May bunga ang bawat desisyon na
ginagawa natin sa buhay ngayon, iyan man ay sa larangan ng pag-aaral, bisyo,
barkada, relasyon, trabaho, lahat lalong-lalo na sa mga bagay patungkol sa
Dios. Dalawa lang ang kahihinatnan nito BUHAY o KAMATAYAN. Ano ang pipillin mo
kaibigan? Gusto kong ipaalam sa iyo ang nilalaman ng Banal na Aklat. Ganito ang
sabi:
“O hinahamak mo ang mga kayamanan ng
Kanyang kabutihan, pagtitiis, at pagtitiyaga na hindi mo nababatid na ang
kabutihan ng Dios ang umaakay sa iyo sa pagsisisi? Ngunit ayon sa iyong
katigasan at pusong hindi nagsisisi ay nagtitipon ka para sa iyong sarili ng
poot sa araw ng kapootan at pagpapahayag ng matuwid na paghuhukom ng Dios.
Kanyang gagantihan ang bawat tao ayon sa kanyang mga gawa: sa kanila na sa
pamamagitan ng pagtitiyaga sa mabubuting gawa, na naghahanap ng kaluwalhatian
at karangalan at ng kawalan ng kasiraan, ay magbibigay siya ng buhay na walang
hanggan; samantalang sa kanila na makasarili at hindi sumusunod sa katotohanan,
kundi bagkus ay sumusunod sa kasamaan ay para sa kanila ang poot at galit.
Magkakaroon ng hirap at pighati sa bawat kaluluwa ng tao na gumagawa ng
kasamaan, una’y sa Judio at gayundin sa Griyego; subalit kaluwalhatian,
karangalan at kapayapaan sa bawat gumagawa ng mabuti, una’y sa Judio at
gayundin sa Griyego: sapagkat ang Dios ay hindi nagtatangi ng mga tao.” (Roma
2:4-11)
Lahat ng mga tao mabuti man o masama
ay haharap sa Dios na Hukom ng lahat ayon sa kanilang Pamumuhay dito sa lupa
sapagkat ang Dios ay makatarungan at banal. Handa ka bang humarap ngayon upang
hatulan? Tandaan mo kaibigan, hindi mo ito kailanman matatakasan. (Gawa 17:31,
Hebreo 9:27)
I.May Alok na Buhay na Walang Hanggan ang Dios. Ito ang alok ng mapagmahal na Dios sa
iyo kaibigan. Maaari mong maiwasan na ikaw ay mapahamak kung ikaw ay tatalikod
at magsisisi sa iyong masamang Pamumuhay. Ang buhay na walang hanggan ay para
lamang sa mga taong nabubuhay para sa Dios dahil sa kanilang pananampalataya sa
Kanyang bugtong na Anak na si Hesu-Kristo na Siyang tanging tagapagligtas ng
sanlibutan sa kasalanan (Roma 1:16-17). May bunga ng pagtitiyaga sa paggawa ng mabuti ang ganitong
pananampalataya sa Ebanghelyo ng Dios. May gantimpala ng kaluwalhatian, karangalan
at kapayapaan sa Dios sa hinaharap. Piliin mo ito kaibigan ngayon na habang may
panahon ka pa.
II.May Banta ng Kamatayang Walang Hanggan ang Dios. Para naman ito sa mga tao na
nabubuhay para sa sarili lamang at walang tamang kaugnayan sa Dios na totoo.
Ayaw nilang sumunod sa mga katotohanan ng Dios, mas gusto nilang gawin ang
masama at labag sa kalooban ng Dios. Ganti at hindi gantimpala ang kanilang
tatanggapin sa araw ng paghuhukom. Mararanasan nila ang walang hanggang
pagkawalay, paghihirap at poot ng Dios (2 Tesalonica 1:7-10). Maghunos dili ka
kaibigan! Magisip-isip ka! Walang hanggang paghihirap ito sa impiyerno!!!
(Apocalipsis 20:11-15, 21:8)
Mga Paalala:
(a)Huwag mong
abusuhin ang awa at napakaraming kabutihan ng Dios sa iyo ngayon.
“O hinahamak mo ang mga kayamanan ng
Kanyang kabutihan, pagtitiis at pagtitiyaga na hindi mo nababatid na ang
kabutihan ng Dios ang umaakay sa iyo sa pagsisisi?” (Roma 2:4-5)
“…matiyaga sa inyo, na hindi niya
ibig na sinuman ay mapahamak, kundi ang lahat ay dumating sa pagsisisi.” (@ Pedro 3:9)
Pero may hangganan ang awa ng Dios.
“Ang panahon ng kahangalan ay
pinalampas na nga ng Dios ngunit ngayo’y ipinag-uutos Niya sa lahat ng tao na
magsisi. Sapagkat itinakda Niya ang isang araw kung kalian Niya hahatulan ang sanlibutan.” (Gawa 17:30-31)
Ang paanyaya sa iyo ay magsisi ka
ngayon! Ang pagsisisi ay paglayo sa lahat ng mga kasalanan (masasamang bisyo,
imoralidad, walang paggalang, walang pananampalataya, at iba pa) (Galacia
5:21). At pagbabalik-loob sa Dios. Lumapit ka at magpakababa sa harap ng Panginoon
(Mateo 11:28).
(b)Huwag mong
akalain na matagal pa ang araw ng pagbabalik ni Hesus.
Biglaan ang dating nito kagaya ng
baha sa panahon ni Noe (Mateo 24:36-39)
Ano mang oras ay darating gaya ng
magnanakaw (Mateo 24:42-44)
Ang huling panawagan ko sa iyo
kaibigan ay matakot ka sa Dios na kaya kang itapon sa impiyerno ano mang oras.
Piliin mo ang buhay na walang-hanggan na makakamit mo sa pananampalataya kay
Hesus.
www.miraclehour.com