” (1 Pedro 5:10).
At
pag nakumpleto na ang kanyang gawain sa atin, iuuwi Niya tayo sa langit kung
saan papahirin Niya lahat ng luha natin – hanggang walang hanggan (Pahayag
21:4).
By:
David Roper
“Alam Niya ating pasanin
Mga pasakit, pagsubok, tiisin
May malasakit Siya sa bawat kaluluwang umiiyak
At luhang dumadaloy, Kanyang papahirin.”
KADALASAN,
ANG LUHA AY PARANG TELESKOPYONG NAGPAPALINAW AT NAGPAPALAKI NG PANANAW NATIN SA
LANGIT.
No comments:
Post a Comment